chapter 13

137 14 0
                                    

kiro’s PoV

narito kami sa gubat upang mag lakbay papuntang quire na sinasabi ni lola hindi ko alam kung saan ito kaya sumusunod nalang ako kay kira dahil naka punta nadaw siya roon noong bata pa siya

habang nag lalakad hindi parin maalis sa isip ko ang nangyaring pag iisa namin ng sinasabing spirito ko kuno at ang biglang pag ilaw ng librong nakuha ko

“nakatulala kana naman kiro at mukhang napaka lalim ng iniisip mo basi sa ekspresyon ng iyong mukha‚ maari ko bang malaman kung ano ito?” ani kira na ikinalingon ko dito‚ isang ngiti lang ang isinagot ko dito para ipaalam na maayos lang ako nakahinga naman ako ng maluwag ng tumango ito at muling tinuon ang tingin sa daan

habang nag lalakad may naramdaman nanaman akong itim na kapangyarihan na nanggagaling sa hindi kalayuan at alam kong naramdaman din iyon ni kira kaya tinignan ko siya at tinanguan na ikanatango din ng huli sabay tingin sa likod ngunit wala kaming makitang kahit na ano hanggang sa parang may kung anong babagsak sa akin kaya dali akong tumalon paatras para hindi matamaan saka nilingon ang pwesto ko kanina at hindi nga ako nagkamali may palasong naka tarak sa lupang kinatatayuan ko kanina‚ tinignan ko si kira na nakailag din at seryuso na ngayon ang mukha

“ihanda mo ang iyong sarili kiro hindi pangkaraniwan ang naka masid sa atin ngayon‚ nararamdaman ko ang lakas ng kanilang mga mana” seryusong sabi ni kira na ikinatango ko

nag hahanda ako para sa gagawin kong pag atake ng may maramdaman akong parang may tatama sa aking likuran kaya napagilid ako upang maiwasan iyon at isang palaso na naman ang aking nakita sa aking dating pwesto

hindi maaari nasa ibang lebel ang antas ng mga nilalang na ito hindi pangkaraniwang enerhiya ang nararamdaman ko sa palasong ibinabato niya’

may naramdaman akong kapangyarihan sa hindi kalayuan kaya tinignan ko si kira at kita kong nag palabas siya ng napakaraming espadang gawa sa hangin saka ito obinato pataas at ilang saglit lang ay may dalawang nilalang na naka rubang itim ang bumaba galing sa taas at napaka lakas ng mga aurang ipinapalabas ng mga ito

“magaling nagawa mong malaman kung nasaan kami bininini hindi ko inaasahan iyon dahil itinago ko ang aming presensya‚ napaka husay!!” natutuwang sabi ng isa na ipinag taka ko

kalaban ba talaga ang mga ito bakit parang pinupuri pa nila ang ginawa ni kira kesa ang mainis?

sinawalang bahala ko nalang ang aking iniisip at inihanda ang aking sarili saka ipinuwesto ang aking kamay at nag palabas ng itim na kapangyarihan papunta sa kanila pero naiwasan lang nila iyon at gulat na napatingin sa akin

“isang itim na kapangyarihan? hindi ba dapat nasa panig ka namin bakit ka nariyan?” ang nakakunot noong tanong ng isa

“hindi lahat ng kapareha niyo ay isa naring kakampi” aniko saka nag pakawala ng ule ng itim na kapangyarihan at ibinato sa kanila pero sinangga lang iyon ng isa gamit ang itim din niyang kapangyarihan kita ko ang inis sa kanilang mga mukha na ikinatuwa ko sa hindi malamang dahilan

“lapastangan!! pag babayaran mo ang iyong pagiging suwail sa iyong nasasakopan” sigaw ng isa saka nag bato ng napakaraming palaso papunta sa amin sa dami neto hindi namin ito maiiwasan lahat kaya tinignan ko si kira nalaman naman niya ang nais kong iparating kaya nag pakawala siya ng hangin saka ito tinutuk sa mga palaso kaya ang naging resulta pumunta sa ibang direksyon ang dapat sanang tatama sa amin

pagkatapos nun bigla nalang akong may naramdamang mana galing sa dalawa kaya tinignan ko ito at nakita kong gumagawa ng napakaraming bilog na gawa sa itim na kapangyarihan ang isa at itinapon sa amin dahil sa gulat hindi ko naiwasan ang tatlong itim na kapangyarihan na paparating sa amin kaya tumalsik ako ng napaka layo

hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil sa lakas ng kapangyarihang tumama sa akin
halos hindi na ako makakilos dahil sa pamamanhid ng aking buong katawan

may naramdaman akong mana na nag tatagisan sa pwesto ko kanina at alam kong nilalabanan na ni kira ang dalawang iyong ng mag isa lang siya‚ wala manlang akong magawa

habang sinusubukan kong tumayo naramdaman kong may kung anong paparating malapit sa akin kaya tinignan ko iyon at laking gulat ko ng makita ko si kira na bugbug sarado at halos hindi na makilala dahil sa kaniyang natamo

“h-hindi ma-maari”

“iyan ba ang tumalo sa mga alagad ng ating panginoon? napaka hina halos hindi ko manlang nailabas ang kalahati ng aking lakas” rinig kong sabi ng isa habang papalapit ang mga yapak papunta sa pwesto namin

“hindi pwedeng hindi ako makatayo dahil kapag natapos kami dito hindi namin matutupad ang pangako namin kay lola nita na makapasok sa bloody dawn”

“buhay pa pala ang isang ito‚ bata kung gusto mo pang mabuhay sumapi ka sa amin sinisigurado kong hindi ka nila masasaktan” ani ng isa na ikinalingon ko dito

“kahit patayin niyo pa ako dito hinding-hindi ko masisikmurang sumama sa mga halang na katulad ninyo!!” sigaw ko at pinilit maka tayo pero hindi pa ako tuluyang nakakatayo ng bigla nalang akong tumilapon dahil sa pag tama ng itim na mahika sa akin

“wala na akong magagawa kung hindi ang taposin ka” anito at nag pakawala ng may kalakihang itim na kapangyarihan saka ibinato sa aking pwesto na ikinagulat ko

“mag-isip ka kiro mag-isip ka!!” sigaw ko sa aking isip ng biglang

bata palabasin mo ako”

______________________________________________

ang boring ng chapter na ’to dahil ukopado ang isip ko nyeta ba naman nakapag update na sana ako kahapon kung hindi lang biglang nawala ang chapter na ginawa ko bosit😭😭

xМесто, где живут истории. Откройте их для себя