3

1.8K 75 4
                                    

"Are you dumb?" nauubusan ng pasensya niyang tanong.

Ako pa talaga 'yong dumb. Siya nga 'yong walang kwentang kausap dahil hindi nagsasalita nang maayos.

"Hindi. Ikaw nga diyan. Walang kwenta na ngang kausap, manyak pa," mahina kong ani.

Tila tuluyan na siyang hindi nakapagtimpi. Biglang may hinigit na lamang siya sa likod niya na agad na nagpanginig ng buong katawan ko.

Agad kong itinaas ang dalawang mga kamay ko. Ramdam ko 'yong tumulong pawis sa noo ko kahit malakas naman ang air-conditioning dito.

"Now tell me if you don't want to live anymore. I'll grant your wish," malamig at nagbabanta niyang ani habang nakatutok pa rin sa akin ang baril.

Sa loob ng takot at panginginig ay nakaramdam ako na tila hindi ito ang unang beses na tinutukan niya ako ng baril.

"No, I'm just kidding. And put that gun down, please. I didn't mean to offend you. I'm just really confused. Why am I here? I'm supposed to be in the hospital. And where's Mary? The driver? Are they still alive?" sunod-sunod kong tanong kahit pinipilit ko lang na h'wag mautal.

"I don't know," maikli niya uling sagot. Pagkatapos ay nilagok na niya 'yong natitirang tequila na nasa rock glass na hawak niya.

Sana pati 'yong rock glass ay nilagok niya na rin.

At oh, 'di ba? Ang sarap niyang kausap. Mabuti na nga lang ay ibinaba na niya 'yong baril niya.

"Where are my things?" hindi matigil kong tanong dahil hindi niya rin naman ako sinasagot nang maayos. Unti-unti na rin akong nauubusan ng pasensya.

Nakita kong kinuha niya 'yong cellphone niya at may tinipa. Hindi rin naman nagtagal dahil agad niya rin tinapat sa may tainga niya ang phone. May tinatawagan pala.

Tahimik lang ako na pinapanood siya. Baka magbago ang isip niya at barilin na lang ako bigla.

"She's awake," walang emosyon niyang sabi. Pagkatapos ay mabilis niya ring ibinaba 'yong cellphone at pinatay ang tawag.

Wala man lang hello at bye. At isa pa, hindi ba siya marunong mag-Tagalog? Kanina ko pa napapansin na puro English siya. Sumasakit na 'yong ulo ko at malapit nang dumugo itong ilong ko.

Napabaling ang atensyon ko sa mga taong pumasok ng kwarto. May limang naka-black suit na mala-men in black at may bitbit pa na malalaking baril. May kasama rin sila na isang may katandaan na lalaking doctor. Siya siguro 'yong narinig ko kanina.

Mariin na nakatikom ang bibig ko sa takot habang papalapit 'yong dalawang men in black sa gawi ko. Ngunit tumayo lang ito sa may tabi ng lalaking walang emosyon na nakatingin sa'kin. Habang 'yong tatlo naman ay nasa may pintuan upang magbantay na parang tatakas ako.

Makatakas pa ba ako sa lagay na 'to?

"Check her again. She might have some infection in her brain. She's so dumb." Pagsasalita ulit ng lalaking ito kaya inis ko siyang tiningnan.

Marunong akong ma-offend, okay? Mas mabuting h'wag na talaga siyang magsalita kung walang kwenta naman ang lalabas sa bibig niya.

"Excuse me, ma'am," sabi ng doctor nang makalapit na sa gawi ko.

Tinanong niya lang ako kung ano ang nararamdaman ko. Tapos syempre, sagot ko lang na maayos lang. Kahit sumasakit pa rin 'yong ulo ko dahil sa wala akong kaide-ideya sa mga nangyayari at kung nasaan ako.

"By the way, why am I here?" hindi ko na napigilan pa 'yong sarili ko na magtanong ulit.

"According to the bodyguards, they found you passed out in the middle of the road. You were all bruised up and bloody when they brought you here," malumanay na sagot niya.

Reincarnated As The Substitute Wife Of A Mafia BossWhere stories live. Discover now