Chapter Four

1.4K 141 1.7K
                                    

Noryn's smile was bitter and disappointed habang nakahiga siya patihaya sa kama at nakatitig sa puting kisame sa loob ng kuwarto niya. Iniisip niya ang pag uusap na namagitan sa kanila ni Renz kanina.

She hoped she didn't sound very obvious nang sabihin niya na hindi magandang tingnan na nakikitulog ang isang dalaga sa bahay ng nobyo nito. Sa dami ng pwedeng lumabas sa  bibig niya bakit iyon pa?

Dahil iyon ang idinikta sa kanya hindi lang ng isip kundi ng puso niya. Gusto niyang bahiran nang hindi maganda si Val sa paningin ni Renz, iyon ang totoo.

Bumangon siya sa kinahihigaan, niyakap ang malambot na unan. Ganon ba siya kasama? Yon nga ba ang gusto niyang gawin kaya hindi niya napigil ang sarili kanina?

Nagbuga siya ng hangin sa baga, ipinilig ang ulo. Hindi, she was just an old fashion woman at tinuran siya ng kanyang ama na pahalagahan kahit papaano ang iisipin ng ibang tao sa lahat ng bagay.

At paano naman si Hans? Tanong ng isang bahagi ng utak niya. Hindi ba't kulang na lang ay makitulog din ito sa apartment niya?

Hans was an exemption, pakikipagtalo ng isang bahagi ng utak niya. Hindi lang ito umaamin pero malakas ang kutob niyang bakla ito. At isa pa, wala silang malisya sa isa't isa. Hindi sila magkasintahan kagaya nina Renz at Valerie kundi magkaibigan lang.

"I got a feeling that you'll have your own first kiss soon. Kausapin mo na lang ako tungkol sa laway kapag nahalikan ka na ng lalaking mahal mo."

Mariing ipinikit ni Noryn ang mga mata. Aminado siya, bumilis nang husto ang tibok nang puso niya nang sabihin iyon ni Renz kanina.

She must be crazy, pero may pakiramdam siyang may tahimik na pangako ang lalaki... Pangakong ito ang magiging unang halik niya?

Ahh, hindi lang siya hibang, ilusyunada rin siya.

❌❌

MADILIM pa pero nakapaligo na at nakapagpalit ng damit si Noryn. Inakyat siya ni Manang Salome kaninang mag a alas cuatro ng umaga, ipinagigising daw siya ni Renz para sumama sa pag iikot sa rancho at sa hacienda ng mga De Marco. Gusto niya sanang tumanggi pero ayaw niyang isipin ni Renz na may masamang tinapay siya kay Valerie. Habang ipinapakita naman sa girlfriend nito na wala silang malisya ng boyfriend nito kaya wala itong dapat ipagselos sakali.

White t-shirt na pinatungan ng lumang long sleeve at kulay asul na jeans ang suot ni Noryn. Suot niya na rin ang luma niyang boots na siyang ginagamit niya tuwing sumasama siya o tumutulong sa pag aani sa tubuhan. Itinali niya ang kanyang buhok into a messy french bun, nag aply ng manipis na pulbos at ilang minutong nagtatalo ang isip kung magpapahid din ba ng lipgloss sa mga labi o hindi na lang.

She opted not to dahil bakit niya nga ba iyon gagawin? Para makipagkompetensya ng pagandahan kay Valerie? Akala niya ba susuko na siya? Wala naman siyang ipinaglalaban kung tutuusin.

Huminga nang malalim si Noryn nang marinig ang malambing at palapit na boses ni Valerie. Senyales na palabas na ito ng kabahayan kasama si Renz. Inalis niya ang likod mula sa pagkakasandal sa katawan ng 4 wheel drive pick up ni Renz. Tumalima siya para harapin at salubungin ang dalawa ng ngiting hindi makikitaan ng sakit o hinanakit.

Renz too was smiling habang nakayuko ito kay Valerie na nakatingala naman sa lalaki. Nag-iwas ng tingin si Noryn. The smile on his face brought pain in her chest. She realized she couldn't be happy for him without hurting her feelings.

But she needed to conceal the pain. Nag angat siya ng tingin matapos lunukin ang selos sa dibdib.

"Good morning," nakangiti na bati niya, sadyang iniiwas ang tingin sa kamay ni Valerie na nakapaikot sa baywang ni Renz. 

Renz De Marco (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon