chapter 5

158 20 0
                                    

kira’s PoV

hindi kona kailangan na mag pakilala pa dahil sigurado akong sinabi na ng bading na si kiro kung sino ako

katulad nga ng napag usapan naming pag alis ni kiro. Heto kami ngayon kasalukuyang nag lalakbay sa masukal na gubat patungong bahay ni manong niro dahil malakas ang kutob kong siya ang may alam kung paano kami makakabalik sa aming mundo at kung paano ko nalaman ang tirahan niya? mahika

isa‚ dalawa‚ tatlo‚ apat‚ limang oras kaming nag lalakad ni kiro ng mapag pasyahan naming huminto muna dahil sa pagod‚ husko naman ang matandang ito sa dami-daming pwedeng tirhan sa gubat niya pa talaga naisipang mag tayo ng bahay

makalipas ang tatlumpong minuto nagsimula na naman kaming mag lakad hanggang sa may matanaw kaming maliit bahay sa ’di kalayuan

“ito na siguro ’yun kiro‚ tara bilisan na natin” nag mamadali kong anyaya dito at mas binilisan pa ang pag lalakad hanggang sa kaunting espasyo nalang bago kami makarating sa pinto ng may maramdaman akong trapping spell kaya hinanda ko ang sarili ko at nag pakawala ng air blade at hindi nga ako nagkamali

“maraming patibong ang naka tanim dito kaya mag doble ingat ka” seryuso kong tugon kasabay ng pag pakawala ng limang air blade at pinunterya ang mga trap at ganun din ang ginawa ni kiro hanggang sa maubos na namin ang lahat ng mga ito

‘hindi na masama tanda‚ kung hindi lang ako nag ingat baka pareho na kaming nabitag ng mga patibong mo’ bulong ko sa aking isip

hindi na ako nag patumpik-tumpik pa at kumatok sa maliit at may kalumaang pintuan‚ ilang saglit lang ay bumukas din ito at ang nakangiting matanda ang sumalubong sa amin

“ibang klase ang galing niyong dalawa‚ hindi ko akalaing makakaya niyong lampasan ang mga tinanim kong bitag. Sayang lang at wala ni isa sa mga patibong ko ang tumama sa inyo” natatawa netong sabi‚ abay gusto nga ata kaming patayin ng hukluban na ito“oh siya sige pumasok na kayo‚ alam kona ang ipinunta niyo dito sa loob na natin ito pag usapan kaya tumuloy na kayo‚ madali!”

nasa loob na kami ng tahanan ni tanda at masasabi kong puno ng mahika ang bahay niya at ginamitan pa ng ilusyon sa labas para mag mukha itong maliit‚ hindi pangkaraniwan ang matandang ito

“oh ito mag tsaa muna kayo dahil alam kong malayo ang nilakbay niyo para marating itong munti kong bahay” aniya sabay lapag ng dalawang tsaa‚ sinuri ko muna ito baka kung ano na naman ang nilagay ng matandang ito dito“huwag kang mag alala binibini wala akong ano mang nilagay sa inomin na iyan kaya ligtas iyang inomin” alam ko namang hindi siya nag sisinungaling dahil nararamdaman ko iyon sa dumadaloy na hangin sa buong katawan niya at ang pagiging kalmado niya ang nag patunoy na hindi siya nag sisinungaling kaya kinuha kona ang inomin saka ko ito ininom at ganun din si kiro

“hindi kona patatagalin pa ang ipinunta ko dito tanda sabihin mo sa amin kung paano kami makakabalik sa mundo ng mahika” ang seryuso kong hayag katapos kong ibaba ang iniinom kong tsaa‚ bigla din umayos ng upo ang matanda at seryusong tumingin sa amin

“dalawang lang ang natatanging paraan para makabalik kayo sa mundo ng mahika‚ una lampasan niyo ang tatlong pagsubok na sasabihin ng taga-bantay at ang pangalawa lumipad deretso paitas hanggang sa maabot niyo ang langit. ’yan lang ang posibleng gawin para makarating sa kabilang mundo”

kung ang pangalawang paraan ang gagawin namin maaring maubosan kami ng mana sa katawan habang lumilipad saka walang kataposan ang langit imposibleng marating namin ito at ang malala ay ang posibleng pagkamatay namin‚ sa unang paraan ay hindi rin dahil hindi namin alam kung anong nilalang ang maari naming makalaban ang mas malala kung isang mabangis na hayop ang aming makatagpo. Parehong mahirap ang haharapin naming pag subok pero kailangan namin itong lampasan para makabalik sa aming mundo

“kung hindi pa kayo nakakapag pasya maari pa kayong pumili hanggang bukas at hahayaan ko kayong tumuloy sa tahanan ko at dito na mag pagabi may dalawang kwarto sa itaas kayo na ang pumili ng kwartong gusto ninyo‚ mag pahinga na kayo para may lakas kayo bukas madali!”

tulad nga ng sabi ni tanda may dalawang kwarto nga sa taas at pagka akyat napagka akyat namin ay dali kaming pumasok napili naming kwarto

agad kong itinapon ang aking sarili sa malambot na kama at napatingala sa kisame
at napa isip kung anong pipiliin naming pagsubok hindi ko namalayan unti-unti na pala akong nilalamon ng dilim hanggang sa tuluyan na akong makatulog

______________________________________________

sana may mag basa na:(

xWhere stories live. Discover now