Special Chapter

1.3K 28 12
                                    



Zoe Briones

"Mama! Mama!"


"Po?" Malambing kong tanong sabay buhat kay Cherry na siyang tumatawag saakin.


"Bakit maliit pa po si baby?" Curious nitong tanong habang nakasilip kami kay baby Zade na mahimbing ang tulog sa crib nito. Bumaling ako kay Cherry at binigyan ang matambok nitong pisngi ng isang matunog na halik na siyang kinahagikhik nito bago ako sumagot. Kakagigil talaga sila hehe, sambit sa isip.


"Kasi po 4 months pa lang po si baby, ikaw at si Berry malaki na dahil 5 years old na." Tugon ko at marahan na sinuklay ang buhok nito.


"Five" anito sabay pakita ng limang daliri nito saakin na kinatango ko naman.
"Si baby four pa lang" pinakita naman nito ang apat na mga daliri na kinatango ko ulit.


"Ye-" naputol ang sasabihin ko nang marinig si Berry na tinatawag ako mula sa labas.


"Mama! Mama!" Bago pa kami makalabas ni Cherry ay tumatakbong pumasok si Berry. Bigla naman akong kinabahan dahil baka masaktan ito sa pagtakbo.


"Careful Berry" ninenerbyos kong sabi nang tumungtong ito sa maliit na upuan para masilip si baby Zade. Kaagad ko itong inalalayan sa likod para hindi ito bumaliktad, buhat ko pa rin si Cherry sa kabilang braso. Medyo mabigat na silang dalawa lalo na't malulusog silang bata kaya madalang ko na silang buhatin, madalas si Hades ang nagbubuhat sakanila.


"Tulog po siya?" Anito


"Yes po." Tugon ko


"Kailan po siya magigising?" Bumaling si Berry saakin at inosenteng tinitigan ako.
"Gusto ko po ulit makita ang mga mata niya." Dagdag nito na siyang kinangiti ko.
Alam kong maraming natutuwa pag nakikita ang mga mata ni baby Zade dahil namana nito sa daddy niya. Bilugin kasi ang mga mata nito at talagang nakakaagaw-pansin ang kulay nila.


Halos lahat naman silang magpipinsan maganda ang mga mata e, and I'm sure their children will also have those kind of eyes. Sabi pa naman ni Hades ay malakas ang dugo nilang mga Andino, kaya nga halos sakanya namana ni baby Zade ang itsura niya e.


Kuuu, sure na sure akong maraming mahuhumaling sa anak namin pag lumaki na hehehe.


"You can look at my eyes Berry." Sabay-sabay kaming bumaling sa gawi ng pintuan nang marinig ang boses ni Hades.


"Papa!!!" Hiyaw ng kambal, mabilis ko naman tinignan si baby Zade kung nagising ba sa pagsigaw ng mga ate niya pero napangiti ako nang napaunat lang ito bago mahimbing ulit na natulog.


My gaze turned to Hades when I felt him took Cherry from my arms, I smiled at my husband. Buhat na nito sa magkabilang braso ang kambal at nilalaro nila ang kwelyo ng daddy nila.


Nakuha na namin sila mula sa ampunan pero marami pang papeles na kailangan asikasuhin para legal na talaga silang maging anak namin ni Hades.


"How's your day babe?" Masuyong wika ko at hinaplos ang braso nito. Galing ito sa hospital kung saan ito nagreresidency at ilang taon pa bago ito matapos do'n at maging ganap na doctor.
Tiredness is visible in his face but he always makes sure he still have energy to play with our kids.


"Tiring as always babe but after seeing you and our kids its makes me stress-free. And I think I still need to recharge tonight babe." Maloko ako nitong tinignan at alam ko na ang ibig nitong sabihin.


"Naririnig ka ng mga bata babe." Suway ko pero ang hudyat ay ngumisi lang at isa-isang binigyan ng halik sa pisngi ang kambal bago yumuko sa gawi ko. I know what that means, kaya bahagya akong tumingkayad para salubong ang labi nito sa isang magaan na halik.


Thirty-five: Zoe Briones [Completed]Where stories live. Discover now