(Phone conversation)
12:02 PM
Silas:
(Deep voice) Ano 'yon?Magnus:
Ampota. Tanghali na, tulog ka pa ba?Silas:
Hoy, nag-edit ako kagabi kahit Sabado. Malamang, tulog pa 'ko. Ano 'yon? Inaantok ako...Magnus:
Kaya ka pala 'di nagko-comment kahit naka-tag ka ah.Silas:
Gago ka. Tumawag ka lang ba dahil sa post mo?(Inaudible noises) (Echo) (Muffled noises)
Magnus:
Oo, siyempre. Alangan namang tumawag ako para kumustahin ka. Gold ka na niyan. (Laughs)Silas:
(Pause) Ba't parang may echo ka? Saka parang ang lakas ng audio mo.Magnus:
Malakas? (Muffled noises) Baka 'di ka lang sanay na tinatawagan ka. Kawawa ka naman.Silas:
Trashtalker ampota. (Laughs) Ano nga 'yon? Bababa ko na 'to. Paulit-ulit ako nagtatanong.Magnus:
'Yong sa post ko nga kasi. May gusto ngang mag-apply sa 'yo. Pa-apply-in ko ba?(Pause)
Silas:
Sa 'kin gusto at hindi sa 'yo? Bakit? Ano nakain? O baka gutom? (Laughs)Magnus:
Gago ka. Alam kong mas guwapo ako sa 'yo pero--Silas:
Wala na pala kuwenta usapan, baba na natin. Bye--Magnus:
Sandali! (Laughs) 'Tang ina ka. Sayang effort kong tumawag kung ibababa mo lang. (Laughs)Silas:
Muntanga ka kasi. (Laughs)Magnus:
Ikaw nga kasi gusto. Nakailang tanong ako. Bigay ko ba number mo?Silas:
Ayoko. Pass.Magnus:
Bakit pass? Wala ka ba balak mag-girlfriend?Silas:
Meron.Magnus:
O, meron naman pala.Silas:
Pero hindi iba. Okay? Pakisabi na lang do'n sa babae na ayoko.Magnus:
'Di mo man lang tinanong kung sino 'yong babae.Silas:
'Di nga kasi ako interesado.Magnus:
Eh pa'no kung si Chacha? (Laughs)Silas:
Hindi ako dapat ligawan ni Chacha, tanga. Siya dapat ang nililigawan.Magnus:
Nililigawan mo?Silas:
Nanghuhuli ka. Baka nagre-record ka pang tanga ka. Wala kang mapapala sa 'kin.Magnus:
(Laughs) Tanga ka kasi. (Laughs)Silas:
Pero alam kong hindi si Chacha 'yan dahil nagde-date pa sila ni Mateo. Hindi naman talkshit si Chacha sa ganyan. Kaya 'wag mo 'kong niloloko.Magnus:
(Laughs) Hindi nga si Cha. Pero tatlong babae 'to.Silas:
Wow. Mga gutom ba 'yan? Pakainin mo ng tanghalian.Magnus:
Kagabi pa nanghihingi, tanga.Silas:
Kagabi pa 'tapos 'di pa nakakalimot? 'Di pa ba nahimasmasan? (Laughs)Magnus:
'Tang ina ka. (Laughs) Seryoso ngang sasabihan kong ayaw mo? 'Di mo itatanong kung sino-sino nanghihingi number mo?Silas:
Hindi na dahil hindi ako interesado.Magnus:
Sige, bahala ka. Bumangon ka na diyan, tanghalian na.Silas:
Alam ko. Pabangon na talaga 'ko.Magnus:
Punta ka ba ro'n sa office?Silas:
Doon? Ba't parang wala ka office? Nasa office ka dapat, ah. Sayang pa-air-con ni Ro do'n kung wala ka lagi.Magnus:
(Laughs) Lumabas lang ako para kumain.Silas:
Sa'n ka kumakain? Ba't wala akong naririnig na ingay? Nakikipagchismisan ka lang yata eh.Magnus:
(Laughs) Wala ka na ro'n. Punta ka nga sa office maya? E-edit ka sa office o sa studio ni Ricky?Silas:
Sa studio ako para puwede akong matulog 'pag inantok ako.Magnus:
May edit din sina Cha ro'n mamaya.Silas:
Alam ko.Magnus:
Naks. Updated 'yan as a friend?Silas:
(Laughs) Alam ko lang. Isyu ka.Magnus:
Utot mo. 'Di mo 'ko maloloko.Silas:
(Laughs) Wala akong paki sa 'yo. Tama na kadadaldal mo nang makakain ako.Magnus:
(Muffled noises) Ayaw mo padalhan kita pagkain? (Laughs)Silas:
Ba't nakakaduda tawa mo?Magnus:
(Laughs) Bilisan mo sumagot habang galante ako.Silas:
'Tang ina ka, baka pagti-trip-an mo pagkain.Magnus:
Hindi, lods. Bait ako, lods. (Laughs)Silas:
'Ge, padalhan mo 'ko.Magnus:
Ano gusto mo kainin?Silas:
Kung ano lunch ni Cha.(Pause) (Muffled noises)
Magnus:
Ampota.Silas:
Makichismis ka na kung ano lunch ni Cha 'tapos 'yon ipadala mo sa 'kin.Magnus:
Parang ayoko na padalhan ka.Silas:
Siraan kita kay Jelena.Magnus:
'Tang ina ka. (Laughs) Sige na, tanungin ko si Cha kung ano lunch niya.Silas:
'Ge, 'ge. Ba-bye sa 'yo at kung sinuman kachismisan mo diyan. Halatang-halatang naka-loudspeaker ako, 'tang ina ka.Magnus:
(Laughs) 'Di ka naman pala gano'n katanga.Silas:
Oo, gago ka.Magnus:
(Laughs) 'Ge.Call ended.
BINABASA MO ANG
Hashtag Boys Series 2: #StupidLove (Silas)
RandomKabit advocate-masaya on the outside, madugo on the inside. Bakit ka tanga, Silas? Sagot ni Silas, oo. *** Si Silas, isang masayang kabit. Si Alice, isang panatag na may kabit. Si Chacha na nanonood lang, hindi masaya at hindi panatag sa kanilang...