Chapter Five

1K 97 967
                                    

"You must have misunderstood something, Noryn. If you're doing this dahil sa sinabi ko kagabi, forget it. Wala akong sinabing iwasan mo 'ko o ilagay mo ang sarili mo sa panganib," mariing ani Renz sa mahina pero seryosong tono, halos magdikit ang makakapal na kilay nito sa pagkakakunot.

Nagbuka ng bibig si Noryn pero bago pa man siya makaapuhap ng sasabihin, tumalikod na ang lalaki. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito nang lumapit kay Valerie na sa kanila nakatingin. Kung ano ang emosyong dumaan sa mga mata ni Valerie na hindi nakita ni Renz, hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Noryn.

Anger. Jealousy. Pero nakangiti na ito nang hawakan ni Renz sa siko at alalayang sumampa sa kabayo. Nagduda siya saglit kung tama ba ang emosyong nakita niya sa mga mata nito.

Noryn shook her head as she watched the two leave. Nag o-overthink lang ba siya masyado kagaya ng pag o overthink at pag o-overeact niya sa sinabi ni Renz kagabi? Baka kagaya ni Val nalulunod siya sa selos kaya bawat kibot at kilos nito binibigyan niya ng hindi magandang ibig sabihin?

Sumunod siya sa dalawa na mabagal na inilalakad ni Cash. Gusto niyang ilayo ang tingin sa likod ni Renz pero hindi niya magawa. Noon lang nairita nang ganoon sa kanya ang binata. Kasalanan niya. Tama si Renz, wala itong sinabing iwasan niya ito at hayun siya, nag overreact.

The scent of the forest and the aroma of the river started to assault their senses as they head down to the well-travelled path that would lead them to the breathtaking sunrise over the river.

Hindi lang ang malinaw na tubig sa ilog at ang bukang liwayway ang magandang atraksyon sa gawing iyon, kundi maging ang hanging bridge sa ilalim ng ilog na ilang dekada nang nagdudugtong sa dalawang bundok sa Calatrava.

Iyon nga lang, hindi pa siya roon nakakaakyat kahit ilang taon na siyang pabalik balik sa lugar.

Behind the mahogany trees, a few meters away from the hundred-foot-bridge, the rising sun started to greet Noryn good morning at hindi niya mapigilang huminga nang malalim at mapangiti. Simula nang kauna-unahang sunrise viewing niya sa ilog may tatlong taon na ang nakakaraan, Noryn became more appreciative of mornings.

Kasama niya nang araw na iyon sina Renz at Travis. Isang linggo na siyang naninirahan sa mga De Marco nang yayain siya ni Travis magpicnic sa ilog.

Nung una, Noryn felt that Renz was hesitant to bring her there. Hindi lang nito nagawang isatinig ang protesta dahil mabilis na siyang naalalayan ni Travis sa pagsakay kay Tucker.

A few minutes before the sun started to rise, nakawala si Cash sa pagkakatali sa katawan ng puno ng mangga at kinailangan ito ni Travis na habulin gamit si Tucker.

Naiwan sila ni Renz sa gilid ng ilog. They spent the first ten minutes in awkward silence. Nakaupo siya sa nakausling malaking bato habang tahimik na nakatayo kulang isang metro mula sa kinaroroonan niya si Renz. Akala niya hindi na siya kikibuin nito hanggang makabalik si Travis.

"Noryn, nasa banda roon ang silangan," naalala niyang malakas nitong tikhim, itinuro ang gawi sa kanyang likuran.

Nataranta si Noryn. She was sure she was blushing nang mabilis siyang pumihit sa direksyong itinuro ni Renz. Gusto niyang tampalin ang sarili. Alam niya kung nasan ang timog at silangan kahit ang hilaga at kanluran, but because she was nervous and preoccupied by Renz's presence, she hardly noticed that she was actually facing west.

Noryn was a turn off, she agreed. Hindi na nga mayaman, medyo tanga pa. Paano ba siya magugustuhan ni Renz kung sabaw siya?

Pero nakahinga siya nang kaunti nang sulyapan niya ang lalaki at makita ang pagdaan ng amusement sa mga mata nito. Parang mas naaaliw ito kaysa natatangahan sa kanya. Mas okay na 'yon.

Renz De Marco (preview)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon