Prologue

4 0 0
                                    

"Hi, Lishan." malambing niyang bati pagkapasok sa kwarto ko.

Kumunot ang noo ko. "What did you call me?"

"Lishan." malambing din ang kaniyang pagkakangiti.

"Don't call me that! Are you stupid? Hindi ba sinabi ko na sayo na ayoko nang tinatawag ako gamit ang first name ko?" inis kong sigaw.

Napaatras siya at inosente akong tiningnan. "Huh? N-Nalimutan ko na siguro na sinabi mo yan. Sorry, Lishan."

Napairap ako. "Shut up!" inis kong sigaw sa kaniya na ikinaigtad niya.

"A-Are you mad?" nakanguso niyang tanong at parang konti na lang ay iiyak na.

"No, I'm just annoyed."

Pinipilit kong maging kalmado dahil sa sinabi ni Dad na wag ko daw papaiyakin si Aiken or else, hindi niya ako bibigyan ng allowance for 1 year. At syempre, dahil ayokong mawalan ng allowance ay sumunod na lang ako kahit na ayoko talagang sumunod.

Bwisit kasi! Ba't ba ganito ang lalaking 'to?! Napaka-childish, napakainosente at napakalambing niya kaya nahihirapan akong pagsabihan siya ng masasakit na salita na nakasanayan ko ng gawin. Inaamin kong masama ang ugali ko pero ayoko naman na pati ang malambing at mabait na lalaking 'to ay idamay ko sa kalokohan ko.

Kung bakit kilala ni Dad si Aiken? Kasi mag-best friend si Dad tsaka yung Dad ni Aiken. At kung bakit ayaw ni Dad na paiyakin ko si Aiken? Kasi mahirap daw itong patahanin. Matagal din daw bago mawala ang tampo nito. In short, malala siya kapag inaway, sinaktan at pinaiyak mo. At ayoko ng gano'n. Ayoko sa mga iyakin at isip-bata. Maikli ang pasensya ko when it comes to those kinds of people.

"Lishan," tawag niya sakin habang sinusundot yung pisngi ko.

Inis ko siyang tiningnan. "What?!"

Napaigtad na naman siya na parang nagulat dahil sa sigaw ko. Shit. Hindi nga pala siya sanay na sinisigawan.

"G-Galit ka ba sakin, Lishan?" kumikibot-kibot ang labi niya palatandaang malapit na siyang umiyak.

Shit naman, eh! Ba't ba napakaiyakin mo?!

"No," napapabuntong-hininga kong sagot. "Come here." anyaya ko.

Nakanguso siyang lumapit sakin at kumikibot-kibot pa rin ang labi. Naluluha na rin yung mata niya na pilit niyang tinatabunan gamit ang kaniyang mga kamay.

Hinila ko ang kamay niya para mapaupo sa tabi ko. Nang makaupo siya ay humarap ako sa kaniya at pilit tinanggal ang  pagkakatabon ng kaniyang kamay sa kaniyang mga mata.

Hindi ko matanggal kaya naman napapikit ako at huminga ng malalim. "Aiken."

"B-Bakit?"

"Tanggalin mo yung kamay mo." utos ko.

Sa halip na sumunod ay umiling siya na ikinapikit ko ng mariin. Nabibwisit na ako. "Magagalit ako sayo kapag hindi mo yan tinanggal."

Hindi ko alam kung bakit yan ang sinabi ko. Sa totoo lang, nakornihan ako sa sinabi ko pero sa mga ganyan kasi napapasunod si Aiken. Isip-bata siya, diba? Tch.

Agad niyang tinanggal yung kamay niya sa mata at tiningnan ako pero agad din siyang umiwas nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

"O-Oh, ayan na. T-Tinanggal ko na. H-Hindi ka g-galit sakin, diba? D-Diba, Lishan?" nauutal niyang tanong habang nakanguso ng bahagya.

Parang bata talaga.

"No. Hindi ako galit sayo. Hindi galit sayo si Lishan." malumanay kong sagot bago siya hilahin palapit sakin at isubsob sa dibdib ko. Niyakap ko siya at hinimas-himas ang likod niya na animo'y nagpapatahan ng bata.

Agad naman siyang yumakap sa bewang ko at mas sumubsob sa dibdib ko. "S-Sorry na, Lishan. H-Hindi ko naman sinasadyang sundutin y-yung pisngi mo. A-Ang tambok kasi ng cheeks mo t-tapos ang soft kaya hindi ko napigilang sundutin." parang bata niya pang pahayag at mas hinigpitan ang yakap sakin.

Hays, Aiken. Nakaka-stress ka.

Yes, rude akong tao. Pero pagdating kay Aiken, nagiging ibang tao ako. Humahaba ang pasensya ko at hindi nagsasabi ng masasama at masasakit na salita. Pagdating kay Aiken, para akong ina na may iniintinding anak. Mabait, malambing at isip-bata si Aiken kaya para talaga siyang bata. Idagdag pa na cute siya at baby-faced. Aigooo!

Hindi ko siya sinagot at pinagpatuloy na lang ang paghimas sa likod niya. Maya-maya ay humiwalay na ako sa yakap at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.

Tiningnan ko siya sa mata. "Sa susunod nga Aiken, bawasan mo yung pagiging isip-bata mo." wala sa sarili kong sabi.

Taka siyang tumingin sakin. "Huh?"

Umiling ako. "Nevermind."

Binitawan ko na ang pagkakahawak sa pisngi niya at tumayo. Akma akong aalis para kumuha ng tubig nang hilahin niya ako sa kamay at paharapin sa kaniya.

Taka ko siyang tiningnan. "Bakit?"

Seryoso niya akong tiningnan which is ngayon niya lang ginawa. Sa mga nakalipas na buwan na magkasama kami ay hindi siya tumingin sakin ng seryoso. Palaging inosente o kaya malambing. In short, para talaga siyang bata.

"Thank you for understanding me, Lishan. I appreciate it a lot." pati ang pagkakasabi niya no'n ay parang hindi siya. Parang hindi siya si Aiken. Si Aiken na isip-bata.

Matapos sabihin yun ay yumuko siya at hinalikan ako sa magkabilang pisngi bago umayos ng tayo. Akala ko ay lalayo na siya pero hindi. Mas lumapit siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Tumagal ng ilang segundo ang halik niya sa noo ko bago siya humiwalay.

Nginitian niya ako ng sinsero bago maglakad palagpas sakin at lumabas ng kwarto ko. Naiwan akong nakatayo at hindi maiproseso ang nangyari.

What the hell just happened?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rude and SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon