SMNMP 31

1.4K 32 0
                                    

"Uwi na tayo, Ryan. Please. Dali na!" mangiyak-ngiyak kong sabi kay Ryan sa kwarto nila.

"Ano ba problema?" tanong naman ni Lloyd kaya bumaling ako sa kanya.

"PUPUNTA DITO YUNG LECHENG G*GO NA NANG-IWAN SAKIN TWO YEARS AGO! Pero kahit iniwan niya ako mahal ko parin siya. Kaya lang kasi, hindi pa ako handa!" naghi-hysterical kong sagot. Tuluyan nang tumulo ang luha ko. Shete naman oh! Ano pa bang gusto ng lalaking iyon? Break na kami! Wala ng kami!

"Si Zeus?" aba peste talaga! Nang-aasar!?

"Oo! Kaya please uwi na tayo! Ngayon na! Nakaimpake na ko oh!" sabay pakita ko sa mga bag ko na dala-dala ko na.

"Sara, ano ka ba? Sa Sunday pa babalik yung Van namin e" frustrated na sabi ni Ryan.

Lumuhod ako sa harap niya at niyugyog ang kanyang braso. "Ihatid niyo nalang ako sa sakayan ng bus! Magbbus ako mag-isa! Uuwi na ako! Ayoko siyang makita dito! Ayoko! Please!"

"Sara, hayaan mo nalang kasi siya. Malay mo magbabakasyon lang din siya dito." ngumiti ng hilaw si Tia.

"Loka ka ba? Dalawang taon hindi nagparamdam at umuwi dito sa Pilipinas 'yon tapos sasabihin mo, baka magbabakasyon lang? Anak ng patola, Tia imposible iyon!" nabasag ang boses ko.

"Tama na nga yan. Matulog na kayo." saway ni Kuya Ralph. Nakakahiya man pero hindi ko siya susundin!

"Ryan, please" pabulong kong tanong.

"Huwag ka na nga umiyak, Sara." pinunasan ni Diego ang luha ko sa pisngi at pinatayo ako.

"Alam niyo naman kung gaano kasakit sakin yun di ba? Kung gaano kasakit sa akin ang makita siya? Payagan niyo na ko please. Nagmamakaawa ako. Hindi ko na siya kayang harapin. Hindi pa ako handa." patuloy parin ang pag-agos ng luha sa mata ko.

"Ayaw mo siyang makita?" tanong ni Kuya Rocco na nakaupo lang sa kama nakikinig na kadramahan ko sa buhay. Tumango ako.

"Kailan ba siya dadating dito?" tanong ulit niya.

"Bukas na po." sagot naman ni Tia.

"Akong bahala. Matulog na kayo." sabi niya at kinindatan ako. Medyo humupa ang kaba ko. Ang gwapo kasi ni Rocco e. Charot. Anong gagawin niya? Sasamahan niya ba ako sa bus station?

"Kuya, gusto ko na po umuwi sa amin" sabi ko kay Kuya Rocco.

"Hindi ka namin hahayaang umuwi mag-isa. Baka mapahamak ka pa." sagot niya.

Kaya sa huli, sumunod nalang ako. Putcha naman kasi e! Sa dami naman ng pwedeng pagbakasyunan, bakit dito pa, Mr. Manansala? Pinasundan mo na naman ba ako sa lecheng private investigator at bodyguard mo, ha!?

"Matulog ka na nga, Sara. Huwag mo na siya isipin." pinitik ni Marie ang noo ko.

"Oo nga, kami na bahala sa kanya bukas. Sasabihin namin na wala ka na dito." sabay kindat ni Tia. Iyon talaga ang plano nila? Hindi kasi nila alam na may private investigator at bodyguard si Zeus na pinapasunod sakin e! Hay! Bahala na nga sila!

--------

"Wakey! Wakey!" gising sakin ni Tia. Nakangisi siya. Umaga na? Ang bilis!

"Sara, may goodnews kami sayoo" si Marie naman.

"Napaniwala namin si Zeus na wala ka na ditey!" sabay palakpak ni Tia.

"Oh? Nasaan na siya?" tanong ko sabay bangon at kinusot ang mga mata ko.

"Ay teka." lumabas saglit ng kwarto si Marie. Nagtaka naman ako dahil pagbalik niya may dala na siyang martilyo. "Gusto mo ihampas ko ito sa ulo mo teh?" sabay pakita niya sa martilyong hawak niya.

Sa Mata ng mga Pangit (Revising)Where stories live. Discover now