5: próvlima

24 0 0
                                    

Lux

Tahimik lang akong nakamasid sa kwarto niya. Mas malaki ito kesa sa kwarto ko. May mga paintings na nakasabit and malinis. Minimalist vibes siya and may chandelier sa living room.

"Pati ba naman room mo color gray pa din" She crossed her legs and smirked at me.

"So why do you want to see my room and why are you here in my house" Bumalik nanaman siya sa aura niya kanina. Hindi ako sanay na seryoso at galit siya.

"It's unfair on my part if i didn't see your room while you've been in my room multiple times" Sagot ko in a 'duh' tone "And we're here because sloane cried earlier when you go home without saying goodbye to him"

"And who's fault is that?" Mataray na tanong niya. I looked at her and studied her facial features.

She has monolid eyes, well maintained thick eyebrows, cute nose and thin lips. Did i ever tell you that whenever she smiles her eyes disappear? Her long brown hair that i always pull whenever i get annoyed.

"Yours" bored na sagot ko. Palaban dapat anong akala niya magpapatalo ako sa kanya porket seryoso siya ngayon.

"Okay" she stands up and she raises her right eyebrow.

"What?" Tanong ko at tinaas din ang kilay ko.

"Thank you for driving sloane here. I'll take him home tomorrow. You can go home" My jaw mentally dropped on what she says. Did she just tell me to go home!? At this hour!?

"What the hell is your problem!?" Tumaas na ang boses ko sa inis. Tinignan niya lang ako ng walang gana at hindi sumagot.

"Is this how you treat your guest tsk" Padabog akong tumayo sa sofa at inirapan siya bago nagkalad papunta sa pinto.

"No, but this is how i treat people who don't know how to admit their mistakes and those who don't know how to say sorry" Napatigil ako sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng masama at lumapit ulit sa kanya.

"Pinapatamaan mo ba ako!?" Gigil na sabi ko.

"Tinamaan ka ba?" Mataray na sabi niya. "Di ko na problema yon kung tinamaan ka, get out" Sabi niya at tinuro ang pinto.

"Stay away from me and sloane!" Galit na sabi ko at dinuro siya bago umalis ng tuluyan sa kwarto niya. Narinig ko pa ang huling sinabi niya.

"Whatever"

---

"CHEERS GIRLS!"

Sigaw ni hyoh bago namin ininom sabay-sabay ang tequila. Nandito kami ngayon sa bar na pag-aari ni hyoh dahil nag aya si alyssa na lubos pa namin ikinagulat dahil hindi naman mahilig uminom ito. Kung si jess at hyoh ang nag aya hindi ako magtataka. Sa grupo namin si alyssa, ako at michelle ang mga hindi pala inom at party goer habang si jess at hyoh naman ang mga pala inom.

Napatingin kaming lahat kay alyssa ng malakas nitong hinampas sa table ang baso niya matapos inumin ang laman. Nagkatinginan kaming apat bago ulit tumingin kay alyssa. May problema nga si gaga.

Si alyssa kasi yung tipo ng tao na sobrang tahimik at hindi nagsasabi ng problema kaya kailangan pinipiga muna bago magsalita.

"SANA BUMAGSAK MGA LAW STUDENT ANG SAKIT NIYO SA ULO!!!!" Nanlaki ang mata namin ng biglang sumigaw si alyssa. Buti nalang nasa v.i.p kami kaya walang katabi. Nagpapasalamat ako na sobrang lakas ng music kaya walang nakarinig baka may law students dito mapaaway pa kami.

"Hoy gaga ka!" Natatawang suway ni hyoh at hinampas sa braso si alyssa. Napa pout naman ito at tumingin kay hyoh.

"Hyoh if i operate on someone without anesthesia will you cover for me if i get caught!?" Pasigaw na tanong ni alyssa at yumakap sa braso ni hyoh. Napataas ang kilay namin sa sinabi niya. Is she high?

My child from the FUTURE (ON HOLD)Where stories live. Discover now