chapter 18

131 16 1
                                    

THIRD PERSON POV

hindi makapaniwala ang mga propesor sa kanilang nasaksihan sa dalawang nilalang na sumasabak sa pagsusulit‚ hindi pangkaraniwan ang kanilang kabihasaan sa pag gamit ng mahika lalo na ang babaeng may kulay kahil na buhok.

manghang-mangha sila dahil sa pagiging matapang ng babae sa kaniyang nakalabang isang mythical animal na hindi pangkaraniwan dahil ang parang liyon na iyon ay isa sa mga gawa ng reyna ng mga buwan labis nalang ang kanilang gulat ng walang pag hihirap itong napaslang ng babae.

ang isa pang ikinamangha nila ay ang lalaking nasa kabilang dimensyon na nakikipag laban sa isang ahas na kayang mag anyong tao walang may alam sa kanila kung anong klase itong hayop dahil sa katagal-tagal nilang nag tuturo sa akademyang ito wala pa sila ni isang nakitang may lumabas na ganung klaseng hayop kaya labis silang nag taka pero may isang may alam ng lahat.

“hindi ko madiskobre ang iyong tunay na pagkatao pero nakikita kita sa aking dating matalik na kaibigan na si zara ang kinikilalang  pinaka malakas na majikera ng iocreospea”

kiro’s PoV

kasalukuyan parin akong nakikipag tuos sa halimaw na ito at masasabi kong ang lakas niya‚ hindi ko kayang sabayan ang kaniyang mga galawa kung kaya’t nag dami ko ng nakuhang mga galos galing sa kaniyang mga suntok at sipa.

nais ko mang pakawalan ang isa kong spirito ngunit baka mag taka ang mga propesor sa taglay kong kapangyarihan‚ ang tanging alam lang nila ay ang aking mahikang itim hindi ang librong hawak ko kaya kahit na kailangan ko ng ipalabas si bub hindi parin pwede.

“hanggang sangga ka nalang ba ng aking atake bata? huwag mong mamaliitin ang aking mga suntok at sipa dahil wala pang sino man ang kayang makagawa ng ginagawa ko” biglang sabi niya na ipinag taka ko. Anong wala pang sino man ang kayang gumawa ng ginagawa niya eh halos siyam na po’t siyam na porsyento sa mundo ng mga tao ay kayang sumuntok eh“kung ganon hindi mo pala napansin ang aking mahikang ginagamit habang nakikipag laban pwes sasabihin ko sa’yo. Ang aking suntok ay hindi lamang ordinaryong suntok dahil may kasama itong enerhiya na nanggagaling sa aking sariling majika na hindi kayang gawin ng ibang quirians iyon ang ipinag kaiba ko sa isang simpleng suntok”

kung ganon kaya pala hindi ko siya makayang sabayan iyon ay dahil nakakaya niyang mag palabas ng majika sa kaniyang kamao at mapanatili itong sumusuporta sa ginagawa niyang pag suntok‚ hindi ko akalain na sobrang lakas ng nilalang na ito. Wala na akong magagawa pa kung hindi palabasin ang nag iisa kong alas‚ hindi maaaring matalo ako sa laban na ito.

“Precipio hunc librum porta demonum Beelzebub aperire spiritum gulae”

mahina kong bulong. Kusang natanggal sa lagayan ko ang aking libro at bigla itong nag bukas at huminto sa ikalawang pahina at lumiwanag ng panandalian.

nawala na ang liwanag at ang resulta nito ay ang aking nag iisang spirito.

“iyan pala ang iyong tinatagong alas bata‚ hindi ko akalain na isa kang may kayang mag palabas ng itim na majika pero bakit wala akong maramdamang intensyon ng pag paslang sa iyong katawan?” tanong niya na ikinangiti ko‚ hindi ko man lubusan pang kilala ang mundong kinatatayuan ko ngayon pero alam kong marami sa mga nilalang ang may ayaw sa itim na majika dahil ang pagkakaalam ko galing ito sa masasamang angkan tulad ng mga may itim na rubang nakalaban namin noon.

“bub ikaw na ang bahala” malumanay kong sambit saka ito nilingon. Wala na akong lakas para makipag tagisan pa at hindi rin mag tatagal mawawala na si bub dahil unti-unti ng nauubos ang manang nanggagaling sa aking katawan at kapag makipag laban pa ako baka hindi ko na kayanin at tuluyan na akong mahimatay sa gitna ng laban.

THIRD PERSON POV

gulat akong rumehestro sa mukha ng lahat ng mga propesor sa nasaksihan sa batang nakikipag laban sa ahas dahil sa inilabas nilang kapangyarihan nito‚ isang puting kapangyarihan na bihira lang maipagkaloon ng diyosa ng liwanag.

lingid sa kaalaman ng lahat na pawang kasinungalingan lang ang kanilang nasaksihang majika na nanggagaling kay kiro dahil ng mailabas niya ang kaniyang majika ay bigla ding may ipinalabas na kung anong mataas na lebel na ilusyon ang katunggali niyang ahas para walang sino man ang makadiskobre sa tunay niyang majika at akalain ng lahat na isa itong puting majika at isa pang ginawa niya sa kaniyang ilusyon ay pinapakita dito na bugbug sarado siya ni kiro kaya mas lalong namangha ang mga propesor sa nasasaksihan nila.

“hindi pa ito ang tamang oras para ipalabas mo ang iyong tunay na kapangyarihan bata‚ malalagot ako sa iyong inay kapag may mangyaring masama sa iyo. Nakakatakot pa naman magalit ang babaeng ’yun” ani ng babaeng ahas sa kaniyang isip.

“bata hindi na natin pwedeng patagalin ang laban na ito‚ gustohin ko mang labanan kapa ay hindi na pwede dahil baka patayin ako ng iyong ina” biglang sambit ng babaeng ahas kay kiro. Halata naman ang gulat sa mukha ng binata dahil sa kaniyang narinig mula sa babaeng ahas.

“b-bakit? hindi ba’t kailangang matalo muna kita para makapasok ako sa susunod na pag subok” ani naman ng kiro habang nakakunot noo na ikinabungisngis naman ng kaniyang katunggali habang si bub naman ay handang-handa ng sumugod tanging senyas nalang ni kiro ang kaniyang inaantay.

“kusa akong susuko bata at maging iyong spirito kung ito’y ayos lang sa iyo pero dapat mo akong pahintulutan dahil hindi pwedeng hindi” sabi ng babae.

“bakit pa ako pinapapili kung gusto ko siyang maging spirito kung siya lang din naman pala ang mag dedesisyon‚ ang hirap intindihin ng mga babae. Mabuti nalang at isa akong bading” sambit nito sa kaniyang isip.

hindi rin nag tagal at ginawa na ng dalawa ang dapat gawin pero bago iyon pinapasok muna ni kiro si bub dahil baka tuluyan siyang mahimatay. Wala naman nagawa akong demunyo at nakabusangot itong bumalik sa libro.

natapos na ang ritwal na ginawa at tuluyan ng nasa pangangalaga ni kiro ang babaeng ahas at kasabay nun ang pagkawala ng ilusyon.

“natutuwa akong maging isa sa iyong spirito bata‚ tulad karin ng iyong ina mabait pero hindi kopa nakikita ang iyong katapangan kaya sana ay malinang mo kaagad ang iyong kaisipan sa mundong iyong bagong ginagalawan”

______________________________________________

hi sensya kung hindi ko pinatuloy ang laban‚ baka kasi tamarin na kayong mag basa sa susunod eh. Pero babawi ako kapag may magandang plot

vote & comment and please follow me here for more ud alijore

xWhere stories live. Discover now