CHAPTER 51: Warning

193 5 2
                                    

A/N: oh ha? HAHAHA sa mga nagsasabing sobrang random nung ginawa nung Kyungsoo last chapter, may psychology yon mga bes HAHAHAHAHA may nabasa kasi ako na malaking percent ng male population ang ginagawa yon kasi stressed sila at gusto nila ng panandaliang ginhawa. WAG NIYO NAMANG ISIPING MALASWA AKONG TAO PLEASE (pero yung The Guy With Gray Eyes talaga eh)

Game ito na.

-----

[MINA's POV]

Ilang araw ang lumipas, it's December 23 na. Ang bilis ng panahon, malapit na agad magpasko. Ito ang unang paskong parang ayokong magpasko. Sanay kasi ako na Christmas is a time for celebrating eh. Yun bang one-to-sawang gala kami nina Myeongji at Oppa or kain everywhere. Alam kong dapat icelebrate ang paggising ni Oppa pero hindi ko gets kung bakit hindi ako masaya.

Well, masaya kasi gising na siya at may progress na sa therapy niya pero hindi ko feel yung Christmas feel dati eh. Para bang may kulang. Parang may isang malaking parte ng puso kong bigla nalang tumigil sa pagtibok.

Ang isa pang nakapagtataka eh bakit hindi man lang kinakamusta ng EXO ang "kapatid" nila. As a woman, I can sense something wrong. Yung style ni Kyungsoo, hindi yan yung matitiis niya si Yunsu lalo't ganito yung sitwasyon. Ang weird din nung sinabi niya na magkaibigan lang sila ni Oppa. Balak ba niyang itago ang pagiging magkapatid nila ni Oppa? Bakit naman? Naguguluhan talaga ako.

Tapos na ang therapy. Nakaupo na ulit si Oppa sa wheel chair kasi hindi pa niya kayang maglakad dahil sa injuries niya. Ako na rin mismo ang naghatid sa kanya pabalik ng kwarto kaysa naman nurse pa ang magtulak.

"Mina" tawag niya sa akin. Alam kong alam niya ang pangalan ko pero hindi niya naaalala ang bawat alaalang nakaukit sa pusk naming dalawa. It feels so empty. Parang hindi siya ang Choi Yunsu na nakilala ko at minahal ko ng lubos.

"Yes?" Sumagot ako pero hindi na siya nagsalita ulit. Pumasok kami sa elevator. Kaming dalawa lang ang nandon. Tahimik. Nakakabingi. Nakakaasar.

"Mabuti ba akong boyfriend?" Bigla niyang tinanong. Nagulat ako. Nabigla ako sa tanong niya pero alam ko naman ang isasagot. "Oo naman, you're the best." pinilit ko nalang magtunog masaya.

"Pwede mo bang ipaalala sa akin ang mga ginawa natin dati?"

"Sige, mamaya"

Pagdating namin sa kwarto, inalalayan ko lang siya para makahiga sa kama at nagsimula na akong magkwento. Sinimulan ko sa kaumpisahan ng buhay naming dalawa. Mula sa storyang bestfriends palang kami hanggang sa naging kami hanggang sa ngayon.

Sa bawat kwento ko, hindi ko mapigilang hindi malugkot dahil hindi niya naaalala ang mga ito pero sa kabilang banda, napangiti niya pa rin ako dahil sa bawat kwento ko, nakangiti siya. Isang malawak na ngiting pwede kong gamitin para gamutin ang mga sugat ng puso ko.

Matagal kaming nagkwentuhan or should i say, matagal akong nagkwento. Ilang taon na kaming magkasama, malapit na magdalawang dekada, ilang taon nalang. Sa sobrang dami kong naikwento eh inantok na yata siya.

Unti-unti siyang nakatulog. Hinalikan ko ang noo niya bago ako lumabas ng kwarto.

Tinawagan ko si Kyungsoo. Gusto ko sa kanya ko mismo marinig kung bakit hindi sila nagpupunta dito or kahit man lang tumawag para mangamusta.

"여보세요" (hello) sagot niya.

"전화 받는 게 다행이네" (buti naman sinagot mo) sarcastic kong sabi. "왜 안 와? 그렇게 바빠?" (Bakit hindi kayo napunta? Ganon ba kayo ka-busy?)

"어. 가고 싶은데 바빠서 못 가거든. 엑소라니까 좀..." (Oo. Gusto naming magpunga pero hindi talaga pwede. You know, EXO kasi so..)

"전화하는 건?" (Eh bakit hindi kayo tumatawag?) Pagsabat ko sa kanya.

"진짜 바쁘다고!" (Busy nga kasi!) Medyo sigaw niya.

"그렇게 바쁘냐? 쉴 시간도 없고. 5분만이라도? 내 동생 잘 지내고
있냐 하는 것도 못할 정도?" (Ganon ka kabusy na wala ka ng time magpahinga? Kahit 5 minutes lang. Sa sobrang busy mo ba hindi mo kayang tumawag para sabihin lang ang "kamusta na si Yunsu?") Sinigawan ko siya. Natahimik yata siya kaya tinuloy ko ang pagdakdak. Alam kong bastos ako, wala akong respeto pero I'm doing this for Yunsu-oppa.

"날 속이지 마. 거짓말 하려고 할 거 알아. 속인 거 때문에 내 사랑하는 오빠가 이제 이런 거야. 엑소 때문에 이러다고! 할 수 있는 게 하나 밖에 없지 윤수 오빠 곁에 있는 거. 왜 친구라고 했는지 모르는데 확실한 게 하나 있어. 할걸 있을 거 같다 그러니까 이제까지만 하는 거야. 우릴 속이지 마. 윤수 오빠 더 이상 속이지 말라고. 알아들었지?" (Wag mo kong lokohin. Alam kong pinaplano mo siyang lokohin. Dahil na nga sa panloloko kaya nagkaganito ang pinakamamahal kong boyfriend eh! Dahil sa EXO, kaya siya nagkaganito! Isa lang naman ang pwede niyong gawin eh, yung manatili kayo dito sa tabi niya. Hindi ko alam kung bakit sinabi mong magkaibigan lang kayo pero isa lang ang nasisigurado ko. May binabalak ka. Alam ko na kaya hanggang dito ka nalang. Wag mo na kaming lokohin! Wag mo ng lolokohin si Yunsu oppa! Naintindihan mo?)

Bigla nalang niyang binaba ang phone. Nakakabadtrip talaga punyeta. 계속 서로 사랑한다고 했는데 곁에 있는 것도 아냐.

Pumasok ako ulit sa kwarto at nahiga sa sofa.

[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.OWo Geschichten leben. Entdecke jetzt