Chapter 4

44 3 0
                                    

Almost a decade ago..


Being a non-conformist, Cza and her friends was regarded as nerdy pack. Though hindi niya masasabing nerdy siya. Sadyang nagsisipag siya mag-aral. Hindi lahat ay mapalad na mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral ng libre.

Ngunit na kahit na libre ang kanyang pag-aaral ay may mga gastusin pa din siya at sinusuportahan niya ang kanyang Lola at kapatid na nasa Leyte.

Napabuntong-hininga siya matapos tiklupin ang liham ng kanyang Lola.

Saan naman ako kukuha ng ganoon kalaking halaga? Maiilit ang sakahan. Paano na ang munting kabuhayan nina Tiyo?

Maagap niyang pinahid ang luha. She felt so helpless. Kung maghahanap siya ng trabaho sa BPO sa ngayon, ay hindi aabot. One hundred thousand. Maliit na halaga marahil sa iba, pero sa kanilang mahihirap mahirap makahanap noon.

Nakakahiyang umutang kay Lorraine at sa ibang mga kaibigan niya. Pare-parehos din silang mga naghihikahos.

.

"Oh bakit may pa-MMK ka dyan, Czarina?" ani Trixie na kakapasok lang sa dorm na kanilang inuupahan.

Bago pa niya maitago ang liham ng kanyang Lola ay nabasa na niya iyon.

"Hay. Cza, sa panahon ngayon maging praktikal ka"

Naupo ito sa dresser nito at nagsimulang magpahid ng cold cream sa mukha.

"You have a body to die for. Your skin is flawless, and you are beautiful. Iyang two hundred kyaw? Isang buwan lang yan"

Nagsimula nang pahiran nito ang mukha para maalis ang make-up. "O 'di kaya, magpa-alaga ka tulad ko. Soon aalis na ako dito sa lintik na dorm na ito. Bibigyan daw ako ng condo ng benefactor ko"

"Trixie, wala akong tibay ng—"

"Maaatim mo na pulutin sa kalsada ang Pamilya mo sa probinsiya?" balik tanong agad sa kanya ni Trixie.

"Iyang ganda mo, gamitin mo habang bata ka pa. Just tell me kapag nagbago na ang isip mo". Tinapik siya sa balikat ni Trixie at tumungo na ito sa banyo.

***

Habang tumitipa sa calculator si Czarina na nakaupo sa Rizal Hall ng SFC Building ng University of the East -Manila, nakita niya ang isang mukhang bagong transfer.

Ito na marahil na sinasabi ni Lorraine sa kanya na pinababantayan ng "pinsan" nito. "

"Sa hitsura noong Alessandro ay hindi papasang pinsan ni Lorraine eh!" Czarina said to herself. Para itong modelo na nakikita lamang niya sa mga magasin, at lifestyle section ng mga pahayagan.

Hindi rin niya masisisi ang binata kung papabantayan nito sa kanila ang dalaga na dumating. The transferee has Eurasian features. She is tall even she is on the chubby side.

When the light shone on the transferee, it looked like there was an apparition! Mukhang lahat sila ay dito sa Rizal Hall ay napatingin sa dalaga at huminto ang inog ng mundo.

"Kaloka ang ganda nito! Mukhang Chinese virgin mary na nasobrahan sa kanin!" bulong ni Czarina.

Suma niya, she is younger than them. Ang chubbiness marahil nito ay dahil sa edad nito.

Mabilis niyang sinara ang libro ni Valix at nilagay ang calculator sa bag. Kinuha niya ang nokia 3310 niya na upang itext si Lorraine at ipaalam dito na nakarating na ang kanilang "misyon".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Nouveau Series 2: The Amorous HotelierWhere stories live. Discover now