Episode 1

42 2 0
                                    

Disclaimer:

Ang pabalat ng aking aklat ay hindi ko tunay na pagmamay-ari. ©Ctto sa tunay na may ari ng mga larawan. Ang lalaki nasa larawan ay isa sa hinahangaan kong actor sa japan. And the girl na nasa larawan ay isa lamang itong modelo at hindi ko kilala.
Ang mga larawan na iyan ay kinuha ko lamang sa google at inedit ko sa Photoshop. Anyway,I love editing covers, tarpaulins, pictures at iba pa. But, im not that totally expert just the basic ones. One of my hobbies aside sa pagsusulat.
Ang mga pangalan, lugar, eksena at mga pangyayari ay hindi sinadyang maihantulad sa totoong buhay. Ito ay pawang kathang-isip lamang ng may akda.

°FadeyDrucilla✍️

___________________________________________

(ANGELA POV)

        Hi! ako nga pala si Angela Morris. Isang hamak na mahirap at anak ng isang masipag na mga magulang. Sila ay nagsasaka sa aming dalawang ektaryang lupa. Mga pananim namin ay mga palay. Mayroon akong tatlong mga kapatid. Si Eding, Ace, Ekay at ako ang panganay. Nag-aaral ako sa isang pampublikong paaralan sa San Nikolo High School. Nakatira kami sa lungsod ng San Nikolo. Sa tuwing kami ay mamimili nang aming pangangailangan ay sumasakay pa kami ng dyip o kaya'y van papunta sa city ng San Nikolo.

Gusto kong ibahagi ang kwentong ito na kung saan nakilala ko ang isang lalaki na akala ko sa unay hindi marunong manakit. Siya ay nagmula pa sa East Asia na nakatira na ngayon sa San Nikolo parte ng pilipinas. Bago ang lahat nagsimula ito sa:

(AUTHOR'S POV)

"Oh anak alis na tayo!" tawag ni Aling Angie sa anak na ngayon nasa loob pa ng kanyang kwarto.

"Anong aalis? eh, saan ba tayo pupunta mama?" tanong ni Angela sa kanyang ina.

"Bibili tayo ng bago mong gamit sa eskwela." paliwanag ng ina sa labas ng pinto nakatayo.

"Salamat na lang po mama ngunit tinatamad ako hindi ko kayo masasamahan sa ngayon." nakabusangot nitong tugon.

"Baki't naman anak?"

"Inaantok pa ho ako kasi gusto ko pang magpahinga kayo na lang po at ang kapatid kong si Eding." wala sa sarili nitong tugon.

"Hindi ko siya pwede isama may ginagawa siya ngayon." sagot ng kanyang ina.

"Inay naman eh tinatamad nga ako eh! sige na nga sasama na ako!" pagpupumilit nito sa sarili.

"Alam mo anak kaya kita isasama kasi ikaw na mismo ang pipili kung anong gusto mong desenyo ng mga bago mong kwaderno o kulay ng bag mo." Paliwanag ng ina. Mailap pa naman ang dalaga pumili ng mga gamit niya at may sarili itong gusto at prinsipyo kaya pag may gusto ito ay siya mismo ang pinapabili ng ina para ng sa ganun ay hindi ito magrereklamo. Kadalasan pag hindi niya gusto ang binili ng kanyang nanay ay nagrereklamo mas minabuti sa ina niya siya na lang ang bibili o gagawa. Hindi sumagot si Angela sa sinabi ng kanyang ina at lumabas na ito ng kanyang kwarto na nakabihis. Nakajeans at t-shirt lang ang suot nito at naka rubber shoes.

Pasakay na sila ng van papunta ng bayan ng San Nikolo. Nauna na ang ina ni Angela sa loob ng mall. "Anak pumasok kana dito sa loob!" tawag ng kanyang ina.

"Susunod lang po ako inay." Sagot ni Angela sa kanyang ina.

" Baki't naman?ano ba ang hinihintay mo dyan ha?" tanong ng ina.

"BOUNDLESS INTIMACY" (Ongoing)Where stories live. Discover now