Chapter seven

224 9 0
                                    

Chapter seven

Napabuntong hininga nalang si Rafael habang nakatingin kay Rea. Hindi nya talaga akalain na darating si Rea at magpapakita sakanya. Masaya syang makita muli si Rea pero hindi parin nya lubusang maisip kung ano ang magiging reaksyon ni Eika kapag-nalaman nya at nakita nya si Rea.

Alam nyang hanggang maari ayaw ni Eika na makita uli ang mga taong konektado sa panloloko na ginawa nila sakanya kaya naman ayaw pa talaga nyang iharap ito kay Rea, itagtag pa na maaring magalit sakanya si Eika pag-nalaman nya iyon.

Nakapamewang na pumihit pahara si Rea sakanya.
"Paki-explain nga sa'kin architect Valerio kung ano'ng ginagawa dito ng ex ng kaybigan mo?" Naniningkit pa ito habang nagsasalita.
Muling napabuntong hininga si Rafael bago sumagot.
"Dinala ko sya para makalimutan ang sakit na araw-araw nyang dinadala pag-pumapasok sya sa trabaho." Tugon nya dito.
Naihagot ni Rea ang buhok nya pataas.
"Seriously? Bakit?"
"Hindi ko alam.... Nung una pero ngayon may higit na akong dahilan para ipag-stay sya rito."
Hindi sumagot si Rea pero alam nitong hinihintay nyang sabihin nya kung ano ang tinutukoy nyang dahilan.

"Rea, girlfriend ko na sya. Mahal ko si Eika."
Kumurap-kurap si Rea tsaka impit na tumili. "Talaga? Congratulations! Sa wakas at nakahanap ka na rin ng babaeng mamahalin." Masayang sabi nito. Mababasa ang kaligayahan para sakanila ng dalaga. Mabait si Rea at alam nyang suportado ito sa kahit ano'ng magiging desisyon ng mga kaybigan nya basta tama at hindi mali.
Nagkamali lang naman sya kaya nagawa nilang sumuong sa isang relasyon na hindi lang para sakanila, pero kaya nga sya umalis ay dahil sa umaasa syang maayos ang nasira nya pag-umalis sya,
Pero walang nangyari dahil kahit umalis na ito ay hindi na nagkabalikan ang dalawa.

"Alam mo, hanggan ngayon nakokosensya parin ako sa kasalanan namin sakanya." Nahahapong napaupo sya sa isang kahoy na upuan.
Sinundan lang sya ng tingin ni Rafael at hindi nagsalita.
"Kung puwede lang akong kumapit sakanya at kausapin sya, gagawin ko mapatawad nya lang ako."

Umupo na rin si Rafael sa tabi nya at hinawakan ang kamay nyang nakapatong sa hita nya.
"Wag kang mag-alala, pag-kaya na nya, ako pa ang mag seset-up sainyo."

Ngumiti ito ng maliit pero bigla rin nawala nang may maalala syang tanongin.
"Rafael, sabi mo 'ayaw mo akong makita ni Eika, bakit? Dahil sa hindi nya parin ako napapatawad?"

Umiling si Rafael at tumingin sa malayo. "Hindi yon," umiling sya at muling binalingan si Rea.
"Hindi nya pa kasi alam na magkakilala tayo at alam ko ang lahat ng nangyari sa paggitan nyong tatlo.

Namilog bigla ang mga mata ni Rea.
"A-anong ibig mong sabihin? Naging magkarelasyon kayo ng hindi nya alam ang koneksyon mo sa'min?" Gulat na bulyaw ni Rea.

Malungkot na tumango ito.
"Oo, pero kasi kahit gaano ko kagustuhin na sabihin sakanya hindi ko parin magawa dahil alam ko na kamumuhian nya ko pag-nagkataon dahil ganon ang nararamdaman nya kay Belle." Muli syang huminga ng malalim.
"At alam ko rin na hindi sya matututong mahalin ako kung maaga nyang nalaman ang lahat."
Si Rea naman ngayon ang humawak sa kamay nya.

"Robi, kung mahal ka talags nya, mapapatawad ka nya kahit sino ka pa sa'min dalawa ni Jack."
Ngumiti lang sya ng maliit. Hindi nya alam kung ano ang dapat isagot dito, ang alam nya lang ay nakaharap nya na ang kinatatakutan nya sa lupa, yon ay ang mawala sakanya ang babaeng minamahal nya.

Hindi manlang tinignan ni Eika si Rafael nang pumasok ito sa loob ng tinutuluyan nyang kubo.
Diretsyo lang ang tingin nya sa harap habang magulo ang buhok at nakaupo sa kahoy na upuan don.

"Hindi ka daw lumalabas?" Pagputol ni Rafael sa katahimikan. Mula kaninang umaga ay hindi pa nga sya lumalabas ng kubo na tinutuluyan nya. Matapos nyang makita na magkausap si Rafael at si Rea ay hindi pa nya nakita uli si Rafael dahil umalis daw ito kasama si Rea na bisita nya, ngayon nalang nya ulit ito makakausap pero hindi naman sya makaimik dahil hindi nya alam kung saan nya sisimulan ang pagtatanong kung paano sila nagkaroon ng kaugnayan ni Rea.

Our journey to falling in love.(completed)Where stories live. Discover now