Sydie
Napailing muli ang matanda at tumitig na may halong pagkadismaya sakin.
Pero hindi nga ko nagsisinungaling! Oh lutang lang ba ko kanina?
Imposible! Kinorner niya pa nga 'ko kanina sa pader eh.
“Kung ang akala mo ay magiging madali lang ang trabaho mo ija. Ngayon palang ay sumuko kana at mali yang kutob mo. Pinaplaytime mo lang ata ako eh.”
“Pero lo—
Hindi na 'ko nakapalag pa at tuluyan na nga itong umalis sa loob ng silid.
Habang ako, ito ay naiwang tulala at napanghinaan kasama ang walang imik na lalake.
Naghallucinate lang ba talaga ko kanina?
Bakit parang sobrang totoo naman iyon para maging panag-inip. Oh baka nanaginip ako ng gising?
Daydream, ganoon.
Pregnancy symptoms kaya ang mga ito?
Walang gana tuloy akong napaupo sa malambot niyang kama at binalingan ulit ang matikas na likod niya.
Namasdan ko ang pagharap niya ng tingin sakin nang maramdaman ang mga titig ko.
Pinagmasdan ko ito ulit at sumalubong sakin ang maamong wangis nito.
Siguro nga ay pagod lang ito.
Unti-unti ay naramdaman ko nalang ang pagbigat ng talukap ng aking mata. Na para bang ng aminin ko iyon ay doon ko lang natanto kung gaano kahaba ang naging araw ko.
Hanggang sa dahan-dahang ay nagdilim ang paligid ko at ang boses ng kung sino ang aking huling narinig bago tuluyang mahulog sa mahimbing na tulog.
“Tsk. Stupid woman, who said she can sleep in my bed.”

YOU ARE READING
Stranger of Desire
RomanceNABUNTIS AKO AND MY BOYFRIEND WANTED THE CHILD GONE DAHIL MASYADO PA KAMING BATA. Years passed, I saw him again kneeling to a doctor. "Doc, I'm begging you. Please save our child. Do everything to save my angel." Naglakad na ako papalapit, nagulat...