Episode 8

2 0 0
                                    


Pero hindi dapat ganoon, eh. Siguro sobrang attached ko lang kay Emilio these past few weeks na inakala ng puso kong nagugustuhan ko na siya. Tama baka 'yun nga. Maybe if I distance myself from that guy, I wouldn't find him attractive. Kailangan ko lang makauwi. That's the goal here, and not to fall in love with some guy... Worse! Anak pa ng Mayor sa isang bayan dito sa Bohol.

Ngayon ang dating ng mag-asawang Alcantara. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil roon. I wouldn't have to tag along to Emilio all the time because Mayor and Tito is here. Mas gugustuhin ko nalang sa Town Hall magliwaliw at hindi dito sa bahay nila kung saan palagi kong nakikita si Emilio. Kapag nasa kusina ako, nasa kusina rin siya at kumukuha ng tubig. Kapag nag ta-try akong magdilig ng halaman sa garden, nandoon na siya at nangangape! Lahat ng sulok nandito. Eh malamang bahay nila 'to, Athena. What do you expect?

"Good morning po, Mayor and Sir Amarillo." The househelpers were in line and sync as they greeted the couple. Nasa unahan rin ako to greet them. Some househelpers came to them para kunin ang bagahe while me? Una ako to beso them. Perfect score na talaga 'to. Hopefully makakauwi na ako next week. Please, Mayor... Let that happen. Pinapahirapan na po ng anak niyo ang puso at diwa ko.

"Good morning, Mayor... Good Morning, Tito." I greeted them. Kissed the Mayor's cheeks and hugged her husband.

"Good morning, hija. Where is Milo? Bakit hindi man lang tinulungan sina Manang sa pagbubuhat ng mga gamit namin? At ano ka ba, I told you to address me as Tita." Mayor... este Tita said.

"Ah, nasa loob po si Emilio at tinutulungan ang mga nagluluto po. Sa loob na po tayo at magtanghalian." I said while smiling and of course, respectfully. I really want to end my misery tita. Nagugustuhan ko na po ata ang anak niyo... Please pauwiin niyo na po ako.

"Mama! Papa!" Emilio said in excitement noong nakita niya kaming pumasok na. He hugged them at pinugpog niya ng halik si Tita. Napaiwas ako ng tingin dahil ang puso ko na naman hindi mapigil sa sobrang lakas ng pagtibok. He never fails to amaze me. From his relationship with other people and his relationship to his parents. Sure akong kapag nagka girlfriend to, pupugpugin niya rin sa pagmamahal. I could never be that girl.

"C'mon guys, dahil tuwang-tuwa ako sa lakad namin sa Cebu... Sabay-sabay tayong kumain lahat. Manong Bert, tawagin po lahat at kumain na!" Saad ng ginang na nagpahiyaw sa lahat. No wonder kung saan nakuha ni Emilio ang mabuting puso. Dad was right when he said na mababait na tao ang mg Alcantara. Kay Emilio palang, alam ko na iyon.

While eating, Tita was telling us stories about their conventions and seminars doon sa Cebu and how shocked she was dahil marami palang sobrang batang councilors and even Mayors na rin sa iba't-ibang parte ng bansa. She asked Emilio if he has plans to run for any positions but he said he's not interested. Sayang! I could really see him as a leader. Pero siguro nga he's better off without politics. I heard sobrang gulo ng mundo doon. Nang feel ko wala akong naging ambag sa mga kwento ni Tita, sumabat ako.

Of course, my time to shine! Baka Athena 'yan...

"Tita, baka may ma-reto ka pong batang councilor sa akin diyan? Hahahaha. For sure mag c-click kami dahil Legal Management student naman po ako." I said with all smiles na tinawanan ni Tita at Tito. May kung sinong nabulunan kaya napalingon kami doon and to our surprise it was Emilio! Oh my gosh, Is he okay? May mga manang na agarang lumapit sa kanya at hinagod hagod ang likod niya to soothe him. Bakit kasi hindi magdahan-dahan. Hay naku!

Tita and Tito was laughing while looking at their son. The house helpers were panicking dahil mas naging malakas ang pag ubo nito. After a while, pupuntahan ko na dapat siya when he raised his hands as sign that he is okay... also dismissing them. Nang magtama ang mga mata namin ay mas lumakas ang tibok ng puso ko because he's giving me cold stares. What was that for?

Summer Again (ON-GOING)Where stories live. Discover now