Episode 2

35 1 1
                                    

(ANGELA POV)

Sa unang pasukan sa eskwela kinakabahan ako dahil ito ang unang pagkakataon na makatuntong sa first year high school. I'm just 13 years old at hindi pa ako nagkaroon ng regla. Yes totoo, masyado pa akong bata hindi ba? Bagaman ang aking edad ay hindi coincide sa aking height na 5'4 at athletic body ako at hindi naman kaputian at hindi rin tan skin sakto lang. Nakuha ko ang aking height sa aking ama. Mas malala ay hindi rin ako nagkaroon ng dibdib. In short, hindi pa lumalaki ang aking dibdib. Samantalang ang aking mga kaklase may umbok na at nagsusuot na sila ng baby bra at iba bra na talaga. Habang ako ay walang pangloob na suot tanging blouse at palda tapos napailaliman ng short at panty . Nakakatawa hindi ba? Hindi rin ako attractive na babae at hindi rin kagandahan ang aking boses. Hindi rin ako marunong sumayaw tanging alam ko lang ang mag drawing ng anime's kaya lahat nang pabalat ng aking kwaderno ay bleach at naruto. Mahaba ang aking buhok hanggang beywang, hindi rin matangos ang aking ilong kundi sakto lang. Ang importante ay ang makahinga.

Dalawang palapag ang building ng aming paaralan. Lahat nang mag-aaral ay naka complete uniform. Magkaiba ang buhay sa high school kesa sa panahon na elementarya pa ako sa taong 2008.

After ng klase ay nag-iigib kami ng tubig sa 'di kalayuan gamit ang caritoon at sa caritoon namin nilalagay ang mga galloons. Sa puso kami nag titimba. Mahirap lang kami at aming bahay ay gawa lamang sa mga kahoy. Maaliwalas at malinis dahil ayaw ni inay na palaging may dumi ang loob. Lalong-lalo na sa sahig na kahit gawa sa kawayan ay makintab.

Tuwing weekened pinapunta ako sa aking tito na isang pulis na kapatid ni mama sa syudad ng San Nikolo upang may makasama ang aking pinsang bakla sa malaki nilang bahay.

Pinapasakay ako ni inay ng dyip at si tito ang sumusundo sa akin sa babaan ng sasakyan at pagkababa ko ay nakangiti ito.

"Ang mataray kong pamangkin kumusta kana?" nagmano ako sa kanya.

"Okay naman po ako tito." sagot ko.

"Mabuti naman kung ganun. Tara na kanina ka pa hinihintay ng pinsan mo." Tumango lang ako at pumasok sa loob ng kotse sa may backseat ng driver seat. Pumasok din si tito sa driver seat at nilulan namin ang daan at makalipas ang limang minuto ay narating namin ang Ballesteros Village kung saan ang kanilang bahay.

Palabas pa lang ako ng kotse ay tumitili na ang pinsan kong bakla mula sa second floor until pababa. Dinamba ako ng isang mahigpit na yakap.

"Pinsan hindi na a-ko maka-hinga..."

"Ayyy sarry pinsan. Namiss lang talaga kita!" tili niya. Pumasok kami sa loob ng kanilang bahay. Siya mismo ang nagdala sa aking backpack na may lamang damit.

"Jusmiyoo bakit ang bigat nang bag mo?" Hinihingal na paakyat kami sa second floor.

"Akin na nga iyan!" kinuha ko ang bag ko sa kanya ngunit ayaw niyang ibigay.

"Huwag na kaya ko naman eh!" Nagrampa siya paakyat.

Nang nasa loob na kami ay nahiga ako agad sa malambot niyang kama. Ang hinihigaan namin kasi sa bahay ay gawa lamang sa kawayan tapos banig. Napansin kong kanina pa ito nakadungaw sa bintana.

"Anong tinitingnan mo diyan?"

"Halika pinsan! dali!" Kinikilig nitong tawag.

"Anong merun?" nagtataka kung tanong.

"Did you know may bago kaming kapit-bahay na saksakan nang kapogian. Oh my gasshh!" his daydreaming again.

"Wala naman ah? akala ko pa naman kung sino ang tinitingnan mo." Akmang aalis na sana ako nang pinigilan niya ako.

"Nakita mo iyon? iyong matangkad na lalaki na naka-headphone? Habang nakapikit sa upuan sa may katabi ng swimming pool?" turo nito ngunit hindi ko alam kung saan banda ang tinuturo nito.

"BOUNDLESS INTIMACY" (Ongoing)Where stories live. Discover now