CHAPTER ONE: 10 Let's Play

13.8K 353 74
                                    

CHAPTER ONE: Let’s Play

“Impyerno ang magiging pangalawang tahanan niyo! Maghintay kayo sa magiging parusa niyo!”

            Matapos ang sampung taon, binisita muli ng magkakaibigang sina Celina, Nadine, April at Emma ang puntod ng kanilang kaibigang si Coleen. Ang ilan sa kanila ay matagumpay na sa kanilang napiling karera sa buhay maliban kay Emma.

            Isang sikat na singer na ngayon si Celina, si Nadine naman ay nagmamay-ari na ng isang sikat na 5 star hotel samantalang si April naman ay isa ng modelo. Tanging si Emma lang ang walang narating sa kanila dahil sa maaga nitong pag-aasawa na naging dahilan nito upang siya ay hindi makapagtapos.

            Ngayon ang ikasampung anibersaryo ng pagkamatay ni Coleen matapos masangkot sa isang malagim na trahedya. Hanggang ngayon ay nalulungkot pa rin sila sa sinapit ng kaibigan.

            “It’s been ten years…,” malumanay na sabi ni Celina.

            “Pero hindi pa rin natin matanggal sa isip ang nangyaring iyon,” saad naman ni Nadine habang nakatingin sa puntod ni Coleen.

            Tila sariwa pa rin ang bakas ng kahapon sa kanilang mga alaala. Ramdam pa rin nila ang takot na nadama noong gabing iyon. Maituturing nila na isang bangungot ang pangyayari na iyon na ayaw na nilang balikan pa kailanman. Tinatakot sila ng bangungot na iyon kahit mulat ang kanilang mga mata.

            “Kung hindi lang talaga natin ginawa ang bagay na iyon, siguro hindi mangyayari ang lahat ng ito,” nagsisisi namang sabi ni Emma. Kahit siya, nangangatog pa rin sa nangyari.

            “Cheer up, guys. Isang dekada na ang lumipas kaya move on na. Baka nga pati si Coleen ay naka-move on na,” masiglang sabi ni Diane para makalimutan ang bagay na nagpapaalala sa kanila ng takot.

            Nanatiling tahimik ang iba matapos ‘yon. Nakatingin lang sila sa puntod ni Coleen. Nagsindi sila ng kandila at nag-alay ng bulakalak sa puntod tulad ng nakagawian. Sabay-sabay rin nilang ipinikit ang kanilang mga mata at nag-alay ng dasal para sa yumaong na kaibigan.

            “Lord, kung nasaan po ngayon si Coleen, sana po ay maging masaya siya sa piling Niyo…”

            …at sana po ay mapatawad Niyo po kami sa aming mga naging kasalanan kay Coleen,” sabay-sabay nilang sambit na dasal.

            Umihip bigla nang malakas ang hangin. Dumampi ang kakaibang lamig sa batok ni Emma dahilan para magsitaasan ang kanyang balahibo. Tila isang yelo ang ipinatong sa kanyang batok dahilan naman para mapatingin siya sa likod.

Seeking Bloody Mary (Published Under VIVA-PSICOM)Onde histórias criam vida. Descubra agora