Chapter Twenty Two

164 11 0
                                    

Chapter Twenty Two

Nakangisi si Fheby habang kaharap ang mga lalaki ngayon na kumuha sa kanya. Alam naman nya ang pakay ng mga ito sa kanya, iyong pera sa loob ng bagpack.

"Asan na?"

"Hindi ko nga alam."

"Kitang kita namin sa cctv na ikaw yung lumabas sa golf club na may dala ng bagpack kaya ilabas mo na."

"Wala nga sakin!"

Nasampal sya dahil doon bago hinatak ang buhok nya.

"Tangina ka! Hindi sayo ang pera kaya ilabas mo na!"

"Tanga ka ba o bobo? Wala nga sa akin!"

Akmang hahampasin sana sya uli ng bumukas ang pinto. Bahagya pa silang nasilaw bago nya naaninag kung sino ang pumasok na may kasunod na mga tauhan.

"Kahit ilang beses pa kayo magtago, alam nyong mahahanap ko kayo!"

Narinig nya ang boses ni Stephen kaya nabuhayan sya ng loob.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I'm taking Miss Nivadura with me, at kayo?" Sinenyasan nito ang mga kasamang pulis. "Sa presinto na kayo magpaliwanag."

Nilapitan sya ni Stephen at marahang binuhat, ngumiwi sya sa pagkirot ng sampal sa kanya at nalasahan pa ang kaunting dugo sa may bibig nya.

"Prosecutor Paredes,"

"Kayo na bahala sa mga yan."

"Opo."

Sinakay sya ni Stephen sa passenger's seat ng sasakyan at sinuri pa ang dugo sa labi nya.

"Good thing I tracked your cellphone and Isla called me. Nag aalala sya."

"Nasa Isla Verde pa ba tayo?"

"We're in manila. Gagawin nang lahat ng maaaring involve sa pera na mahanap iyon at ikaw ang huling nakitang may hawak ng bagpack."

"Wala akong sinabi sa kanila."

Stephen nodded. "I'll take you to the hospital bago tayo babalik sa Isla Verde."

Tumango nalang din sya at umayos ng upo. Medyo masakit ang pagkakasampal sa kanya nung lalaki.

"Stephen, okay na nga ako."

"Take a rest first."

"Baka mag alala lang lalo si Isla."

"I already called her."

Nang masigurong ayos na sya ay nagpasya na silang umalis na dalawa. Her phone rang, ang bilis nyang sinagot nang si Regina ang makita sa screen.

"Regina?" Umahon sya pagkakaupo at pumasok sa balkonahe.

[Hey, I was at the airport now. Nasa manila ka ba?]

"Oo. Bakit ka umuwi? Delikado, Regina."

[I just wanted to talk to you about something.]

"Magkita tayo bukas. Magpahinga ka na muna."

[Alright. Andyan na yung sundo ko. Bye, Fheby!]

She ended the call, pumasok sya uli sa loob. Walang bakas si Stephen sa loob ng condo nito kaya bumuntong hininga sya. Umilaw ang cellphone nya at nakita ang text galing may Stephen. May inasikaso lang ito saglit sa labas at babalik din mamaya.

Pinakialaman nya ang bawat papel na nakita nya doon. Kalaunan ay huminto na din sya at nahiga sa kama.

[Fheby, are you really okay?]

Island Series: Fheby Klaire NivaduraWhere stories live. Discover now