way --- 5

350K 5.9K 302
                                    

11 Ways to Forget Your Ex-boyfriend [way---5]

Pagkatapos nung gabing yun na tinakbuhan ko lang si Allen pati na rin si Trey, hindi na ulit ako nakipagkita kay Trey. Hinabol nya kasi ako eh.

Flashback

"Wait lang Sena!" nung mahabol nya ako hinawakan nya ako sa braso para hindi na ako makatakbo, sinubukan kong alisin yung kamay nya pero hindi ko nakayang tanggalin ito. Nawalan na ako ng lakas at napaluhod na lang habang hawak nya pa ring ang braso ko, nagtuloy tuloy ng bumagsak ang luha ko.

"Bakit?! Bakit mo ako pinigilan? Ayan tuloy napaiyak ako! Kung hinayaan mo na lang sana akong tumakbo edi sana hindi ako napaiyak! Nung tumatakbo ako hindi ako naiiyak! Alam mo bang pag tumigil ako sa pagtakbo maiiyak lang ako? Ayoko ng umiyak!"

Binitawan nya na ang pagkakahawak nya sa braso  ko, "Sige, tumakbo ka na ulit. Sa tingin mo ba, habambuhay ka na lang tatakbo? Walang masamang umiyak, tandaan mo hindi ka pedeng tumakbo habambuhay. In the end, ikaw lang ang mapapagod sa katatakbo. Pag may humahabol sayo, sana man lang bigyan mo ng chance na pigilan kang tumakbo."

Tumalikod sya nun, nilagay nya yung mga kamay nya sa bulsa nya, "Sige, tumakbo ka na ulit. Hindi na kita hahabulin at pipigilan."

Iniwan nya na ako pagkatapos. Hindi ko alam pero sa mga sinabi nya, mas lalo akong naiyak. Hindi ko na nagawang tumakbo, naiwan ako dun na nakaluhod pa rin. Mukha akong tanga... 

Pag nasa school kami, sinusubukan kong umiwas sa kanya, mukhang ganun din sya dahil hindi talaga kami nagkikita since then. mag-tu-two weeks na nga ang nakakalipas eh. Hindi nya na rin ako tinetext tapos pag nasa taekwando club naman, sobrang formal nya sakin na para bang hindi nya ako kilala. Pag nagsasalubong kami sa corridors, hindi nya rin ako ginigreet. Parehas kaming umiiwas sa isa't isa. Ano bang ginawa ko? At bakit ba ako affected sa hindi nya pag pansin sa akin? Minsan hindi ko na lang talaga magets ang sarili ko... 

#5. Meet new people

Ito yung sumunod na nareceive ko sa locker ko. Minsan naiinis ako sa mysterious sender na 'to, ano ba kasi talaga ang purpose nya? I mean kung gusto nya namang makatulong diba sana nagpapakilala na lang sya sakin? Ang totoo kasi nyan, gusto ko syang makilala at makausap, gusto kong humingi ng advice sa kanya. Gusto ko mas iexplain nya pa 'tong mga letters nya sakin. It's really hard to just rely with these one liners, they are so vague and ambiguous. Like this one, meet new people? In what sense?

Sabi sakin ni Kate, baka daw ang ibig sabihin sa letter ay makipagkilala ako sa bagong mga tao, ibig sabihin nun, makipagsocialize ako sa iba, sa mga taga ibang school or ibang studyante na hindi ko kilala. Sabi rin ni Kate, baka ang ibig sabihin ng sender ng letter ay, makipagdate ako sa taong hindi ko pa kilala which clearly means, blind date.

I don't really approve blind dates,  I just hate talking and going out with strangers. Kaya nga nagkaproblema kami ni Kate eh, ini-insist nya ako na makipagblind date daw dun sa cousin ng friend ng boyfriend nya.

11 Ways to Forget your Ex-boyfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon