chapter 19

122 15 0
                                    

kiro’s PoV

kasalukuyan kaming narito sa dyminasyum dahil sa ikalawang pag-susulit‚ narito rin si kira dahil isa siya sa mga nakapasa. Pansin ko din ang pag kunti ng mga kalahok sa pagsusulit‚ marahil ay hindi nakapasa ang iba‚ swerte ko na ngalang at nakapasa ako

“maligayang pagbabalik mga quirians nakita ng lahat ng mga propesor ang inyong mga ipinamalas na kapangyarihan at talinto sa pakikipag laban marami ang nakita kong may potensyal ngunit may mas nangibabaw sa lahat. Sa pagtapos ng pag-susulit ko nalang sasabihin kung sino ang mga quirians ito‚ ngayon ating sisimulan ang ikalawang pag susulit na tinatawag na matira ang matibay”

“labanan sa loob ng arena‚ ang mekaniks ng pag susulit ay panatilihin ang iyong sarili na nakatayo dahil kapag napatumba ka ng iyong nakatunggali wala ng pangalawang pagkakataon agad kayong papalabasin sa lugar na ’to at uuwing walang dalang magandang balita”

“kaunting paalala lamang ipinagbabawal ang patayan sa pagsusulit na ito‚ ipakita niyo lang ang inyong galing at huwag itong sobrahan para hindi makapatay ng kapwa niyo manlalahok‚ HUWAG NA TAYO MAG PALIGOY-LIGOY PA ATIN NG UMPISAHAN ANG IKALAWANG PAGSUSULIT!!”

mahabang litanya ng punong guro at katapos nun ay biglang nagkaroon ng paunti-unting imahe ng isang empraisraktura na nagpamangha sa akin dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganitong majika habang pinag mamasdan itong unti-unting nagkakaroon ng isang may kalakihang arena ng biglang mag salita ulit ang punong guro

“ang kapangyarihan na iyan ay galing sa isang propesor na isa sa sumasaksi sa inyong pagsusulit‚ ang majikang iyan ay tinatawag na omni magic halos magkasing katulad ito ng regeneration magic pero iba ang kanilang pamamaraan‚ ang regeneration magic ay kayang maibalik ang nasirang bagay ngunit ang omni magic naman ay kayang gumawa ng isang bagay. Naipaliwanag kona sa inyo ang kapangyarihan ng isang propesor kaya huwag na nating patagalin pa‚ SIMULAN NA!!”

katapos niyang sabihin iyon ay agad na kaming pumunta sa isinagawang arena ng isa sa mga propesor at masasabi kong sobrang ganda ng kaniyang mahika

“UULITIN KOLANG BAWAL ANG PATAYAN. PAG PUTOK NG MAGICAL BOMB NA NASA KAMAY KO DOON NIYO SISIMULAN ANG INYONG IKALAWANG PAG SUSULIT”

“ISA!!”

“DALAWA!!”

“TATLO!!”

pagkatapos ng bilang na iyon ay ang pag tapon ng Bomba sa taas at pag putok neto ang hudyat na mag sisimula na ang ikalawang pagsusulit kaya isa-isa ng nag pakitang gilas sa pag lipad ang mga lalahok pero ito kami ni kira nag lalakad na parang wala lang‚ sa ayaw naming lumipad eh may magagawa ba sila

pagkapasok namin sa arena ay nag uumpisa na ang labanan pero nahinto ito ng makapasok kami ni kira at napunta sa amin ang atensyon ng lahat

nagkatinginan ang mga manlalahok sa isa’t-isa at tumango-tango‚ alam ko ang ibig sabihin ng nais nilang gawin kaya lumingon ako kay kira na may nakapaskil na ngisi sa labi at ganun din sa kaniya

“kung sinuswerte kanga naman‚ may mapapatumba ka agad tayong dalawang bagohan” biglang sabi ng nasa gitna na mau kulay dilaw na buhok na wari ko’y kidlat ang abilidad

“hindi niyo ba kami babatiin mga mangmang?” nang-uuyam na ani ni kira habang may ngisi sa mga labi‚ kita ko naman ang inis sa mukha ng lalaking may dilaw na buhok‚ hindi na ako nagulat ng mag pakawala ito ng atake at hindi nga ako nagkamali‚ isang kidlat ang kaniyang majika. Hindi na masama para sa isang mayabang

“hindi ba kayo nasisindak sa aking kapangyarihan mga mababang uri? dapat niyo akong kataku—” hindi niya pa natatapos ang nais niyang e-litanya ng agad ko siyang sinugod at katapos nun bigla nalang siyang natumba at nawalan ng malay

“mahina” bulong ko saka nilingon si kira na may ngisi sa labi‚ nginisihan naman din ako nito saka nag simula ng umatake

habang abala siya sa pag atake ako naman ito tinitignan lang ang kaniyang bilis na parang magkaisa sila ng hangin‚ kung sabagay hawak niya nga pala ang abilidad ng hangin kaya hindi imposibleng kaya niyang maki-isa dito

habang pinag mamasdan si kira na nakikipag laban may naramdaman naman akong kalakasang enerhiya na papalit sa akin kaya nag linga-linga ako sa paligid at hindi nga ako nagkamali. May isang water ball na palapit sa akin kaya wala na akong inaksayang oras at agad itong inilagan agad namang nagpakita ang isang babaeng may kulay dagat na buhok

“nakakahanga ang iyong pandama ngunit tignan natin kung saan ang kayang lampasan ng panda mong iyan” aniya saka binigyan ako ng makahulogang ngiti. kung ganon’

“water lacrima!!” sigaw niya sa binitawan niyang spell saka may nabuong napakalaking balud sa aking harapan at dahan-dahan itong lumalapit sa akin

ayaw ko mang biguin ang binitawan niyang mahika ngunit ito ay isang pag-susulit hindi ko maaaring isuko ang aking gustong makamit para lang sa inaasam niya. Kung nag tataka kayo kung bakit ko ito iniisip iyon ay dahil sa kaniyang makahulogang ngiti na ang nais ipahiwatig ay hindi ko gustong kalabanin ka pero wala akong magagawa’ iyon ang pagkaka intindi ko

hindi pa tuluyang lumalapit sa aking ang kaniyang mataas na lebel na majika nang agad akong nag cast ng spell

“prohibere” at agad na huminto ang kaniyang majika sa kinalalagyan nito‚ kita ko ang gulat sa kaniyang mukha basi sa ekspresyon neto. pasensya pero mas pipiliin ko nalang sabay kaming manalo kesa isuko ang gusto ko. Alam kong mabuti siyang tao dahil nararamdaman ko ito kaya pababagalin ko ang takbo ng aming labanan para sabay kaming manalo

“p-papa-ano mo iyon n-nagawa?” nauutal niyang bigkas saka dahan-dahang inalis ang kaniyang mahikang nakahinto

“handa akong hilingin ang nais mong iparating sa iyong ngiti kanina pero hindi ako mangangakong sabay tayong makakapasok sa bloody dawn academía” makahulogan kong banggit kita ko naman ang galak sa kaniyang mukha kaya hindi ko din maiwasang mapangiti pero sandali lamang iyon dahil inumpisahan kona ang aking pag atake at ganon din naman siya

Natapos ang oras at kapwa kaming nakatayo habang may ngiti sa mga labi

maraming salamat sa iyong pag tanggap sa aking nais‚ makaka-asa kang susuklian ko ang iyong kabutihan”

______________________________________________

pasensya na at ngayon lang nakapag ud‚ kakagaling kolang kasi galing sa lagnat potek na iyan pero ito na kahit masakit ulo ko nah ud parin ako para sa inyo mysyeue

please vote & comments and follow me here for more ud alijore


xWhere stories live. Discover now