Una

9 1 0
                                    

Nasa tabi ng puno si Lost habang nagsusulat sa paborito nyang notebook,sinusulat nya ang nangyari sa kanya kanina at ang eye contact nila ng crush nyang si Samson na tumagal ng tatlong segundo.

Napapangiti pa sya habang nagsusulat,malaya din syang humagikgik sa kaligayahang nadarama nya dahil alam nyang walang tao sa paligid,nasa loob sya ng eskwelahan at vacant nila,at ang lugar na ito ang kanyang tambayan.

Lahat nawewerduhan sa kanya lalot hindi sya takot sa lugar na pinagtatambayan nya ngayon.Bukod sa werdo,kilala din sya bilang pinakamasayahin sa kanilang room,palangiti ito at laging positibo,hindi mo ito makikitaan ng kahit anong kalungkutan.

Pero tulad parin ng ibang kabataan at tao,mensan nalulungkot din sya,umiiyak at nasasaktan.Wala lang syang masabihan sa problema kaya't sa diary nya lang binubuhos lahat ng saya at sakit na nadarama nya.

Tumunog na ang bell hudyat na para umuwi,mabilis syang tumayo at nagpagpag ng pwetan,inayos nya at pinasok ang mga gamit sa bag.
Naglalakad sya mag-isa ng masulyapan ang crush nyang si Samson,tumigil ng ilang segundo ang kanyang mundo,lumakas ang pintig ng kanyang puso habang nakatingin rito habang bumababa sa hagdan ng paaralan.

Mabilis syang tumabi ng mapansing dadaan ito.Nang madaanan sya nagkatitigan sila ng ilang segundo,nahiya sya sa pangyayaring yon.Patago syang napangiti habang pinagmamasdan ang papalayo nitong pigura.
Natawa sya habang naiisip na may isusulat na naman sya mamaya sa kanyang Diary.

Masaya't umuwi sya sa kanyang tahanan,masaya syang bumati sa ina na nakatalikod habang nagluluto.

Pumasok sya sa kwarto at kaagad na umupo sa study desk nya.Inilabas ang napakapal nitong notebook na naglalaman ng diary.
Hindi lang ito nag-iisa,kada taon may mga diary sya at halos lahat doon ay tungkol sa crush nya.
Gusto gusto nyang sulatin lahat ng nilalaman ng puso nya sa bawat araw.Ito'y nakagulian na nya,mas lumiliwanag at sumasaya ang araw nya kapag isinusulat nya sa diary.

Dear Diary,

Alam mo ba kanina ng pauwi ako,nakita ko syang pababa ng hagdan,nagkatinginan kami,matagal yon,grabe ang kilig na nadarama ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost DiaryWhere stories live. Discover now