Chapter 34

38 2 0
                                    

Camping/Sportfest: 5th day

RHAINE'S POV

"Mamayang 5 na pala uwi natin 'no?" Sabi ni Misty habang kumakain kami.

Andito pa rin kami sa campsite kasama na rin namin 'yung apat na lalaki.

"Oo kasi baka daw bumagyo mahirapang makababa ng bundok 'yung mga sasakyan gano'n." Sagot naman ni Easteban.

"May gagawin pa bang activity mamaya?" Tanong ko naman.

"There is, we will go to the center later and then there will be an activity for us to do." Sagot naman ni lupa.

"Gusto ko ng umuwi sawa na ko sa mukha niyo." Nakasimangot na sabi ni Raven.

Tumingin naman sa kaniya si Zeke 'saka nag salita. "Mas sawa na ko sa mukha mo impakta."

"Inaano kita diyan kotongan kita eh."

"Tapang."

Sasagot pa sana si Raven pero may nag salita na agad sa microphone kaya naagaw nito ang attention namin.

"Students pumunta na lahat dito sa gitna." Sabi nung professor.

"'Di pa ko tapos kumain eh." Reklamo ni Athena.

"Kamusta naman kaya akong gutom pa?" Sabi ko naman.

"Tama na, pinapatawag na tayo." Sabi lang ni lupa.

Isa pa 'to sabatero rin eh. Pumunta na kami sa gitna andun na lahat ng estudyante.

Nakipag-usap lang ako kanila Raven at 'di nakinig sa sinasabi nung professor pero bigla na lang akong pinitik ni Raven. "Epal ano ba 'yun?"

"Patalinuhan daw sabi nung professor."

"Atras na ako diyan."

"Gaga, sumama ka na mag iikot tayo sa gubat pero babalik rin tayo kapag 'di na tayo nag enjoy gano'n."

"Weird, gugutumin lang nila ako eh."

Tinaasan naman niya ako ng kilay 'saka ako hinatak, "Daming dada eh tara na."

"Tsk hinatak mo na ko ano pa magagawa ko?"

"Dalhin niyo 'yung mga gamit niyo." Singit ni lupa sa usapan namin ni Raven.

Tinaasan ko lang siya ng kilay 'saka namin kinuha 'yung mga important things namin.

Binigay na sa'min 'yung list na hahanapin namin sa gubat walong tao kada isang team kaya mag kakasama na naman kaming walo.

(-,-)

Pumunta na kami sa gubat at hinanap 'yung mga nasa list.

"Ang hirap naman hanapin ng mga nasa listahan." Reklamo ni Misty.

"Mahahanap natin 'yan." Sagot naman ni Gio.

"Kanina pa tayo palakad lakad dito." Reklamo ko.

"Kaya nga." Sabi naman ni Raven.

"Puro kayo reklamo kung nag hahanap kayo?" Sabi ni Zeke

Napatingin naman ako kay Zeke 'saka lumingon kay Ryland na sang-ayon din sa kaibigan niya.

"Why are you staring at me?" Tanong ni lupa.

"'Wag kang assuming hindi ikaw tinitignan ko." Sabi ko 'saka lumapit sa likuran niya.

I knew it. Kinuha ko na 'yung isa sa puzzle na hinahanap namin actually 'yung puzzle sa list malalaki hindi maliliit need mo lang malaman kung ano 'yung naka sulat sa puzzle.

Eight Persons With Hidden Identity Where stories live. Discover now