BLURB

255 18 1
                                    

“Sydney, Anak? Nandito na si Mommy!” pasigaw na sambit ni Erin habang tinutungo ang masukal na daan.

Naglalakihang mga puno at talahiban ang nasa paligid nito. Gamit ang kaniyang cellphone ay inilawan niya ang daan upang hanapin ang anak.

“Sydney, Baby. Si Mommy ito, huwag kang matakot. Magpakita ka sa akin,” mangiyak-ngiyak na sambit niya muli habang hindi tumitigil sa kahahanap sa kaniyang anak.

“Mommy, help me!” Mula sa kinaroroonan ay dinig na dinig niya ang boses ng isang bata. Kilala niya kung kaninong boses iyon, walang iba kundi sa anak niya.

“Sydney? Anak! Nasan ka?” naiiyak na sabi ni Erin habang patakbong tinutungo kung saan nanggaling ang boses.

Napahinto siya nang marinig niya iyon sa damuhan. Dali-dali siyang tumungo doon upang sagipin ang anak subalit laking gulat niya nang makita ang isang malaking speaker na nakasandal sa likod ng puno.

Napa-atras siya nang makita iyon at mapagtanto na pinaglalaruan sila ng taong kumuha sa kaniyang anak.

Natigilan siya sa pag-atras nang maramdaman niya ang matigas na bagay na dumikit sa ulo niya.

Mas lalong lumalim ang bawat paghinga niya nang maramdaman iyon. Hindi siya nag-iisa.

“Nagustuhan mo ba ang regalo ko, Erin?” Mas lalo siyang naistatwa nang marinig ang boses ng babae sa likuran niya.

Hindi siya maaring magkamali! Huminga siya muli ng malalim at dahan-dahang tumalikod upang malaman kung tama ba ang kaniyang hinala.

Nanlaki ang mata niya sa sobrang gulat nang makita ang isang babae na nakangiti sa kaniya habang may hawak itong baril na nakatutok sa ulo niya.

“Nadia?”

“Surprise!” masayang bati nito sa kaniya at ilang saglit pa ay bigla siya nitong hinampas sa ulo gamit ang baril na hawak nito dahilan para mawalan siya ng ulirat.

Wrath of the Whoreजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें