Tula #83

84 3 0
                                    

"Pinipilit Maging Tayo"

Paano ko nga ba wawakasan
ang kwentong wala namang simula?
Ang kuwentong ako lang ang bida
At pinipilit ibahin ang daloy ng storya
Tinangkang punan ng mga tauhan ang nobela
Na taliwas sa reyalidad at gusto ng tadhana
Gusto ko kasing maranasan sumaya
Kahit na sa paraang hindi makatotohanan
Kaya sa storya na lamang pupunan
Ang mga bagay at pangarap na gusto ko
Kung nabigyan lang ng pagkakataong maging tayo
Pero sa kuwentong ito,
Inaamin kong nadudurog ako...

Dahil sa bersyong isinulat ko,
Ako lang naman ang nagpipilit na maging tayo.

-RoRu

Tula Para Sa Mga BrokenWhere stories live. Discover now