Chapter 45

2 0 0
                                    

Nanlalaki ang dalawang mata ko. Gulat na gulat. Tiningala ko si Bryce. He's so fucking handsome! Pero hindi iyon yung point. He's just standing there, looking at me. Umigting ang panga niya nang magsalita si Adrian.

"Are you okay?" Tanong ni Adrian na hindi ko na nilingon.

"What are you doing?" Kahit kinakabahan ay nagawa kong itanong iyon sa lalakeng kaharap. Tiningnan niya muna si Adrian bago ako binalingan.

"You're getting married, is this what you do behind your fiance's back?" Sarkastiko niyang tanong. Narinig kong in-excuse ni Adrian ang sarili at umalis pero wala akong pake.

"Ano ba ang pakealam mo?" Tumayo ako at nilabanan ang titig niya. Kung galit siya ay mas galit ako.

"Concern lang. I've been cheated once." Seryoso niyang sagot. Kumunot ang noo ko. Sino naman ang may kayang lokohin siya? Matagal kaming magkarelasyon pero hindi ako nagloko. Never.

"Talaga?" Sarkastiko kong tanong.

"Uhh.. Quish, sayaw lang muna kami." Paalam ni Kessi at mabilis na umalis kasama si Nasha. Hindi ko sila nilingon.

"Just mind your business, Bryce." Malumanay kong sagot. Nahihilo na ako. Kung hindi ako nakainom ay lalabanan ko ang titig niya. Tahimik akong umupo sa sofa. Hinubad ko ang blazer ko. Napapikit ako nang maramdaman ang hilo dulot ng alak. Nawala ang tapang ko. Naramdaman kong umupo si Bryce sa tabi ko. Not saying anything.

"Kung concern ka kay Findlay, salamat pero hindi kami ikakasal," nakapikit kong sinabi. Fuck, alcohol.

"What do you mean?" Tanong niya.

"We're not getting married kung hindi ka nakakaintindi ng tagalog." Sarkastiko kong sagot.

"But the article---" -Bryce.

"Fake news," putol ko sa dapat ay sasabihin niya. Hindi siya nagsalita.

"But you're dating, right?" Nag-iingat niyang tanong. Dumilat ako at nilingon siya na nasa gilid ko lang. Titig na titig sa akin. Gusto kong hawakan ang mukha niya. Mula sa noo hanggang sa baba ay perpekto ang pagkakahulma ng Diyos sa kanya. Handsome. Iwinaksi ko ang naisip.

"Friends kami," nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan. Sa twing nakikipagtitigan ako ay nahuhulog ako sa kanya.

"No, you're not." Matigas niyang sinabi.

"Edi ikaw magdesisyon," walang emosyong sagot ko. Ngayon ko na-realize na hindi ako makakamove on sa kanya. Ewan. Seeing his face just make me fall for him, deeper. Kung hindi pa ito deeper ngayon, idk what deeper means.

"Are you sure?" Seryosong tanong niya. Nilingon ko ulit siya. For the last time, tinitigan ko ang mukha niya. Ang daming last, Quish ah. Sasaulohin ko ang bawat sulok ng mukha niya. This will probably be the closest I can get before he goes back to wherever, to that girl. Wala sa sarili akong napangiti nang malungkot.

"What are you thinking?" Naguguluhan niyang tanong. Umiling ako.

"Yes, I'm sure." Sagot ko. Ignoring his last question.

"So you don't have a boyfriend?" Nagtatakang tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin at umiling. How can I have a boyfriend after him? He really has no idea how much I love him. Na hanggang ngayon, siya pa rin.

"Wait here," sabi niya bago umalis. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Ofcourse sa table nila. He was just concerned because he thought I was cheating on Findlay that's why he came here. What were you thinking, Quish? That he was jealous? In your dreams.

Nang nakita kong kinausap niya ang babaeng kasama ay agad akong tumayo para lumabas. So much with trying to forget him. Why not accept the fact that he's unforgettable?

Embracing the Cold Where stories live. Discover now