Chapter 15: Maze in the mirror

32 3 0
                                        

PHOEME

Hindi ako makatulog sa kakaisip. Ang daming impormasyon ang pumasok sa isip ko. Tulad nalang ngayon. Lumulutang ang isip ko habang naka-harap sa isang maze na puno ng salamin. Hindi namin alam kung san nila kami dinala. Hindi ito playground dahil naalimpungatan ako nung nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Narinig ko rin ang pag-uusap ng dalwa siguro naming kasama sa sasakyan. 

"Bakit ba pinapahaba nila to?" Rinig kong boses ng lalaki. "Dalwa na siguro ang nalagasan sakanila kung hindi pinagbawal ang pag-patay"

"Tapos na naman ito bukas, dadanak na ulit ang dugo" Boses naman ito ng babae. Possible kayang sila ang killer?

"Mamatay naman siguro sila sa laro mamaya" Sabay tawa nila pareho. 

Wala din akong naintindihan sa paliwanag sa larong ito. Ang alam ko lang ay dapat kaming makalabas kung ayaw naming mamatay sa loob. Kita ko sa salamin ang itsura namin. Pagod ang mga mata at halatang kulang sa tulog. Bakas sa mukha namin ang kagustuhan na umalis sa larong ito. 

"Kunin niyo ang bawat clue na makikita niyo, gusto kong umpisahan ang laro kay Phoeme. Tutal naman ay wala kang kinatatakutan bukod kay kamatayan"

Hawak ako ng dalawang taong naka-mascara. Hindi ako nagpumiglas dahil mauubos lang ang lakas ko. Jusko, wala na nga akong tulog tapos papapasukin pa ako sa maze na ito. Simpleng maze game nga sa phone hindi ko matapos ito pa kayang ako ang nasa loob? Wag naman sanang umatake ang katangahan ko. 

Kitang-kita ko ang itsura ko sa mga salamin. My hair is tied up, hindi maayos ang suot ko sa medyas. I look so stressed. Bakas ang eyebags ko at may isa akong tigyawat sa pisngi. Wala akong suot na coat at tanging blouse lang ang pang-itaas ko. Madumi na ang sapatos ko at bakas ang ilang mansta ng dugo. My skirt is messed up, sobrang gulo nito at halatang sinuot na hindi pna-plansta. Sinuotan ako ng isang naka-maskara ng blindfold. Ano to twist after twist?

"Tangina, ang lamig" Pang-limang tapat ko ata iyon. May naramdaman akong tubig na bumuhos sakin may kasama itong yelo. 

Bumunggo ako sa isang salamin. Alam kong mali na ang dinadaanan ko. I turned the other way, i bumped to a mirror again. I keep on bumping to mirrors until i found the right route. Doon ay naramdaman kong may tumatama sa mukha ko. Hinawakan ko ito at naramdaman ang isang papel. Ibinulsa ko ito at nagpatuloy. 

"Putangina ka black rose" Dumampi sa pisngi ko ang isang matulis na bagay. Ramdam ko ang agos na dugo mula sa pisngi ko. Tinakbo ko ang kanang parte ng maze, may bumagsak nanamang likido sakin. Humapdi ang pisngi ko at nangibabaw ang maasim na amoy. Putangina. 

I tripped on something, hindi ko alam kung ano ito kaya kinapa ko. Papel? Isang papel nanaman? I stood up and continue my maze journey in hell. Isang bakal ang naka-harang sa daan. Agad ko itong kinalampag. Daan na ba ito palabas mg maze o daan papasok sa panibagong impyerno?

"Congratulations, Phoeme!" Inalis ko ang piring ko sa mata. Hindi ko makita ang mga kasama ko. Walang tao dito bukod sakin.

THIRD PERSON

"Sinong gustong sumunod kay Phoeme?" Agad namang tinaas ni Dashiell ang kamay niya. 

Katulad ng ginawa kay Phoeme ay nilagyan din ng blindfold ang mata nito. Inumpisahan ni Dashiell ang paglakad. May bumuhos din sakanyang likido. Ang kaibahan lang ay hindi ito malamig ngunit malapot. Inamoy ito ni Dashiell.

"Dugo" Maikling sabi niya. Lumakad muli siya at napa-daing nang may matapakan. 

Rat trap. He removed the trap and continue walking towards the left side. Isang salamin ang sumalubong sakanya. He bumped to a mirror. Umiba siya ng ruta ngunit may naghihintay sakanya doon. Isang cutter ang humiwa sa braso niya. Agad niya itong hinawakan. Hinubad niya ang coat niya at ibinalot ito sa hiwa. 

"Tangina, bakit ba ang daming salamin dito?" Malutong na pagkakasabi niya. Ilang beses na siya nagpabalik-balik sa daan. Umiikot lang siya sa parteng kaliwa. Bumalik siya sa unang nilikuan niya. 

Itinaas niya ang kanang kamay hanggang sa tumama ito sa salamin. His hand guides him as he walk. Sinusundan niya ang kamay niya kung saan ito papunta. Ilang minuto pa ay narinig niya na ang sigaw ni Phoeme.

"DASH!" Inalis niya ang piring sa mata at nakita ang kaibigan. "Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Phoeme. 

"Blood welcome party" Sarkastikong sagot ni Dashiell. Binuksan ng naka-maskara ang pintuan. 

"Keisha's next" Bulong ni Dashiell.

KEISHA

"OMG, ang lamig!" Sigaw ko nang dumampi sa balat ko ang isang malamig na likido. Hindi ito yelo dahil may iba sa amoy nito.

Dahan-dahan ang ginawa kong lakad. Wala naman kasing sinabi na may timer kaya dinadahan-dahan ko. Mas ok na ako sa sigurado kaysa madelikado ang buhay ko. May sugat na ako sa talampakan dahil sa mga  bubog. I was scratched by something and it hurts, lalo na at una akong nasabuyan ng alcohol. I can't walk properly too, every step is painful. Muli akong napasigaw nang may natapakan ako. I ducked a little and remove the 'i-don't-know' trap.

"I want to get the hell out" Hindi ko namalayang may mga luha na palang natulo sa mata ko. This can't be right, all i want is to run away. "I'm sorry for what i did, Mica"

Our secrets is already exposed. No one knows which is which. Ang sikreto ko lang ang alam ko at wala ng dapat na maka-alam non. I burried that secret three years ago and its haunting me now. My secret can kill me or should i say, our secrets can kill us. May clue na ako sa patayang nagaganap ngunit hindi ko ito pwedeng sabihin. Isusunod nila ako kapag nalaman nila. I need to keep my mouth shut, dyan naman ako magaling. 

PHOEME

Lumabas si Keisha kasunod ni Dash. Kinabahan pa kami nung una dahil thirty minutes na ay wala parin siya. She's covered with blood, blood from her body. Kung ang kay Dashiell ay itinapon sakanya ang kay Keisha ay mula sa mga sugat niya. Her feet are covered with blood and some glass pieces. May bubog sa loob ng maze. Her shoulders are covered with blood too, parehas itong may malaking hiwa. Ganon din ang braso nito na katulad ng hiwa kay Dashiell, mas malalim nga lang ang hiwa ng kay Dash. 

Sumunod sakanya si Wren. Parang hindi nga pumasok sa maze ang isang ito. Amoy suka lang siya pero wala siyang hiwa, sugat o kung ano mang bubog na naka-dikit sa katawan niya. Siya ata ang pinaka malinis samin. Aiden followed him. Siya ang pinaka madumi samin.

Aiden's body is covered with blood just like Dash. Wala na siyang suot na coat. Kita mo ang mga hiwa niya na tumagos sa dating puting polo niya na ngayon ay hindi na malaman ang kulay. Ika-ika din siyang maglakad. Just like Keisha, he stepped on shattered glass. May baon siyang bubog na agad niyang inalis nung nakalabas siya. Amoy dugo siya na amoy suka na hindi ko na malaman. 

Sumunod si Ivy. Luha ang bumalot sa mata niya. Yelo lang din ang naisaboy sakanya. Punit ang skirt niya dahil sumabit sa isang patalim kaya may hiwa ang hita niya. Her coat is a mess. Punit-punit din ito. Inalis niya ang coat para ibalot sa bewang niya, doon namin nakita ang mga sugat niya. Maliliit lang ito ngunit malalim at madami. Ano kayang mga bagay ang nasa loob ng bawat sulok ng maze na iyo?

"Last one" Bulong ko. Si Zymon nalang ang kulang.

"He's the last one right? Hindi naman siguro mas malala ang mga patibong diba?" Kinakabahang tanong ni Keisha. 

"Black rose is a demon" Rinig kong bulong ni Ivy. "She won't add anything there but she'll change some things" 

Ivy is a mystery. She surely knows a lot of stuff. May alam siya tungkol sa larong ito. Ilang beses ko na siya naririnig na nagsasalita mag-isa. She's talking to herself about this game. Alam kong may alam si Ivy. She knows a lot but i have a critical clue to a killer's identity.

I will save them...

A/N: Ang inconsistent nung updates pero babawi talaga ako. Medyo hectic lang talaga schedule ko ngayon. Next week na kasi start ng research namin. Well, hindi pa naman research talaga pero papunta na kami don. Need na namin mag-ayos ng personal and school schedule. Thank you sa  pag-intindi. -ly



Hide and SeekWhere stories live. Discover now