chapter 6

161 18 3
                                    

kiro’s PoV

pagkatapos kong malaman ang pagsubok para makarating sa mundo ng mahika ay hindi na ako mapakali‚ kagabi kopa iniisip kung anong pwedeng mangyare sa amin ni kira pag pumili kami ng pagsubok dahil pareho itong delikado at ang mas malala pa dun ay kamatayan ang kapalit kapag hindi namin napag tagumpayan ang pag subok’

narito kami sa labas ng tahanan ni mang niro dahil ngayon ang araw na mag lalakbay na kami pabalik sa aming mundo pero bago kami umalis sinabi muna ni manong ang daan at mga paraan para makapunta kami ng ligtas sa mundo ng mahika

“mga bata kiro at kira‚ nais kong ingatan ninyo ang mga sarili niyo gustuhin ko mang samahan kayo pabalik sa mundo ng mahika ngunit hindi na maari dahil matagal kona itong tinalikuran at napag pasyahang mamuhay ng tahimik sa mundo ng mga tao” may pag aalala netong sabi kasabay ng pag hawak neto sa tuktuk ng ulo namin“dahil napalapit na kayong sa akin sasabihin ko na ang paraan para makabalik kayo sa mundo ng mahika ng ligtas. Bilang gantimpala na rin sa katapang ninyo”

“kung ang unang paraan ang inyong pipiliin mabutihin niyong mag doble ingat at makipag usap ng maayos sa taga bantay at kung palarin man kayong mapa amo ang huklubang matandang iyon kusa netong ibibigay ang lagusan pabalik sa mundo ng mahika”

“kung ang pangalawang paraan naman ang nais niyong piliin mas maganda kung mag salitan kayo ng mana para hindi madaling maubos ang inyong lakas ngunit sa naobserbahan ko sa isa sa inyo ay hindi pa neto masyadong hasa ang kanyang kapangyarihan. Tama ba ako kiro?”

isang tango lang ang aking isinagot rito dahil totoo namang hindi kopa hasa ang aking kapangyarihan ngunit nagagamit kona ito ng wasto kulang lang ako sa karanasan sa pakikipag laban hindi tulad ni kira na halos sanay na sa patayan

“kung sigurado na kayo sa desisyon niyo ihahatid kona kayo sa landas na gusto niyong tahakin” makahulugang itong ngumiti at nag bigkas ng spell na hindi ko masyadong naintindihan

“loci magicae et aperire porta”

at may medyo kalakihang lagusan ang nagawa sa harapan namin na pakiwari ko’y kagagawan ng binitawan niyang spell

‘ang ganda ng mahika niya’ naibulong ko nalang sa aking isip dahil sa pagka mangha

“humayo na kayo at maging ligtas sa pag subok na inyong kakaharapin” ani mang nico at nginitian kami ng pagkalawak-lawak‚ may napapansin ako sa matandang ito

“oh mauuna na kami tanda sana pag balik ule namin dito hindi kapa patay‚ paano ba ’yan paalam na huklubang matanda” walang respetong pamamaalam ni nica kay mang nico

kahit kailan talaga ang babaeng ’to

nginitian ko nalang si mang nico na nag papahiwatig na pag pasensyahan na ang ate dahil sa kawalang respeto neto pero isang tawa lang ang iginante ng matanda at ginulo ang aking buhok na ikinabusangot ko naman na mas lalo netong ikinatawa

sabay na kaming pumasok ni kira sa lagusan at parang binabaliktad ang aking sikmura pag pasok ko at parang mahuhulog ako sa kung saan

ilang saglit pa ay tumigil din ang nakaka hilong tagpong iyon at bumagsak ako sa isang masukal na gubat at katabi ko si kira na sapo sapo ang kanyang ulo dahil siguro sa ganoong transportasyon

“potragis na matandang iyon gusto nga talaga tayong patayin nga pala malapit lang lang dito ang nasabi ni tanda na tagabantay halikana kiro at ng matapos na natin ito ka-agad” aniya at nag umpisa ng mag lakad kaya sinundan ko nalang habang alertong luminga-linga sa paligid

makalipas ang hindi kahabaang oras ng pag lalakad at hito kami ngayon naka tapat sa isang matayog na puno at halata ang katandaan neto base sa nadudunot netong mga sanga

“ito nanga ata ang sinasabi ni tandang niro na lumang puno” ani kira at sinuri ang puno

“papa-ano natin mapapalabas ang taga bantay sa punong iyan kira eh hindi naman sinabi ni mang niro kung ano ang gagawin para mapalabas iyon” kunot noo kung tanong ngunit hindi manlang ako binalingan ng tingin at seryuso padin nakatingin sa puno at ilang saglit lang ay dahan-dahan itong lumakad palapit dito at may kinapa-kapang kung ano at napangisi

“o diyos ko nasisiraan na ata ng ulo ang kapatid ko” bulong ko sa aking isip dahil mahirap na kung bigkasin ko ito baka patayin ako ng babaeng ’to ng wala sa oras

“alam kona kung paano mapapalabas ang huklubang taga bantay kiro‚ manood ka” nag mamayabang niyang sabi saka may binigkas na salitang hindi ko naintindihan

“Custos arboris antiquae, mando tibi ut egrediaris et ostende te mihi”

pagkatapos niyang banggiting ang hindi pamilyar na salitang iyon ay may liwanag na lumabas sa malaking puno at unti-unti itong tumingkad dahilan para mapapikit ako ng mata ilang saglit lang ang itinagal ng liwanag at humupa din ito kaya binuklat kona ang aking mata at isang matandaang nakasuot ng lumang damit ang aking nakita kaharap ni kira

“ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga panget na nilalang?” ani ’to na para bang mang iinsulto

“hoy matandang mabalbas huwag mo akong matawag-tawag na panget kung si kiro lang pwede pa pero hindi ako‚ saka sabihin mo sa amin ang daan papuntang mundo ng mahika dahil nandidilim ang paningin ko sa’yong gurang ka” at ayon nanga hindi na naman napigilan ng babaeng kasama ko ang kabastosan ng bibig niya. Sabi pa naman ni mang niro na marapatin naming makipag usap ng maayos sa taga bantay ngunit hindi na ata iyon mamgyayare dahil sa bruhang babaeng ito

“hindi ko gusto ang tabas ng iyong dila binibini ngunit bilang isang mabuting nilalang ituturo ko sa inyo ang daan papuntang mundo ng mahika”

______________________________________________

wait for my next ud syug❤️❤️

xWhere stories live. Discover now