chapter 20

125 12 2
                                    

kiro’s PoV

natapos na namin ang ikalawa sa tatlong pag susulit at iisa nalang ang aming dapat pag handaan‚ hindi ko akalaing triple ang mababawas sa mga kalahok na nakapasa sa unang pag susubok dahil halos hindi humigit kumulang isang daan nalang kaming narito ngayon sa gyminasyum

“nagagalak akong makita na marami-rami ang may potensyal sa taong ito kaya hindi na natin patatagalin pa at isisiwalat na natin ang inyong huling pag susulit‚ ito ay tinatawag na standing one kung saan isa lang ang maaaring mangibabaw‚ ang pag-susulit na ito ay mas delikado kumpara sa inyong unang dalawang pag susulit dahil kung sa pangalawang pagsusulit bawal ang pumatay dito sa ikatlo ay pwede para manatiling nakatayo kailangan mong depensahan ang iyong sarili gamit ang majika na iyong tinataglay”

“walang responsibilidad ang akademya sa kung ano man ang mangyare sa inyo dahil kusa kayong pumasok sa delikadong hantongan ng inyong mga buhay kaya dapat niyo itong panindigan. Sa mga quirians na naduduwag maaari niyong lisanin ang lugar na ito at bumalik sa kaniya-kaniya ninyong mga tahanan dahil KAHIT KAILAN HINDI KAILANGAN NG BLOODY DAWN NG ISANG NILALANG NA MAHINA ANG LOOB KAYA KUNG MAY NATITIRA PA KAYONG LAKAS NG LOOB UPANG MAG PATULOY MAARI NATING SIMULAN ANG HULING PAG SUBOK!!”

“MAY NADUDUWAG BAAA?!” malakas na sigaw ng punong guro at isang nakakabinging hindi naman ang narinig ko sa mga taong nakapasa sa ikalawang pag-susulit‚ hindi din naman sila dapat matakot dahil nalampasan nila ang dalawang delikadong pag susulit pero mas malala ngalang ang ngayon dahil kahit sa brutal na paraan ay gagawin nila para lang sila ang tanghaling panalo‚ may kaba pero nangingibabaw ang diterminasyon kong manalo

“nakakatuwang marinig iyan mula sa inyo na handa kayong isugal ang sarili niyong mga buhay para lang makapasok sa bloody dawn‚ bago mag simula ang inyong pag susulit nais kolang sabihin na ang inyong ginamit na arena kanina ay into paring gagamitin ngayon‚ huwag kayong mag-alala dahil nalinisan na ito”

“ang mekaniks ng laro ay isa laban sa isa‚ kapag ikaw ay nanalo opisyal kanang studyante ng bloody dawn at kapag ikaw naman ay natalo magkakaroon ka ng tiyansang lumaban sa isa pang natalo at kapag ikaw ang nanalo sa laban pwede kanang umabante at maging isang ganap na studyante ng bloody dawn‚ MALIWAG NABA SA INYO ANG DAPAT NINYONG GAWIN?!”

sigawan naman ulit ang aking narinig kaya hindi ko mapigilang mapatakip ng tenga dahil sa labis na ingay

“huwag na natin patagalin pa‚ narito ang inyong mga pangalan sa malaking talaan na ito at kapag ang pangalan niyo ang naisulat sa talaan kayo ang lalaban at ganun din sa inyong magiging katunggali” paliwanag ng punong guro na nag patango sa lahat

Ilang saglit pa at biglang lumipad ang talaan at lumiwanag ito‚ hindi naman tumagal ang liwanag at agad din itong nawala saka may nakasulat ng pangalan dito

narito na sa talaan ang unang dalawang pangalan na mag lalaban para sa inaasam na pag pasok sa akademya‚ bumaba na kayo lia drejo at kira Morgananunsyo ng punong guro sa unang magkatunggali. Hindi ko maipapangakong mabubuhay ang makakalaban ni kira pero sana naman magkaroon ng awa itong babaeng ’to kahit kunti

agad namang bumaba ang dalawa at saka ko pinag masdan ang kalahok na makakalaban ni kira at masasabi kong may ibubuga ito dahil sa kaniyang itim na awra nakasuot ito ng kulay itim na mahabang bistida at may magagandang desinyo sa bawat gilid neto saka pinarisan ng kaniyang sunbrerong patulis ang dulo at may hawak na isang wand‚ kung ganun isang mangkukulam ang makakaharap ni kira

“HINDI KONA PAHAHABAIN PA ANG LABANANG ITO DAHIL MARAMI-RAMI PA ANG LALAHOK KAYA ANG UNANG LABAN SIMULAN NA!!” sigaw ng punong guro na agad naman sinunod ng dalawa

kita kong unang sumugod ang babaeng mangkukulam pero hindi manlang natinag si kira sa kaniyang kinatatayuan at may nakapaskil pang ngisi sa mga labi neto

“hindi ko alam kung kaaawaan niya ang babaeng mangkukulam pero sana naman kahit puruhan niya nalang ’wag niya lang patayin” nag-mamakaawa kong bulong habang pinag mamasdan ang pag atake ng babae kay kira

balak sanang sipain ng babae si kira ss mukha pero nahuli ito ni kira at agad na binalibag‚ kasabay nun ang pagtalon niya palapit sa babaeng mangkukulam‚ hindi paman siya tuluyang nakakalapit sa babae ng bigla itong tumalsik dahil sa mahikang tumama sa kaniya

agad namang tumayo si kira habang paskil parin ang nakakalokong ngisi sa kaniyang mga labi. Alam kong mag pinaplano itong babaeng ’to base sa kaniyang ekspresyon sa mukha‚ tuso ito kung makipag laban kaya hindi ko ito matalo-talo

sa kabilang banda naman nakatayo ang babae habang pinapagpagan ang kaniyang paldang nadumihan gawa ng pag balibag ni kira at masamang niya itong tinignan

dali-daling sumugod ulit ang babae habang pinuposesyon ang kaniyang kamay at may binibigkas na salita na wari ko’y gumagawa ng isang malapitang atake papunta kay kira pero hundi pa neto tuluyang natatapos ang kaniyang spell ng tumalipon ito dahil sa mabilisang sipa ni kira na kahit mga mata ko ay hindi masabayan ang kaniyang liksi

agad namang tumayo ang babae at mahahalata mo ang hirap neto dahil sa dalawang malapitang atake ni kira‚ pasalamat siya at nakatayo parin siya sa atakeng iyon dahil hindi lang basta suntok iyon may enerhiyang bumabalot sa bawat suntok ni kira kaya kahit isang tama lang ang tumama sa iyo malaki naman ang pinsalang dulot neto‚ paano ko nalaman? ako ’yung ginawa niyang punching bag dati eh

pansin kona nanan ang mahinang pagbigkas ng babaeng mangkukulam hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid at isang napakalaking bulalakaw ang dahan-dahang lumalabas mula sa itaas na ikinagulantang ng lahat dahil sa rinig kong singhapan ng mga ito tinignan ko ang mga propesor at gulat din ang nakarehestro sa kanilang mga mukha

“a-anong nangyayari?” mahina kong bulong saka binalikan ng tingin ang babaeng mangkukulam at isang ngiti lang ang nakapaskil sa mukha nito na ipinapahiwatig na siya na ang mananalo sa labanan kaya binalingan ko ng tingin si kira pero laking gulat ko ng makitang mas lalong lumaki ang ngisi sa mga labi nito

“diyos ko nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo pero nagagawa mo pang ngumisi ng nakakaloko”

“i-iba ka talaga kira”

______________________________________________

do votes & comments and please follow me here for more ud alijore


xWhere stories live. Discover now