chapter 14

128 17 0
                                    

kiro’s PoV

“palabasin mo ako bata” biglang sabi ng kung sino kaya luminga-linga ako sa paligid nag babakasakaling makita ang narinig kong tinig ngunit wala akong nakitang ni isang bakas nito

“masyado na ata akong nanghihina kaya kung ano-ano nalang ang naririnig ko” mahina kong bulong ngunit ilang saglit lang may narinig na naman akong boses sa kung saan

“bata palabasin mona ako rito hindi moba naalala ang iyong pagiging dagvaarder” may pagka irita netong sambit

“a-anong dagvaarder eh hi— ah oo nga Beelzebub ikaw ba ’yan?” nagagalak kong sambit ng bigla kong maalala ang aking pagiging isang summoner‚ bakit ngaba ngayon kolang naalala na may spirito pala ako edi sana kanina kopa tinapos ang mga hampaslupang ito

“oo bata ako nga ito kaya bilisan mona at palabasin mona ako rito sa lungga mo dahil nabuburyo na ako” uyam nitong sabi

“papa-ano kita mapapalabas riyan eh hindi konga alam‚ kung sana kanina mopa sinabi edi sana nakalabas kana at nakikipag buno sa mga masasamang nilalang na ito” may pagka masungit kong turan na ikina hagik-hik neto basi sa aking narinig na boses sa aking isipan

“tinesteng kolang kung saan aabot ang iyong lakas mabuti na lamang at may kaunti kang kaalaman sa pakikipag laban at nabuhay ka sa ng ilang minuto sa pakikipag laban sa mga nilalang na iyan” aniya. Abay gusto nga ata akong patayin ng spirito kona ito napaka walangya

Precipio hunc librum porta demonum Beelzebub aperire spiritum gulae”

“banggitin mo lamang ang katagang iyan at tuluyan na akong maipapalabas sa aking templo” aniya na agad ko namang sinunod

“Precipio hunc librum porta demonum Beelzebub aperire spiritum gulae” bigkas ko sa latin na salita at biglang lumutang ang aking libro galing sa aking beywang at saka ito kusang bumukas at inilabas ang napaka gwapong mukha ng aking spirito na nag iinat ng kaniyang mga kamay

“mainam at nakalabas din ako agad sa nakaka buryong templo kon iyon‚ lagi nalang mga patay na nilalang ang nakakasalamuha ko nakaka-tamad na” may halong katamaran nitong ani saka nilingon ang dalawang lalaking papalapit sa amin‚ hindi pa siguro nila nakikita ang spiritong ipinalabas ko kaya ang lakas paring ng kanilang mga loob. Kung gayon

“bub paki-tapos nga ng dalawang iyan‚ namumuro na eh” utos ko sa aking spirito‚ bub nalang ang itatawag ko sa kaniya simula ngayon dahil napaka panget ng pangalan niya

“ang kapal ng mukha mong laitin ang napaka ganda kong pangalan bata. Baka gusto mong itarak ko sa utak mo itong dala dala kong sandata” nag babanta netong sabi saka itinutuk ang kaniyang dalang espada sa aking ulo pero isang ngiti lang ang iginante ko dito at saka umupo na ikinairap neto saka hinarap ang dalawang tuluyan ng nakalapit sa amin‚ kita ko ang gulat at takot sa kanilang mga mukha na kay sarap pag masdan at ang kanilang mga tunod na nangangatog dahil sa kabang nararamdaman‚ ganiyan nga matakot kayo sa akin!!

“kayo ba ang lapastangang nanakit sa aking pandak na panginoon?” malalim na boses at seryuso nitong sabi sa dalawa na ikinalukot ng aking mukha. Napaka kapal ng kaniyang mukha para sabihan akong p-pandak eh hindi naman totoo. Kunti lang

nakanguso akong pinag masdan ang spirito kong hilaw na nakikipag tagisan ng tingin sa dalawang masasamang nilalang na kumalaban sa amin

“puwede bang taposin mona ang dalawang iyan para makapag pahinga na ako‚ maaga pa akong aalis mamaya upang maipagamot ang aking kapatid” uyam kong sambit dito na ikinalingon niya sa akin saka mabilisang inirap kaya napa hagikhik ako dahil sa hindi maisaayos niyang pag irap

“wag mo akong utusan bata baka ikaw ang una kong patayin” aniya saka agad na sumugod sa dalawa. Halos hindi ko masundan ang galaw niya nakita ko nalang ang dalawang nakalaban namin na wala ng ulo at nasa kamay na ito ngayon ni bub. Nakakatakot pala ang isang ito‚ hindi kona siya babarahin pa

“bilib kana ba sa akin bata? wala pa sa limang porsyento ang inilabas kong kapangyarihan kaya ayusin mo ang tabil ng iyong dila kung ayaw mong ikaw ang sunod kong pugutan ng ulo” malalim na boses ang kaniyang gamit saka sinabi ang katagang iyon. Isang tango lang isinagot ko dito dahil sa labis na takot‚ bwesit kang espirito ka

hindi ko namalayan na napatagal na pala ang pag gamit ko ng kapangyarihan at ngayon ko lang naramdaman ang panghihina sa labis na kapaguran at pagkunsumo ng aking mana

“papa-ano naman kita maibabalik sa iyong templo bub? hindi na kaya ng katawan kong ipanatili ka sa labas dahil sa labis na panghihina” mahina kong sambit dahil sa parang nawawalan na ako ng ulirat. Huwag muna parang kanina ayos pa ako ah

“isa-isip molang na gusto mo akong ibalik sa libro at kusa akong babalik‚ hindi pa tayo tapos bata mag pahinga ka muna para may lakas ka sa susunod” aniya na sinunod ko naman at agad na inisip na gusto ko siyang maibalik sa libro at ganun nga ang nangyari tuluyan na siyang bumalik sa libro ko at agad naman itong nag sara saka bumalik sa lagayan ko sa beywang

“hindi pa tapos ang aming pag lalakbay. Kailangan kong maibalik ang aking lakas para hindi ako manghina sa susunod naming tatahakin”

______________________________________________

please vote and comment for more ud salamat!!❤️❤️

please follow me here for more ud alijore

xNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ