Chapter 4

975 56 9
                                    

Thank you for reading this! Unedited. 

_

UMUWI na si Ma'am Jean nang mag-alas otso ng gabi. Si Estella naman ay kumakain na ng hapunan na ininit ni Ma'am Jean sa tinatawag nitong microwave oven kung saan isinalin din ni Sir Diego ang pizza kanina. Bago lang niyang napatulog si Arthur kaya nagka-oras siyang kumain.

Naninibago siya sa mga kagamitan sa bahay ni Sir Diego. Halos lahat ng kanyang gagawin ay mas madali na niyang nagagawa. Nagpasalamat na lamang siya kay Ma'am Jean dahil mataas ang pasensiya nitong turuan siya kung paano ginagamit ang mga kagamitan dito sa bahay.

Isa na sa ibinilin nito na kapag may tumunog galing sa pinto ay may taong pumindot ng doorbell. Gaya ngayon, iyon ang tunog na narinig niya. Tumingin siya agad sa orasan sa may sala dahil sabi ni Ma'am Jean ay alas nuwebe raw dadating si Sir Diego.

Agad niyang tinakbo ang pinto para pagbuksan si Sir Diego kaso ibang tao ang bumungad sa kanya. Doon lamang niya naalala na may sariling susing pambukas pala si Sir Diego.

Natuod siya sa kanyang kinatatayuan nang makilala kung sino ang nasa kanyang harapan. Malawak ang kanyang ngiti at naluluha ang kanyang mga mata dahil sa saya. Mula sa pagkagulat ay sinugod niya ang babae para sa isang mahigpit na yakap.

"Ate! Kumusta ka na? Nakilala mo pa ba ako? Si Estella 'to..." hinawakan nito ang magkabila niyang braso para makabitaw siya mula rito. Agad naman siyang kumalas dahil baka masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya. "Masayang-masaya akong nandito ka, Ate! Hinanap kita kaninang umaga! Umalis talaga ako mula sa atin para hanapin ka! Nakita kita sa isa sa mataas na building na itinuro ni Petro sa akin. Pero ayaw nilang maniwala na kapatid mo ako! Sabi ni Sir Diego ay tutulungan niya ako para hanapin ka. Pinapunta ka ba ni Sir Diego rito?"

Nakatitig lamang ang kapatid niya sa kanya. Rumihestro naman sa mga mata nito na kilala siya nito pero hindi kagaya niya na masayang-masaya. Ang kanyang Ate ay hindi niya nakikitaan ng ligaya sa pagkikita nilang muli.

"Nalaman ko ngang may naghahanap sa akin sa kompanya. Nakita kita sa CCTV na ipinakita ng mga guards. Nagpunta ako rito dahil alam kong rito ka dadalhin ni Lance. Gusto ko lang sabihin sa'yo na bumalik ka na sa atin, Rora. Hindi ka dapat nandito."

Mas nagulat siya sa sinabi nito. May hinanakit at inis ang tono ng boses nito. Nasasaktan siya dahil hindi naman ito masaya sa pagkikita nila. Doon niya napagtantong hindi ito masaya na kaharap siya ngayon.

"I wasn't expected this. Masaya na ako. Maayos na ang buhay ko. Iba na ang pagkatao ko. Binura ko na ang masalimoot kong nakaraan, Rora. Kaya bakit ka pa bumalik at pumunta rito?"

"Sabi mo tutulungan mo ako...itatakas mo rin ako. Gusto ko lang makalaya mula kay Tatay gaya mo, ate. At nagtiwala akong ikaw ang makakatulong sa akin..."

"Kapag nasundan ka rito ng ama mo, madadamay ako sa drama ninyo. Hindi mo alam kung ano ang isinakripisyo ko para malinis ang buo kong pagkatao, Rora. Nasa tuktok na ako ng aking mga pangarap at ayaw na ayaw kong masira ito ng nakaraan ko. Kaya nakikiusap ako sa'yo...bumalik ka na sa atin."

"Pero Ate..."

"I'm Elena Rose Mariano and with my new identity, you're not my sister. Bibigyan kita ng pera, iyon ba ang kailangan mo? Bumalik ka lang kung saan ka nanggaling..." may hinalungkat ito sa maliit nitong kumikinang na bag.

Natuod lamang si Estella sa kanyang kinatatayuan habang bumubunot ng makapal na pungpong ng isang libo. Mas lalo lamang siyang nasaktan sa kanyang nakikita. Ganoon na ba ang tingin ng kapatid niya sa kanya? Pera ang kailangan? Totoo, wala siyang pera...kailangan niya 'yon para sa kanyang pagkain, kagamitan, at iba pang pangangailangan, pero hindi pera ang kailangan niya ngayon.

Cruel Attraction (Hacienda Alegre Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon