Chapter 38

438 31 8
                                        

ITINIGIL ni Kamden ang ducati na bagong linis lang sa harap ng Dream Club. Nang maayos niyang maiparada ang ducati, pumasok siya sa loob ng dream club para gawin ang isang rason kung bakit siya nandito. Umupo siya sa bakanteng mesa at malamig ang titig niya nang lapitan siya ng isang waitress na sobrang seksi ang sout na damit. "What can I get you, sir?"

He smirked and looked around. "One bottle of Martini, please."

"Coming sir." Ningitian siya nito saka tinalikuran.

Habang hinihintay niya ang order niyang alak, ipinapalibot niya ang tingin kabuohan ng Bar. Then his eyes stopped at guy who was now looking at while smiling seductively at him. He instantly looked away, ignoring that guy.

Mabilis niyang inalis ang mga mata sa lalaki at inilabas ang cellphone niya at pinindot niya ang gallery saka isa isang pinagmasdan ang mga pinicture-an niyang sculpture ni Jaeheart sa studio kanina. Kakaiba ang mga hilig gawin ni Jaeheart, ibang iba ito sa mga lalaking nakilala niya.

"Hey handsome, can I get you a drink---"

"No." Mabilis niyang sansala sa sasabihin ng lalaking lumapit sa kaniya.

Then there's another voice asked him.

"Hey shawty want a--"

"Get lost."

"Can I join y--"

"Not interested."

"Hey can I get your numb--"

"Go fuck someone else." Sabi niya habang sinu-zoom in ang image sa cellphone niya.

"Hey handsome can we dance--"

"Dance by yourself."

"Hey sexy--"

"Not interested." Kalmado niyang tugon.

"Pst, puwede ba kitang samahan sa dito?"

"Wala akong panahon para sayo, get lost." Nag-uumpisa na siyang mairita.

"Dance with me--"

He's irritated. "Go fuck yourself."

Katulad ng mga na una rito, bagsak ang mga balikat na iniwan ng mga ang mesa na kinauuupuan niya.

Malakas siyang napabuga ng hangin at pinagpatuloy ang ginagawa habang hinihintay ang inorder niyang alak, what takimg it so long? Irritation filled him when a man stopped beside her table. Iritang irita na siya at dahil sa sobrang pagkairita, inis niyang inilapag ang cellphone na hawak at matalim ang matang tiningala ang lalaki. "Go fuck yourself!" Pagalit niyang sabi, mabilis niyang naitikom ang labi ng makilala kung sino ang lalaking nakatayo sa tabi ng mesa niya. "Y-you..."

Thanatos stared at him. "Yeah, it's me." The man uttured, calmly.

Bumakas ang kaguluhan sa mukha niya na may kasamang pagtataka, taas baba niya itong tinitigan. Naka t-shirt ito at black jacket, denim jeans pababa at at naka sumbrelo ito. "What are you doing?" Matalim parin ang mga matang naka-tingin sa binata.

Thanatos smirked. "Dapat ako ang nagtatanong sayo niyan, anong ginagawa mo dito?" Ngumisi ito na parang nang-uuyum. "Wala kabang curfew baka hanapin ka ni Mr.Kang."

Pinatili niyang kalmado ang mukha. "Hindi kontrolado ni Mr. Kang ang oras ko at hindi niya gawain ang gano'n, what about you. Himala at hindi nakabuntot ang butler mo sayo o baka naman naka disgiues din sila." Itinitago niya ang inis sa mukha dahil ayaw niyang mahalata siya nito na kahit ngayon ay masama parin ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya ito. "O baka naman may iba kang kasama."

Sasagot pa sana ang binata nang biglang tumunog ang cellphone niya, sabay silang napatingin ni Thanatos sa screen ng cellphone niya.

Jaeheart calling

Taming the Beast Part ll (Saturday's Update)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant