three

1.8K 59 6
                                    

Omniscient

Nagulat naman si Regina at napatingin agad kay Narda nang hawakan nito ang kamay niya na nasa ibabaw ng lamesa.

Ramdam na ramdam na niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya nang makita itong nakangiti, yung ngiting alam niya magiging maayos ang lahat sa kanilang dalawa.

“Dadalawin kita palagi Regina” saad nito kaya agad siyang natulala ng bahagya sa dalaga.

“Kung pakiramdam mo nag-iisa ka, nandito lang ako palagi para sayo” malumanay pa nitong sabi na laging nagpapagaan ng kalooban niya.

Like Narda always know what to say whenever she feels uneasy or something's bothering her, isang salita lang nito, nagiging okay na siya and that is one of the traits that Regina likes Narda so much. Para bang talent na nitong pagaanin lagi ang nararamdaman niya.

Regina pursed her lips then just nodded slightly to her.

Naramdaman niyang humigpit ang hawak ni Narda sa kamay niya.

“Regina sabihin mo lang sakin kung kailangan mo ko ha? Pangako kong pupuntahan agad kita” sinserong pagkakasabi nito habang nakatingin sa mga mata niya.

‘Kailangan kita minu-minuto Narda, I badly need you everyday’

Tumango na lamang siya at hindi na lang sinabi ang nasa isip niya.

Thank you Narda, always”

🌠🐍

“Nasaan pala si Ali? Hindi ko na siya nakita pagpunta ko” tanong ni Narda habang pinapanood si Regina maghugas ng pinggan.

Muntik pa nga sila mag-away kung sino ang maghuhugas ng pinggan kanina pero ayaw talaga papigil ni Regina, she reason out na si Narda na kasi ang nagluto at bisita siya so she insisted na siya na maghugas ng mga ginamit ni Narda kanina sa pagluto pati na rin ang pinagkainan nila.

Anong laban ko dito eh abogado to? Hinding hindi talaga siya magpapatalo sa mga arguments’ ani ni Narda sa isip kaya hinayaan na lang niya si Regina gawin ang gusto niya kesa humaba pa ang diskusyon nilang dalawa dahil lang sa kung sino ang maghuhugas ng pinggan.

“I got him do some errands for me today so wala siya ngayon” sagot nito habang abalang nagbabanlaw ng mga pinggan, tumayo naman agad si Narda at tinulungan si Regina magpunas at ibalik ang mga pinggan kung saan ito nakalagay kanina. Ngumiti na lang si Regina at hinayaan na lang siyang tulungan ni Narda.

“So kanina ka pa walang kasama?” Tanong ni Narda habang pinupunasan ang mga natirang plato.

“Not really” rinig nitong sagot ni Regina.

Agad siyang naestatwa nang bigla siyang yakapin ni Regina kaya napatigil siya sa ginagawa niya.

“You're here already so I'm not alone anymore Narda” saad ni Regina habang yakap siya.

Ngumiti na lamang siya at marahang niyakap pabalik ang dalaga.

🌠🐍

“Stay here na muna, ako naman maliligo, I already set everything na so wait for me na lang” saad agad ni Regina after maligo ni Narda. Nakapagpalit na rin siya ng damit kaya umupo na muna siya sa kama ni Regina habang pinapatuyo ang kanyang buhok. Habang si Regina naman ang nawala dahil siya naman ang sumunod na naligo.

Maliligo pa ba siya? Ang bango na niya kaya’ ani na lang ni Narda sa isip ngunit nagkibit-balikat na lang.

Ngayon lang nakapasok si Narda sa kwarto ng kaibigan niya kaya nilibot na lamang niya ang kanyang paningin ulit. The room is so vast, malayong malayo sa kwarto niya sa kanila, it looks elegant like Regina. Masasabi mong kwarto talaga niya dahil sa itsura nito, the room is even full of Regina's scent and for Narda, it was so relaxing staying there dahil parang hindi naman nawala si Regina sa tabi niya.

Ilang minuto siyang naglibot sa kwarto bago makitang nakabukas ang malaking TV ni Regina, ‘Netflix? Heto yata yung sinasabi niyang sinet-up niya kanina habang naliligo ako’ saad ni Narda sa isip.

“Manonood kami ng movies?” Nasabi na lang niya ulit at nagulat siya nang sagutin siya ni Regina.

“Yes, I actually don't know what movie genres you prefer to watch so ikaw ang bahala mamili Narda” biglang saad nito paglabas niya palang ng bathroom.

“A-ako? Ikaw Regina?” Parang wala sa sarili sagot ni Narda dahil na-distract na agad siya sa suot ni Regina.

Bathrobe lamang ang suot nito paglabas at nakaikot ang tuwalya nito sa ulo, diretcho lang itong tumabi sa kanya sa kama at naging abala na maglagay ng lotion sa katawan.

Tumikhim na lang si Narda at nag-focus na lang sa paghahanap ng movies sa TV.

“Kahit ano naman na movie sakin okay lang, I just want us both to enjoy the movie so ikaw na lang papipiliin ko” rinig niyang saad nito sa tabi niya pero parang nililipad ang isip niya ngayon. Nasa movies ang mata niya pero ang utak niya nag short-circuit na yata dahil ngayon na lang nag-sink in sakanya na matutulog sila ni Regina sa kama nito nang magkatabi.

Wala naman masama roon pero bakit kinakabahan na lang siya bigla.

SleepoverWhere stories live. Discover now