chapter 15

136 16 0
                                    

kiro’s PoV

pinag patuloy na namin ang aming naudlot na pag lalakbay kahapon dahil sa labanang hindi namin inaasahan‚ dalawang tao lamang iyon pero halos mamatay na kami mabuti nalang at nariyan si bub para sumuporta sa akin. Kung nag tataka kayo kung bakit gumaling si kira iyon ay hindi ko rin alam dahil nagulat nalang ako pag gising ko na wala na siyang ni isang sugat na para bang hindi dumaan sa labanan at ganoon din ang nangyari sa akin

nag pahinga muna kami saglit dahil mahaba-haba narin ang aming nilakad simula nung inumpisahan namin. Nag mumuni-muni lang ako sa magandang tanawin ng bigla akong tawagin ni kira

“kiro hindi ko alam kung bakit tayo gumaling pero kagabi naalimpungatan ako at napamulat dahil may nakita akong nilalang na lumapit sa iyo hindi ko iyon makilala dahil sa nakatakip ang kaniyang mukha‚ kita kong itinapat niya ang kaniyang kamay sa may bandang dibdib mo at umilaw ito kasabay nun ang pagkawala ng mga pasa mo. Hindi kaya ang misteryusong nilalang na iyon ang nag pagaling sa atin? ngunit bakit niya tayo tinulungan?” mahaba-habang ani niya na ipinag taka ko Kung ganun may nilalang ngang gumamot sa amin dahil sa pag kakaalam ko wala akong kakayahang mang gamot at sa sitwasyon naman ni kira hindi ko alam dahil sa tanang buhay ko hindi kopa ito nakitang nag pagaling ng kaniyang sarili

“kung sino man ang nilalang na iyon‚ ipag pasalamat nalang natin ang ginawa niyang tulong ngunit hindi ko alam kung sinseridad siyang tumulong ng bukal sa kaniyang dibdib o may iba siyang pakay kaya niya tayo ginamot” sabi ko naman

katapos nun nag patuloy na kami sa pag lalakad at makalipas ang may katagalang oras sa wakas nasa sentrong bahagi na kami ng aquire. Kita ko rito ang mga nag lalakihang empraisraktura at mga taong parang walang iniindang problema dahil sa kanilang ngiting napaka-lapad sa hindi mapigilang kasiyahan kusa akong napangiti habang nililibot ang aking paningin sa paligid

“napaka ganda ng sentrong bahagi ng iocreospea kira‚ hindi ko akalaing napaka-ganda dito” naibulaslas ko nalang sa labis na pagkamangha

“itigil mona ang pangkamangha mo kiro‚ mag pigil ka dahil kailangan nating mag hanap ng mapag tutuluyan ngayong gabi dahil bukas pa ang pag bubukas ng academía” biglang sabi ng katabi ko kasabay ng pag hablot sa akin at pag kaladkad sa kung saan, bwesit na babaeng ’to

ilang saglit pa ay natapos nadin ang pag kakalad-kad sa aking ng babaeng ’to. Minsan iniisip ko kung babae ba talaga ’to eh mas malaki pa ang katawan sa akin bosit

habang hinihimas ang palapulsuhan kong hinawakan kanina ni kira habang kinakalad-kad ako‚ rinig ko naman siyang kumakatok sa may hindi kalakihang bahay na para bang isang upahan

ilang saglit lang ay bumukas din ang pintong tinutok-tok ni kira at iniluwal neto ang may katandaang babae na nakangiting sumalubong sa amin‚ pansin ko din ang kaniyang pisnge na nangungulubot na

“magandang araw po manang ito po bang tahanan na ito ay pwedeng rentahan? kahit isang gabi lang po. Wala ho kasi kaming matutuluyan galing pa kami sa malayong nayon” malumanay kong sabi sa matanda. Balak sanang mag salita kanina ni kira ngunit inunahan kona ito dahil alam kong walang galang niya lang sasagot-sagotin ang matanda‚ mahirap na baka tuluyan kaming hindi papasukin

“sakto ang dating ninyo nag gagandahang binibini‚ bakante ang upahan ko ngayon dahil kaka-alis lang ng rumenta dito kaya maaari niyo itong tuluyan” ang nakangiting sagot naman ng matanda na siya ding ikinangiti ko

“magkano ho ang bayad sa isang gabing pag gamit ng tahanan na ito manang?” tanong ko ulit dito baka kasi hindi mag kasya ang pera na nakalikom sa suot kong bag

“isang ginto lang iho” balik niyang sagot sa tanong ko. Agad ko namang ibinigay sa kaniya ang isang ginto para hindi na namin problemahin ang bayarin mabuti na lamang at binigyan kami ni lola nita ng sampong ginto para sa gagastosin namin

pagkatapos ng tagpong iyon at tuluyan nanga kaming nakapasok sa nirentahan naming bahay at masasabi kong ang ganda ng loob nito ang simpleng dingding na gawa sa kahoy na may iba’t-ibang disenyo‚ magkabilaang kwarto sa bawat sulok at may kalakihang sala para sa kainan may maliit din na kusina na sakto lang para sa pangdalawahang tao

“mabuti na lamang at mabait ang matandang nag paupa sa atin dito‚ bukod sa hindi makaubos bulsa ang bayad maayos din ang disenyo ng bahay” biglang kong sambit habang lumalakad papuntang isang kwarto sa may bandang kanan at si kira naman sa kabila

pagkapasok ko sa kwarto ay ganun din ang disenyo neto. Hindi na ako nag likot-likot pa at agad na humiga sa may hindi kalakihang kutson at hindi rin nag tagal unti-unti ng pumipikit ang aking mata dahil sa antok pero may ibinigkas muna akong salita bago tuluyang makatulog

“bukas na ang simula ng aming pakikipag sapalaran sa academía naway gabayaan niyo po kami mga diyos at dyosa sa landas na aming tatahakin dahil nasa inyo po nakasalalay ang aming kapalaran”

______________________________________________

please vote and comment

kindly follow me here for more ud alijore

xWhere stories live. Discover now