Teo #2

1 1 0
                                    

~ Timoteo Cartzile Salvador ~

Katatapos ko lang manood ng PBO. Nakakaiyak yung 7 Sundays. Iyak na iyak ako.

Watdapoop. Relate na relate ang ferson.

Kaso, wala pa naman akong mga anak na magsasama sama tuwing linggo para dalawin ako. Sila papa, hindi pa alam ang kalagayan ko. Hindi ko rin kasi alam kung paano sasabihin.

Isa pa, nahihiya rin akong bumalik sa bahay dahil umalis ako roong kagalit si kuya Roy. Nag-away kami dahil kay Taki.

Bakit pa daw kasi ako kumuha ng motor e ang dami naming bayaran. Lalo na at may tuition ako tapos may kapatid pa kaming elementary. Nagboarding- house na nga ako para raw malapit, bakit ko pa kailangan ang magmotor kaya namang lakarin.

E sya kaya maglakad! Hindi naman ako tinatamad, pero marami akong raket kaya lagi akong late kung gumising. Kaya lagi akong malelate kapag maglalakad pa.

Syempre I need service on my own. Hindi naman sya ang pagbabayarin ko. Nagsisikap naman ako para sa sarili kong mga gastusan.

Dahil sa pagtatalo namin, nauwi iyon sa matinding sagutan. Ako na nagparaya at umalis. Limang buwan na nga akong hindi umuuwi sa baranggay namin.

Hindi ko nadadalaw si Chiko. Yung bulilit na yon.... namimiss ko na yung mga chubby nyang pisngi. Poging pogi gaya ko.

Alam ko namang mali ako. Lalo at nagsisimula pa lang bumalik sa dati ang motorshop ni papa dahil nga sa pandemic.

Pero alangan namang ibalik ko pa si Taki.

Saka matagal ko na talaga sya gustong gustong bilhin. Napangalanan ko na nga sya kahit wala pa akong ipon noon pang-down payment.

May balak naman akong sabihin, pero hindi pa ngayon.

As of now, kaming dalawa lang ni Lucas ang nakakaalam. " Para kang bata bro...hhhhh" asar nya sa'kin habang kumukuha ng chips na hawak ko. Nakuha pang magbiro ng loko. " Tsk!.. bumili ka ng sarili mo..." inilayo ko ang chips mula sa kanya. Wala akong balak magdamot sa kahit na kanino pero sa ngayon gusto kong gawin.

Napakamot na lang sya at kumuha ng canned beer sa maliit na mesa. Nakalampiga ako sa sahig at nasa sofa sya na kinasasandalan ng siko ko.

Sumeryoso ang awra at lumagok ng isa sa hawak na unumin. Napangiwi pa ng konti dahil mejo mapait. Pinanood ko lang sya habang ngumangata.

"So ano na balak mo jan??..." seryoso nyang pagtatanong. Na hindi ko naintindihan nung una. Akala ko kung ano daw gagawin ko sa mga beer dahil doon sya tumingin nong sinambit nya yon.

Pinatay ko ang tv. Kumuha ako ng isang hindi pa bukas na beer at lumagok ng usod usod hanggang sa maubos ang laman. Piniga ako ang lata at itinapon sa basurahang dalwa't kalahating metro ang layo mula sa amin.

Napatawa ako sa tinanong nya.

Nakakatawang isipin kasi kahit ako hindi ko alam ang gagawin.

"Bakit pa kailangan may gawin, e mamamatay na rin naman ako. Hindi ko na mapipigil ang itinakda sakennn... Magpapakasawa na lang ako sa mga alak na'to para mas mapadali na ang kamatayang ko!"

Panglimang beer ko na ang ininom ko kanina. Kumunot lang ang noo ni Lucas sa mga sinabi ko. Kahit wala syang sabihin alam ko naman na naiintindihan nya ang pinagdadaanan ko ngayon. Kaya hindi nya ako magawang pigilan sa paginom.

~~~~~

Ang sakit ng ulo ko. Para akong pinalo ng sangdaang beses ng baseball bat. Lumulutang ang pakiramdam ko. Kung hindi pa ako nakaamoy ng mabahong utot ni Lucas sa panaginip ko, hindi pa ako magigising. Watdapoop. Hanggang sa panaginip ko pasaway si insan.

Eyes, See, You ( I see you)Where stories live. Discover now