02: Getting To Know Each Other

2.1K 74 10
                                    







I V Y

"Mali namaman 'yung step, darling. Ganito kasi 'yon oh igaganito mo 'yung arms mo like this." Sermon ni Ate Deanna sa akin.

Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang maging magkakaibigan kami nila Ate Ria, Ate Deanna at Eya. Sobrang saya ko dahil nakabuo kami ng grupo dito. Ang saya kasama ng dalawang Ate namin, bully lang talaga.

"Eh kasi naman, Ate, nauuna ka po kaya sa amin." Sagot ko sa kaniya. Natawa naman siya kaya nag form na ulit kami ng pwesto.

Nagtitiktok kami ngayon sa lobby ng hotel, bonding namin 'tong apat kapag wala kaming magawa. Pasimuno? Si Ate Deanna lang naman.

"Paulit ulit na tayo dito jusko ayusin na kasi natin nang matapos na kalbaryo ko." Pagmamakaawa ni Ate Riri na ikinatawa naming lahat.

Sumayaw na ulit kami sa harap ng camera at natapos na namin ito nang maayos. "Oh ayan na ha, ipopost ko na 'to." Sabi ni Eya.

Naglakad na kami pabalik sa room nila Ate. Nagkekwentuhan lang kami nang mapansin kong tahimik si Ate Deanna. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong nakatingin pala siya kina Ate Jema at Ate Ella. Malungkot ang mga mata niya at parang nasasaktan sa nakikita niya kaya naman naglakad ako kasabay niya at inakbayan siya na ikinagulat niya. "Ate, manlilibre po ako ng balut at pizza kain tayo sa room niyo."

Nakita ko namang napangiti siya, mission success! "Parang nagcecrave nga ako don ah? Saan ka naman bibili no'n?"

Tuluyan na kaming nakalagpas sa pwesto nila Ate Jema kaya inalis ko na ang akbay ko kay Ate Deanna. "Maghihintay po ako sa labas, manghahunting ako ng mambabalut. Una na po kayo sa room niyo, Ates, Eya."

"Gabi na, mag-isa ka lang maghihintay? Sasamahan na kita." Paanyaya ni Ate Deanna.

Kung ako ay magiging isang prutas, isa siguro akong kamatis sa pula ng mukha ko ngayon. Enebe, Ate Deanna. Wag mo kong pakiligin :>

"Oo nga, Ivy. Baka kung ano pa mangyari sa'yo don." Sabi ni Ate Riri. "Mauna na muna kami ni Eya sa kwarto."

"Tara na." Nagulat ako nang hawakan ni Ate Deanna ang kamay ko at hinatak ako paalis. Hanggang sa makababa kami ng hotel ay nakahawak pa rin siya sa kamay ko.

"Aybi.." Napaangat ako ng tingin nang tawagin niya ako. "Salamat ha?"

"Ha? Para saan po?" Takang tanong ko.

"Yung sa pag akbay mo sa akin when we were walking." Sagot niya. "Masakit pa rin pala talaga. Akala ko magiging okay ako kapag nakita ko silang dalawa eh."

Napangiwi naman ako. "Ate Deanna, wala namang sugat na hindi masakit."

"Siyempre po, ilang buwan pa lang naman po ang nakalipas nang maghiwalay kayo. Fresh pa rin po talaga 'yan. Eh halata nga po sa inyo na mahal niyo pa po si Ate Jema eh." Dagdag ko pa. Ang sakit naman sa dibdib ng sinabi ko shet. "Hindi po talaga magiging madali ang proseso ng pag-usad natin mula sa pagmamahal para sa isang tao. Masasaktan tayo, malulungkot, iiyak, magagalit pero sa huli, tuluyan din po tayong makakausad kung gugustuhin lang natin. Lahat naman po ng bagay may choice tayo, Ate. Sa ngayon, hindi naman po masamang namnamin 'yung sakit pero lagi niyo pong tatandaan na hindi po habang buhay masasaktan tayo. Dadating din po 'yung panahon na makikita niyo po siya pero wala na po kayong maramdaman na lungkot, galit at sakit."

Ate DeannaWhere stories live. Discover now