1

66 1 0
                                    

“Arat! Inom tayo!”

Pang-aaya ko kala Hazel at Jasmine dahil nagkayayaan ang mga nakilala kong mga cheerleading na naging kaibigan ko na din ng nakaraang linggo matapos maglaban-laban ang sampung cheerleading sa isang school na kilala din katulad ng university namin.

“Talaga iinom?” tanong nila sa akin na may halong excitement.

I nodded. “Oo.”

“Libre?” tanong pa nila.

Napangiwi ako sa sunod nilang tanong. Alam kong sasama sila kapag sinabi kong oo at kung hindi naman ay hindi sila sasama. Kilala ko na itong tatlo na ito kaya tumango na lamang ako bilang sagot.

Namimihasa naman yata silang puro libre, ‘no? Ang kakapal ng face may mga pera naman pero mga kuripot kung gumastos. Kung tutuusin ay mas marami silang allowance kaysa sa akin. Masyado lang talaga silang kuripot at nasanay sa panay libre.

“Weh? Seryoso? Libre?” Paniniguro pa ni Hazel.

“Oo nga! Ang kulit mo namang, t*ngina ka!” inis kong sigaw sa kanya. “At paano naman kung hindi, ha? May mga pera naman kayo, ha? Panay kayo palibre. Mahiya naman kayo!”

“Lah, aba, syempre! sila ang nang-aaya, ‘di ba?” pangangatwiran pa ni Jasmine.

“Eh, ano naman kung sila ang nang-aaya? Hindi porke sila ang nang-aaya ay aasa na kayo sa kanila, ‘no?” saad ko. “P*tangina niyo, ‘no! May mga pera naman kayo—”

“What are you three doing here?”

Hindi na natapos ang sasabihin ko ng may biglang nagsalita sa may likuran naming tatlo nila Hazel at Jasmine. Pare-pareho kaming natigilan dahil doon. Isang malamig na boses ang narinig naming tatlo. Napalunok ako ng mabosesan ko iyon. I bit my lower lip.

“Uulitin ko,” saad nitong muli. “What are you three doing here?”

“N-Nagpapahangin po, P-Pres,” sabay-sabay naming sagot.

Tumaas ang kilay nito. “Nagpapahangin?”

“O-Oo,” sagot namin.

Mas lalong tumaas ang kilay niya. “Aware naman siguro kayo na class hour ngayon, right?”

“O-Oo,” muli naming sagot.

“So? Bakit niyo pa naisipan na tumambay dito?”

“Mahangin kasi dito, honey. Tamang-tama lang para maibsan ang init na nararamdaman ngayon lalo na’t mainit ang panahon, honey.” Ako ang sumagot sa tanong ng SSG President namin.

Sinita pa nga ako ng dalawa kong kaibigan dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko man lang sila pinansin. Napangisi ako ng nagsalubong ang kilay ni Pres. Kinagat ko pa ng bahagya ang labi ko na para bang inaakit ito.

“You know what?” Kinamot pa ni Pres ang ibabang baba niya na para bang nagpipigil lang na masigawan kami. “I don’t care about your reason, Miss. Kaya maaari bang sabihin niyo lang pangalan niyo.”

“Bakit namin pati sila ay ibibigay ang name sayo? Interesado ka ba din sa mga kaibigan ko?” maloko kong tanong.

“Dahlia!” pananaway sa akin ng dalawa kong kaibigan. Halatang kinakabahan sila pero ako? Wala man lang akong maramdaman na kahit ano. Bukod sa gusto ko itong lalaking nasa harapan nain ngayon. 

“Wala ako sa panahon makipagbiruan sayo, Miss,” seryosong anas ni Pres. “Name, please?”

Sungit! Napanguso ako. Bakit ko nga ba ito nagustuhan? Eh, ang layo-layo ng ugali nito kay Lawrence. Last time I check…hindi ko tipo ang mga masusungit na lalaki. Pero ngayon? Parang nagbago bigla ang ihip ng hangin.

Her Naughty WaysWhere stories live. Discover now