chapter 9

146 14 0
                                    

THIRD PERSON POV

hindi inakala ng taga bantay na makakayang lampasan ng dalawang hamak na taga lupa ang pagsubok  na iyon dahil wala pang ni isa ang kayang makalabas sa mga inilatag niyang pagsubok

napag isip-isip niya rin na tuparin na ang hiling ng dalawang nilalang dahil sa ipinakita nitong katapangan na hindi niya itatangging nag pahanga sa kaniya kaya pinuntahan niya ito sa kanilang kinaroroonan at nadatnan niyang mahimbing na natutulog ang dalawa habang magkayakap hindi maiwasang mapangiti ng taga bantay sa kaniyang nasaksihan sa dalawang batang ito

ang kanilang katapangan at pag titiwala sa isa’t isa ang mag tataas sa kanilang pareho at sabay na mapag tatagumpayan ang lahat ng hamong kakaharapin’ bulong ng matanda sa kaniyang isip

hindi na nag aksaya pa ng oras ang taga bantay at nag bigkas na ito ng spell at isang hindi kalakihang lagusan ang naging resulta at isa-isang pinasok sina kira at kir

naway pag palain kayo sa inyong paruruunan mahal kong apo” huling sabi ng matanda pagkatapos maglaho

kiro’s PoV

naramdaman ko na para akong mahuhulog sa kung saan kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata at totoo ngang nahuhulog ako kaya napapikit ulit ako ako dahil sa gulat

ilang segundo pa ang itinagal at tuluyan na kaming bumagsak sa lupa kaya minulat kona muli ang aking mga mata at nag gagandanang tanawin ang aking nasaksihan

ito na kaya ang mundo ng mahika na sinasabi ni ki— teka nasan nanga pala si kira

luminga-linga ako sa paligid at nakita ko si kira sa may hindi kalauyan na natutulog padin‚ ang tindi talaga ng babaeng ito

dali-dali akong lumapit dito at ginising ngunit hindi parin ito nagigising kaya inihanda kona ang aking kamay para sana sampalin siya pero nag mulat ito ng mata at agad na tumayo‚ napa iling-iling nalang ako dahil sa katarantad0han ng babaeng ’to

habang pinag mamasdan ko ang magagandang halaman at makukulay na bulaklak kinalibat ako ni kira kaya nilingon ko ito at tinignan ng nag tatanong na tingin

“ito na iyon kiro nandito na tayo sa mundo ng mahika ang Iocreospea’ kung saan naninirahan ang mga majikera/o‚ diwata‚ sirena/o at mga nilalang na hindi mo makikita sa mundo ng mga tao‚ nandito na tayo kiro!!” nananabik niyang sabi sabay yakap sa akin na ginantihan ko din naman‚ nagulat ako ng bigla itong sumigaw pagkatapos niyang kumalas sa yakap

MALIGAYANG PAG BABALIK SA MUNDO NG MAHIKA!!”

pagkatapos ng tagpong iyon nandito na kami ngayon sa bayan na sinasabi ni kira‚ pupunta raw kami sa kaniyang tinitirhan dati bago siya makarating sa mundo ng mga tao

ilang saglit lang ay huminto kami sa may kalumaang gusali at agad namin itong pinasok

nakasunod lang ako kay kira hanggang sa maka pasok kami at masasabi kong matagal nanga itong naka tayo dahil may kalumaan na din ang mga haliging naka tukod dito‚ sunod lang ako nang sunod kay kira habang may may tinatawag na pangalan ng may marinig kaming boses sa aming likuran

“sino kayo? anong ginagawa niyo sa dito sa orphanotrophia’ kung nais niyong mag nakaw wala kaming maibibigay na pera dahil wala pa kaming nakukuha mula sa mga quire regnum kaya makaka alis na kayo” seryusong sabi ng babaeng may katandaan na dahil medyo kumukulubot na ang pisnge nito

“lola nita ikaw ho ba iyan?” biglang sabi ni kira na parang ano mang oras iiyak na‚ akala koba hindi umiiyak itong babaeng ’to

“bakit mo ako kilala? sino ka mag pakilala ka sa akin” seryuso padin na sabi ng matanda na nag ngangalang nita pero imbes sagutin ni kira ay nilapitan niya lang ito saka niyakap na ikinagulat ng matanda

“l-lola ako ho ito si kira ang apo niyo” ani kira habang umiiyak‚ kita ko naman ang biglang pag laki ng mata ng matanda at ang pagbuo ng luha sa mga mata nito at pansin kodin ang biglang pag higpit ng yakap nito kay kira

“t-totoo ba ito? d-diyos ko ikaw naba iyan apo ko? ang laki-laki mona halos hindi na kita makilala” naiiyak na sabi ng matanda

hindi rin nag tagal at nag bitaw na ng yakap ang dalawa at nag punas ng kanilang luha saka ilong na may sipon dulot ng pag iyak ng biglang dumako ang tingin sa akin ng matanda

“sino naman itong magandang dilag na kasama mo apo? abay ang ganda naman ng binibining ito” ang nakangiti niyang sabi na medyo ikinagulat at napalitan ng ngiti dahil ngayon lang may nag sabi sa akin na maganda

“siya nga pala lola siya si kiro kapatid ko‚ nakasama ko nung ipadala ako ni itay sa mundo ng mga tao” ang nakangiting pag papakilala sa akin ni kira

“nanganak ulit si alora? bakit hindi ko ito alam?” ang naguguluhang sabi ng matanda

binigyan ko ng makahulugang ngiti si kira na ipinapahiwatig na huwag sabihin ang katotohanan dahil iyon ang sabi ni inay dati nung nabubuhay pa siya sinunod niya naman ito at sinabing kimplikado ang lagay ni inay dati kaya hindi nasabi sa matanda

flashback / (Decembris 18‚ 2011)

nandito kaming tatlo nina inay saka ate sa labas habang nanonood sa ginawang ilusyon ni inay‚ bukod kasi sa apoy ay kaya din niyang gumawa ng ilusyon at tanging siya lang daw ang nag mana nito galing sa aming lolo sa tuhod. Nawiwili kami sa panonood ng biglang mag salita si inay

“mga anak may gusto akong sabihin sa inyo at ito ay tungkol sa sinabi ko dati na hindi ko tunay na anak si kiro. Kira at kiro nais ko sanang ilihim niyo at huwag niyong ipag sasabi ang napag usapan natin dati‚ mangako kayong tayong tatlo lang ang makaka alam ng bagay na iyon” seryusong sabi ni inay sa amin at itinaas ang kaniyang kamay nag papahiwatig na sundin namin bilang panunumpa na siya namang ginawa namin

______________________________________________

your votes and comments are highly appreciated❤️❤️

xWhere stories live. Discover now