Chapter 3

2 2 0
                                    

Sa loob ng madilim kong kwarto ay nakaupo ako sa harap ng malaking bintana habang pinagmamasdan ang mga bisitang nagsisilabasan sa kanilang mga kotse habang may malalapad na ngiti sa labi. Halata sa kanilang mukha ang labis na kasiyahan. Kabaliktaran naman sa nararamdaman ko ngayon. Kung gaano ka lapad ang kanilang mga ngisi ay ganoon naman kabilis ang pagbuhos ng mga luha ko habang tinitiis ang sakit sa aking puso.

Hindi ko akalaing sa isang iglap ay mawawala sakin ang mahal ko sa ganitong paraan. Hindi ko inaasahan 'to, sobrang sakit.

Kasal ngayon ni Dwayne at Shanin, ng fiancee at ng kambal ko.

Dahil sa nangyari sa hotel ay hiniwalayan niya ako. Pero hindi pumayag ang aming mga magulang na walang kasal na magaganap dahil sa kahihiyan na marami nang naimbetahan at isa pa ay gustong-gusto rin ng bawat pamilya na magsanib-puwersa sa pamamagitan ng pagpapakasal ng mga tagapagmana nang sa ganoon ay mas umunlad pa ang kompanya at mas lumakas pa ang impluwensiya.

Kaya imbes na ikansela ang kasal ay pinalitan na lamang nila ang bride. Na agad ring sinang-ayunan ni Dwayne. Walang pagdadalawang isip.

'Bitawan ko nalang lahat wag lang siya.' A bitter smile made its way to my lips when I remember what he said.

Ano iyon? Nakalimutan ba niya ang sinabi niya? Or he doesn't really meant it in the first place?

Natuloy ang kasal nila matapos ang dalawang linggo para ipaalam sa mga bisita at media ang pagbabago. Na hindi na ako ang bride kundi si Shanin na aking kambal.

Sobrang sakit. Paano niya ako nagawang bitawan ng ganoon kabilis? I only made a mistake which I'm not even sure if I really did it. Isang pagkakamali lang ba ang kailangan niya para bumitaw agad?

Sabi niya bitawan niya na lang lahat wag lang ako. Pero bakit ngayon kahit anong pagmamakaawa ko di niya man lang magawang hawakan ang kamay ko. Bakit ngayon mag-isa akong nasasaktan? Mag-isang natatakot?

Mapait akong ngumiti sa aking sarili. Anong nagawa ko para mangyari ang mga kalbaryong ito sa akin? I've been nice to everyone. I never done wrong to anyone. Bakit ganito ang naging balik sa akin?

Was I too kind? Or was I too trusting to the people surrounds me?

Hindi ko sinasadya ang nangyari ni hindi ko nga sigurado kung nangyari ba talaga yun. Ang naging batayan lang ng kanilang paniniwalang nagkasala ako ay ang lumabas na result sa OB nung nagpatingin ako kung totoo bang may nangyari sa akin. Kasama ko dun si Mama, Papa, Shanin at si Dwayne na pinilit ko.

Sigurado akong maayos ang lalabas na result dahil malinis ang konsensya ko. Hinding-hindi ko magagawang magtaksil kay Dwayne. I love him too much to destroy our relationship through cheating.

Pero sa sandaling lumabas ang obgyne at sabihin sa amin ang resulta ay mas lalo lang nawasak ang nahati ko nang mundo at nagliyab ang kanilang nagbabagang galit sa akin.

The obgyne said, my vagina tissues have cuts due to penetration and has a trace of semen inside. Isang kompirmasyon na hindi na ako birhen, nakuha yun ng hindi ko kilalang lalaki, at nagtaksil ako sa aking nobyo.

Ramdam ko parin ang sakit sa paulit-ulit na sampal ni Mama sa akin at ang pag-alis ni Dwayne, walang pakialam. Dati ni lamok ayaw niyang padapuin sa akin ngunit ngayon parang wala siyang pakialam kahit mamatay pa ako sa bugbog.

Galit na galit ang lahat sa akin.

Kinulong nila ako sa kuwarto dahil sa kahihiyan. Ilang araw na akong hindi nakakalabas at parang masisiraan na ako ng bait. Anong gagawin ko para bumalik ang lahat sa dati? Mag-isa ako walang makapitan lugmok na lugmok na. Makakabangon pa kaya ako kahit wala akong makapitan?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bachelorette Party Gone Wrong Where stories live. Discover now