chapter 17

1K 26 0
                                    

LOVELY




"BUNSO " masiglang pagtawag ni ate sa akin pagkalabas pa lang niya sa ospital na pinagtatrabahuan niya


nakaupo ako sa isa mga bench sa gilid ng ospital kung nasaan ang garden nila dito na tambayan din talaga namin nila ate kapag binibisita namin siya dito sa trabaho niya


agad akong tumayo ng makita kung malapit na siya ang ganda ng ngiti ni ate sa akin ngayon at akala mo talaga taon kaming hindi nagkita samantalang almost two weeks lang naman kaming hindi magtugma ang schedule

"bunso thank you talaga sa pagsundo ah .. ang sweet talaga ng bunso namin " naglalambing na sabi ni ate at agad pang kumapit sa braso ko inuuto pa talaga ako


"ate ano ba ! " kunwaring inis namang sabi ko

galing sa hotel ay dito ako dumiretso para sunduin siya gaya ng bilin ni ate jess wala kasing sasakyan si ate jem ngayon


ilang linggo na nga ang nakalipas nang matapos ang date kuno namin ni steffan at simula din noon ay wala na akong balita sa kanya na mas naging pabor naman sa akin upang mas matimbang ko ang tunay kung nararamdaman para sa  kanya


maging ang naging pag uusap namin ni ate kinagabihan nun na nung una ay nagpagulo pa lalo sa aking isip ay ngayon ay masasabi ko na rin malaking tulong upang intindihin ang aming sitwasyon


napag isip-isip ko ng itigil na ang pagtulong kay steffan para kay ate dahil naiintindihan ko nang hindi ko talaga kayang pilitin ang mga bagay-bagay ayun lamang sa kagustuhan ko siguro kung mas maaga ko lamang nalaman na si ate ang gusto niya at kung sana ay wala pa sa eksena si kuya gustavo ay hindi magiging kumplikado ang lahat


"ang arte naman eh alam ko namang lab na lab mo naman talaga ako diba? " pagpapacute pa ni ate at talagang parang batang nagbu-beautiful eyes pa

"hmmpft ! hindi no gusto ko lang magpalibre kaya ako pumayag na sunduin ka " pagkakaila ko pa na sinusubukan siyang pikunin


"ouch! ganyan kana sa akin ngayon samantalang dati- " hindi natuloy ni ate ang gusti pa niyang sabihin dahil tinakpan ko agad ang bibig niya eto na naman kasi kami sa kunwaring pagdadrama niya


"hep tama na ate baka kung ano pa masabi mo diyan eh.. " nakasimangot nang sabi ko alam ko na kasing titirahin na naman niya ako sa mga bagay na nakakatawang ginagawa ko noong mga bata pa kami


at mukhang tama nga ako dahil tinawanan na lang niya ako

kalaunan ay naglakad na kami papunta sa kung saan nakapark ang kotse ko at gaya ng dati ay sa parking lot ito ng isang sikat na coffee shop katabi ng ospital nila mas malaki kasi ang parkingan doon dahil sa bandang likuran ito ng establisyamento


"ano ba kasi sira ng kotse mo ? " tanong ko habang naglalakad kami


"ewan ko nga eh sabi ni manang baka bukas pa niya mapapunta si mang berting sa bahay para matingnan " nakasimangot na sabi niya saka humilig sa balikat ko ang clingy talaga


"so hanggang bukas kitang hatid sundo ganun? " tanong ko kaya naman doon siya nag angat sandali ng tingin sa akin at muling nagpacute bago muling humilig sa balikat ko


"sorry na bunso ayoko namang laging makisabay kay ate jess mo alam mo na mas busy yun kesa sayo " hirit pa niya at binuntutan pa ng tawa


STEFFAN MBS #2[COMPLETED]Where stories live. Discover now