🥀UNO🥀

1 1 0
                                    

YCA POV




"Yaaa... OMG! sila na bayan?"

"Ay! Oo, girl sila na ngayan"

"Look walang pinagbago si xellan! Mas lalo pang pomogi"

Kalalabas ko lang sa library ng mamuo agad ng hiyawan sa hallway. Kunot noo kong pinanuod kong paano mag sigawan at mag hiyawan ang mga babae dahil sa tatlong lalaking palapit sa batibot.

"Oo nga tignan mo naman, sis! Yong dating hot na si helly ay mas lalong naging hot pa"

Napangiwi ako ng sa mismong tabi ko narinig ang komento ng dalawang bakla. Dahil sa transferee lang naman ako dito ay hindi ko matukoy kong sino sa tatlong lalaki ang kanilang pinuri.

"Tsk! Hindi na ako mag tataka, sis. Walang pinagbago ang papa Frets natin, oh...tignan mo naman, mas lalo pa itong naging iritable sa mga tao at palaging walang reaction nakakunot lang ang noo"

Aalis na sana ako ng automatiko akong napaharap muli sa tatlong naka-upo na sa batibot. Kakatwa ay dumapo agad sa isa sa tatlong lalaki ang paningin ko. Siya siguro si frets na tinawag ng bakla dahil sa walang ka react-reaction ang muka nito pero salubong talaga ang dalawa nitong makakapal na kilay.

"Pero, aminin mo man o hindi ay mas lalo siyang gumwapo at nakakaagaw pansin"

Bumuntong hininga ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Palinga linga nalamang ako sa madadaanan at nagbabakasakaling makita ko si yumi

Si Yumi ay ang nagiisang kaibigan ko mula pa noong elementary kami, kasundo na namin ang isat-isa at ngayong pareho na kaming fourth year high school ay minsan ko pa itong pinagbantay sa kapatid kong si ylai.

"Besh?" Tawag ko dito ng makita kong paakyat na ito sa second floor.

"Akala ko nasa room kana?"mahinang binatukan ko Ito.

"Engot!!"

"Bakit ba?"

"Paano ako makakapunta sa room eh, hindi ko pa nga alam kong sang floor tayo"

Natawa naman ito sa sariling ka engotan. "Sore naman! Ako lang to!! HAHAH"

MAY SALTIK TALAGA!!

"Nakuha mona ba?"tanong ko nangmagsimula na kaming maglakad.

"Nakuha kona, ito oh"

Inabot ko iyon at binuklat. Napangiwi ako nang mabasa kong sang floor kami,

"Third floor?"Wala sa sariling sambit ko.

"Oo, at ang nakakainis ay ang nakakapagod umakyat pababa pataas"

"Wala bang automatic na hangdan dito?"tanong ko.

"Anon– king ina nito!"asik niya.

"Seryuso talaga ak–"

"Wala"putol nito sakin.

Walang tigil sa kadadaldal si yumi habang inaakyat namin ang third floor. Mabuti nalang at may 30 minutes pa kami bago mag simula ang first subject namin. Twenty five minutes siguro nang makarating kami sa third floor at may 5 minutes pa kami para lakarin ang last room.

Nakakainis man pero hindi ko magawang hindi humanga dahil sa isang building ay may limang floor halo halo na raw dito ang ibat ibang strand ng grade 12 at section. Sa isang floor ay may apat na room at ang nakakaloka ay ang nasa last room pa ang aming room.

The Three GangstersWhere stories live. Discover now