CHAPTER 28

8.9K 436 62
                                    

Kinabukasan ay nagising akong may ngiti sa labi dahil naalala ko ang mga nangyari kagabi. Sobrang memorable at para saakin ang romantic. Napatitig ako sa taong katabi ko ay mas lumapad pa ang ngiti ko nang makitang mahimbing siyang natutulog habang nakalagay sa waist ko ang braso niya at nakaunan naman ako sa kabila. Ang sarap nang tulog ko tapos ang gaan nang pakiramdam ko ngayon.

Ilang minuto ko siyang pinagkatitigan at hindi parin ako makapaniwala na engaged na kami. Hindi man lang kami dumaan sa in a relationship status. Hindi talaga siya nagbibiro noong sabihin niyang gusto niyang dalhin ko ang surname niya. Damn this possessive Devil, gusto kasal agad.

" Good morning Beast." She hoarsely utter kaya napalunok ako. Gosh ang hot naman ng fiancee ko. Hanggang ngayon hindi parin ako nasasanay sa get up naman tuwing umaga. 'Yong siya ang makikita ko bago matulog at paggising. We are like live in partner niya. Parang binahay ko lang siya.

" G-ood morning Devil." I greeted her at lumayo nang konti kasi baka bad breath ako, nakakahiya.

Pumikit ulit siya at hinapit ako papalapit sakanya at niyakap. Ramdam ko ang bilis nang tibok ng puso naming dalawa. " I'm excited to call you wife." Bulong niya na ikinapula ko. " Pwede bang dalhin na agad kita sa altar?" Sa sobrang kilig ay niyakap ko nalang siya at siniksik ang mukha ko sa bandang dibdib niya.

" The flash ka ba ha? Masyado kang nagmamadali. " I commented.

" Napepressure ba kita? I'm sorry but I'm willing to wait naman kung kelan ka ready magpakasal. I'm just happy that you say yes last night. Sapat na 'yon saakin. Wala namang problema if  gusto mo pang tuparin ang pangarap mo bago tayo magpakasal. " She explain. Napangiti naman ako dahil kinoconsider niya parin ang kapakanan ko.

" I'm happy too. I love you." I mumble.

" I love you more. Always and forever." She reply at lumayo nang konti para mahalikan ang noo ko. Gosh she's so sweet. Ito talaga ang dahilan kaya nafall ako sakanya. Hindi lang siya thru flowering words dahil ginagawa at pinapakita niya rin thru actions.

We cuddle muna bago kami ginawa ang morning routines. Doon siya sa kwarto ko naligo para hindi na siya maghintay. Sabay din kaming bumaba at himala dahil naabutan pa namin ang parents ko sa dining table. They greeted us and we greeted them back. Tinukso pa kami kung kamusta ba daw ang gabi namin as engaged couple. Siguro kung hindi si Avrielle, hanggang ngayon strict parin saakin si Dad sa pakikipagrelasyon. Halata naman talagang favor ang parents ko kay Avrielle simula noong una palang pero hindi ko aakalain na ibinigay nila ang blessings nila kay Avrielle kahit walang assurance na mamahalin ko siya. Siguro masyado lang silang confident na mahuhulog din ako kay Avrielle eventually.

Habang nasa biyahe kami papuntang school ay magkahawak kamay parin kami while she's driving. Hindi rin mabura sa labi ko ang ngiti. Shet kinikilig kasi talaga ako. Parang kailan lang single pa ako tapos ngayon  engaged na.

Dumating narin kami sa school at nauna siyang lumabas para pagbuksan ako nang pinto. Such a gentlewoman. Kinuha niya saakin ang bag ko at siya na ang nagdala. Magkahawak kamay kaming naglakad papuntang classroom kaya agaw atensyon kaming dalawa. Some of them are taking pictures. Kitang-kita ko din ang mga paghanga nila kay Avrielle. Narinig ko pa ang bulungan tungkol sakanya na ang hot and pogi niya daw kagabi. Siguro ay nakaattend sila nang birthday party ko kagabi.

" See you later." She said nang nasa tapat na kami nang room. I nodded my head.

" Sasabay kaba saaming maglunch mamaya?" I ask at kinuha ang bag ko sakanya.

" Do you want me to?" Instead she ask.

" Of course. " Agarang sagot ko. Napangiti naman siya at tumango.

Dealing with the beast ( Valle d'Aosta Series 4)|COMPLETED|Where stories live. Discover now