SA TOTOO LANG WALA LANG TO HAHAHAHA
Namjoon 's POV
(Timeline: 6 years old na si Dongyul at si Chunghee. 3 years old naman si Byul)
"ok kids dambahin si daddy!!! GO!!!!!" narinig kong sabi ni Minah at nakaramdam na ako ng pamilyar na mabigat na dumagan sa akin
"Daddy! gising na! malalate na tayo!!!" sabay sabay nilang sabi pero muli kong tinalukbong ang kumot para matakpan ang mukha ko
"Daddy! gising na!!!!" sabi ni Chunghee habang pilit na hinihila kumot ko pero bigla kong naalala nakascore nga pala ako kay Minah kagabi kaya agad akong gumulong para matakpan ako ng kumot at agad na umupo
"Yey! O morning kiss ni daddy asan na?" Tanong ni Minah at agad ako pinaulanan ng halik ng kambal namin
"Sige na gising na si daddy baba na kayo sunod na ako" sabi ko at nagmadali silang bumaba
"Tumayo ka na dyan ha. Malalate ka na" malumanay na sabi ni Minah habang karga karga si Byul
"Wala ako Good morning kiss Mommy?" Tanong ko at ngumiti lang siya saka ako hinalikan sa pisngi
"Bilisan mo maligo at magbihis ha. Gutom na yung mga yun. Yung damit mo nakasabit na sa labas ng banyo" sabi niya at lumabas ng kwarto
Pagbaba ko naabutan ko na silang kumakain habang inaasikaso ni Minah
"Oh ano tinatayo tayo mo dyan? Kain na dito malalate ka na naman" sabi niya at pinaghain ako at nang makatapos ay hinatid na namin sa school ang kambal at sa day care
si Byul
"Mommy asama ikaw dito" sabi ni Byul at umakap kay Minah
"Baby diba sabi ni mommy di pwede big girls and boys diyan bukod kay Tita Aki mo?" Tanong niya sa bunso namin at saka sinuotan ito ng jacket
"Play ka lang baby tapos maya maya andyan na kami ni daddy. Diba daddy?" Tanong sa akin ni Minah at tumango ako saka kinandong si Byul
"ganto pag good boy ka may prize ka ok ba yun?" Tanong ko at tumango siya agad
"Sige ano gusto ni Byul?" Tanong ko
"TURTLE!!" masaya niyang sabi at ngumiti lang kami ni Minah
BINABASA MO ANG
Hipon Problems
Short StoryAYOKO NA TALAGA NAMJOON! maghiwalay na lang tayo!! ARAW ARAW NA LANG NAKIKIPAGBREAK KA SA AKIN PAG HINDI MO NAKUHA GUSTO MO EH MINAH NAMAN EH!! EHHH KASI NAMAN EEEH BILI MO AKO NUN!!! ETO NA NGA OH!? AALIS NA ANAK NG HIPON O! ANONG SABI MO NAMJOON...