Back-La

440 5 0
                                    

Vice

Nagising ako nang maramdaman kong wala na akong katabi. Karylle slept with me last night. Di na kami nailang dahil nung naging kami nung 3 months, Minsan na rin syang natulog dito sa Condo, Minsan ako naman yung nagsesleep over dun sa condo nya. I stood up nang may kumatok sa pinto. I opened the door and I saw her with a tray of foods.

"Ba't nag abala ka pa K? Pinapagod mo yang sarili mo e." sabi ko while helping her na dalhin yung pagkain sa loob ng kwarto.

"Pambawi ko lang 'to sa'yo. Adobo yan, Your favorite." sabi nya.

"Di mo naman kelangang bumawi e. It's my responsibility na ipaglaban ka sa taong masama." I said and smiled. "Tutal we're here naman. Share na tayo dito sa pagkain. It's 8:30 na at pupunta ka pa ng Showtime." dagdag ko.

"I know, Vice. Kaya nga pinaghandaan na kita e para makabawi ako kahit dito man lang. Sige, Share nalang tayo ng food." sabi nya so nagshare kami ng pagkain.

//

"Oh! Maligo kana. Ma-Late ka pa! Ihahatid na kita sa Studio." sabi ko sakanya.

"Huh? Dito ako maliligo, e wala akong damit dito." sabi nya saken.

"Dyan ka nagkakamali. Nandun sila Buern sa baba. Pinakuha ko na yung damit mo for today." sabi ko kaya lumabas na ako ng room para kunin yung gamit nya na pinadala ko kina Buern kanina.

"Nakoo! Girlscout ka talaga, Vice." sabi nya na sumunod saken pababa.

"Boyscout, Kurba." sabi ko hanggang tuluyan na kaming nakababa.

"Good Morning Meme. Good Morning Karylle! Eto na po yung damit na susuutin mo daw today sabi ng isa dyan. Di mo naman sinabi. Hairstylist ako, di delivery boy." sabi nya habang tumawa.

"Good Morning Buern. Sorry na. Si Kurba kasi." sabi ko and I laughed. "Oh Kurba. Eto na! Kaya maligo ka na dun. Malelate ka pa. As I've said, Ihahatid kita." sabi ko.

"Vice, You need to take a---" sabi nya kaya pinutol ko kaagad.

"I'm already fine. Take a rest lang sabi ng Doctor. Kung tutuusin, Pwede na 'kong magtrabaho e. No if's, No but's. Ihahatid kita. Kaya go and take a bath." Sabi ko kaya wala s'yang nagawa at umakyat ng kwarto to take a bath. "Ooops! Don't forget to bring towel. Kumuha ka sa Cabinet. Ayokong maghatid ng towel sa'yo. Baka ano na naman makita ko. HAHAHA!" dagdag ko.

"Tse Viceral. Tumahimik ka." sabi nya at tuluyan nang pumasok sa kwarto.

"Oy Ano yon? kayo na ulit? Diba sila pa ni Yael Meme? And, They're still married." sabi ni Buern.

"Ay nandyan ka pa pala? Hahahaha! Yeah, But I'm going to file and annulment." sabi ko.

"Tereeeeey! Kayo na pala ang mag-asawa ni Yael ngayon? di naman ako na-inform Meme." sabi nya and slightly laughed.

"Gagaaa! I mean i'll file an annulment for them. Muntik nyang saktan si Karylle kagabi at dito sa mismong pamamahay ko." sabi ko kaya lumaki naman ang mata ni Buern.

"Ano? Muntik saktan? Pano?" tanong nya.

"Yeah. Buti nalang at nandito nga ako. Ako lang yung nasuntok. Dahil kung wala, baka mawala na ang beauty ng Kurba ko. And I won't let him do that." sabi ko.

"Kwento ka Meme." sabi nya. "Ay upo muna tayo Meme. Nakakangalay kaya yung tatayo tayo lang tayo dito. Alam mo na, May edad ka na." dagdag nya and he laughed.

Chance || ViceRylleWhere stories live. Discover now