chapter 16

136 13 2
                                    

kiro’s PoV

“dito na mag uumpisa ang iyong itinakdang kapalaran kiro an—”

nagising ako dahil sa malakas na kalabog na narinig ko galing sa labas kaya nakabusangot akong bumangon saka kinapa ang bibig kung may tumulo bang laway

napa-isip ako kung sino ang babaeng nasa aking panaginip‚ hindi ko maklaro ang kaniyang mukha dahil sa malabo ito pero nakasuot ito ng isang napakagandang damit na abot hanggang tuhod kinulayan ng puti na may halong ginto sa bawat gilid nito‚ buhok na may kahabaan na may puro gintong kulay. Balat na napaka kinis halos hindi nadampian ng isang sugat

ano ang nais niyang iparating sa sinabi niyang iyon? aaaaah!! nakakatamad mag-isip mahayaan na ngalang

katapos kong mag ayos bumaba na ako at naabotan ko si kira na kumakain mag isa. Bwesit na babaeng ’to kung maka kain akala mo walang kasama

“oh gising kana pala kiro bad— bakit ka naman nakabusangot? tignan mo nga ’yang mukha mo halos hindi na maitsura sa kapangitan‚ bilis na umupo kana dito at maya-maya din aalis na tayo para mag tungo sa akademya” aniya saka bumalik sa pagkain. Ang totoo babae ba talaga ’tong kapatid ko kung umupo eh parang mas lalaki pa sa akin eh

inirapan ko nalang ito saka umupo kaharap ng kaniya at nag umpisang kumain

hindi rin nag tagal at natapos na kami at naligo. Nag paunahan panga kami kung sino ang mauuna dahil iisa lang ang banyo dito sa nirentahan namin at ayon ang babaeng tomboy ang nauna sa lakas ba naman mang-asar syempre susuko ka talaga

kasalukuyan kaming nag lalakad papuntang akademyang papasokan namin. Hindi na kami nag abala pang sumakay ng karwahe dahil malapit lang naman dito ang nasabing akademya. Nga pala kung sa mundo ng mga tao kotse ang gamit sa transportansyong panlupa dito naman ay karwahe ang hindi ko lang alan ay kung ano ang sinasakyan panghimpapawid

higit isang oras din ang aming nilakad hanggang sa matanaw kona ang malaking tarangkahan sa may hindi kalayuan at mga nilalang na nasa labas. Halos hindi mahulogang karayom sa dami ng nilalang na nag kukumpulan sa labas

dali na kaming lumakad at pumwesto sa huli sa kadahilanang napakaraming nag sisiksikan sa unahan na para bang hindi sila makakapasok

Ilang saglit lang din at unti-unti na ngang bumukas ang tarangkahan at isa-isang nag sipasok ang mga nilalang na nasa laba. Huli kami dahil mas pinili naming hindi makipag siksikan ayokong madurog ka-agad

nang tuluyan na kaming makapasok manghang-manga ako sa aking nakikita. Mga makukulay na bulaklak sa mga gilid‚ mga maliliit na diwata na nag liliparan sa puno at marami pang-iba. Natigil lang ako sa pag kamangha ng biglang may nag salita sa kung saan

“magandang umaga mga bata mamaya niyo na ipag patuloy ang inyong pagkamangha sa paligid at pumunta sa gyminasyum para sa pag susulit huwag kayong mag alala sa daan dahil kada madadaanan niyo ay may mga nakatalang direksyon”

sinunod namin ang sabi ng hindi pamilyar na boses saka nag umpisang mag lakad‚ at katulad nga ng sabi nung boses may mga nakatala ngang direkyson sa aming dinadaanan kaya sinundan namin ito at ilang saglit pa ay natungo na namin ang sinasabing gyminasyum at may mga nilalang din na nasa itaas nito na wari ko’y nasa matataas na posisyon basi sa kanilang magagarang kasuotan at mga aurong hindi pangkaraniwan

habang pinag mamasdan ang mga nilalang na nasa taas biglang tumayo ang nasa gitna at nag salita

“andito na ang lahat kaya hindi na natin patatagalin pa ito ako si headmaster rio na itinatalagang agad na uumpisahan ang pag-susulit hindi niyo na kailangang pang mag tala ng inyong mga pangalan dahil ang kinatatayuan niyo ngayon ay ginamitan ng mahikang tinatawag na information magic malalaman ng mahikang ito ang impormasyon ng kada-isa sa inyo kaya mapapadali ang talaan ng mga pangalan kaya ano pang hinihintay natin simulan na ang pag susulit!!”

“bago ito simulan‚ isa-isa kayong papasok sa loob ng dimensyon at iba’t ibang delikadong hayop ang makakaharap ninyo huwag kayong mag alala hindi kayo mamamatay sa loob may ikinabit akong polseras isa-isa sa inyo at kapag kumulay ito ng itim ibig sabihin talo na kayo pero may posibilidad na mapili kayo kapag may nakita kaming potensyal sa inyo”

“ang mekaniks ng laro ay kailangan niyo lang makakuha ng isang libong puntos at ang puntos na iyon ay mailalagay sa polseras na nasa kamay ninyo‚ walang may alam sa puntos ng bawat hayop na nariyan kung anong puntos ang naka lagay sa inyong polseras iyon ang halaga ng isang hayop na napatay ninyo”

“HUWAG NA NATING PATAGALIN PA ANG PAGSUSULIT UMPISAHAN NA!!”

napkahabang paliwanag ng isang lalaking hindi katandaan dahil sa tikas ng pangagatawan nito at mukha na may maipagmamalaki

habang pinag mamasdan ang headmaster bigla itong tumingin sa akin at ngumiti kaya nagulat ako ng kaunti bago siya ngitian pabalik nang biglang may isang bilog na mahika o tinatawag na magic circle ang pumorma sa aking kinatatayuan at kusa akong nilamon. Para akong masusuka na ewan dahil sa ganitong transportasyon parang iyong lagusan lang na pinasukan namin dito

Ilang saglit lang at tuluyang bumagsak ang pwetan ko sa isang madahong lupa. Luminga-linga ako sa paligid upang tignan si kira pero ni-anino niya ay hindi ko mahagilap

hiwa-hiwalay nga ang lahat na susubok sa pag susulit‚ hindi na ito panaginip nasa totoong labanan na ako kaya kailangan kong mag handa para maka isang libong puntos

“ang aking kalbaryo ang nag sisimula na‚ mag antay ka bloody dawn academía makakapasok ako sa paaralan mo”

______________________________________________

mabilisang ud lang ’to mga isang oras at kalahati lang ang ginugul ko sa pag susulat nitong chapter 16 dahil ukupado ang isip ko ngayon pero dahil ayaw kong pag hintayin ang dalawa kolang na readers nag ud parin ako‚ do vote para ganahan ako lalo nyeheh

please follow me here for more updates alijore

xWhere stories live. Discover now