chapter 22

128 12 0
                                    

kiro’s PoV

kanina pa inanunsyo ng punong guro ang nanalo sa unang laban at si kira ang itinanghal dahil napatumba niya ang kaniyang katunggali saka kakatapos kolang din siyang sermonan dahil sa kaniyang kagagahan pero parang wala lang din sa kaniya lahat ng sinabi ko‚ paano ba naman kasi habang salita ako nang salita siya naman panay ang irap at hindi inalintana ang mga litanya ko kaya pinabayaan ko nalang at tinuon nalang ang pansin sa laban‚ wala din naman akong mapapala sa isang ’to

kaunti nalang kaming natitira sa labas ng arena dahil halos lahat ay nakipag laban na at ang nga nanalo ay may naka reserba ng upuan sa at kasama na dun si kira

“ang susunod na lalaban ay sina kiro morgan at ang nag-iisang anak ng heneral sa kaharian ng quire walang iba kundi si zack alvares!!” anunsyo ng punong guro sa susunod na mag lalaban at laking gulat ko ng ako na ang sasabak a-at isang anak ng heneral ang m-makakalaban k-ko?

kahit may kabang nararamdaman hindi kona iyon pinag tuonan ng pansin at agad na tumayo para pumunta sa arena at kita kodin ang pag tayo ng isang lalaking may katangkaran na nakasuot ng isang pulos puting damit na sa wari ko’y isang mamahalin dahil sa mga nakakabit na mga diyamante sa bawat parte neto hindi ko halos makita ang mukha neto dahil ito’y umuuna sa’kin. Agad naman itong lumipad patungong arena gamit ang kaniyang m-majika? a-akala koba h-hangin lang ang puwedeng makalipad b-bakit a-apoy ang gamit ng isang iyan?

“mister kiro morgan kung iyong mamarapatin maaari bang pumunta kana sa arena para makapag umpisa na ang laban dahil marami-rami pa ang kalahok na susubok. Kung nababahag ang iyong buntot maaari kanang umuwi dahil hindi kailangan ng akademya ng mahinang nilalang” seryusong sambit ng punong guro na ikinaigting ng mga tenga ko pero nanatili akong kalmado at sinunod ang kaniyang sinabi na pumunta sa gitna ng arena

hindi rin nag tagal at tuluyan na akong nasa gitna ng arena at kaharap ko ngayon ang sinasabi ng punong guro na anak ng heneral‚ base sa tindig neto masasabi mo ngang galing ito sa mataas na pamilya ang kaniyang suot na napaka garbo ang mukhang nag pabagay sa kaniya dahil sa angking kagwapohan neto at ang kaniyang katangkaran na mas ikinadagdag kagwapohan niya

“tapos kanabang pag masdan ang aking mukha binibini?” maloko nitong ani na ikinagulat ko ng kaunti at inayos ang aking tindig saka iniwas ang tingin dito

“hindi na natin patatagalin pa ang laban‚ SIMULAN NA!!” pagkatapos ng hudyat ng punong guro ang agad namang pag sugod sa akin ng lalaki mabuti na lang at nailihis ko ang aking mga bewang kung hindi natamaan na sana ako ng atake sipa niyang iyon

agad kong ipinosesyon ang aking mga kamay at ako naman ang sumugod dito para makipag palitan ng atake. Balak ko sanang suntukin ang ilalim ng kaniyang baba pero agad niyang nahuli ang kamay ko pero bago pa siya makagawa ng susunod na kilos ay agad kong tinanggal ang kaniyang kamay na nakahawak sa akin at agad na dumestansya para maka bwelo pero laking gulat ko ng makita ko agad siya sa aking harap na nakangisi buti nalang nasangga ko ang suntok niyang iyon gamit ang aking kamao pero may kaunting sakit akong naramdaman dahil sa buto niyang tumama dito tumalon ako paatras para maiwasan ang susunod niyang atake at para rin maka kita ng butas mabuti nalang at hindi ito sumugod at nanatili sa kaniyang pwesto kanina

“hindi ko alam na ang isang mababang nilalang na katulad mo ay kaya akong sabayan‚ tignan natin kung saan ang kaya mong gawin” bigla niyang sabi na ikinaigting ng panga ko‚ walang pinagkaiba ang mundo ng mga tao sa mundo ng mahika magkatulad na magkatulad parin ito‚ kapag nasa mababang uri ka aalipustahin ka

dahil sa kaniyang sinabi mas ginanahan akong labanan siya‚ sisiguradohin kong matutumba ang nilalang na nasa harap ko ngayon at ipapamukha ko sa kaniya ang kaniyang minaliit

hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad na sumugod dito pero hindi pa ako tuluyang nakakalapit ng bigla ako nitong batohan ng may kalakihang bilog na apoy na ikinagulat ko kaya hindi ko naiwasan dahilan para tumilapon ako at napa aray dahil sa sakit ng likod ko gawa ng pag tama ko sa pader

dahan-dahan akong tumayo at hindi inalintana ang sakit ng katawan‚ pagkatapos kong tumayo agad akong sumugod palapit sa lalaking katunggali ko at nag palabas na naman ito ng bolang apoy na agad ko namang inawasan at ng tuluyan na akong makalapit agad kong pinadapo ang aking mga paa sa kaniyang tagiliran pero nasangga lang niya iyon gamit ang kaniyang kamay. Balak ko sanang suntukin ang gilid ng kaniyang mukha ng bigla itong nawala at naramdaman ko nalang ang paparating na atake sa akin galing sa likod na agad ko namang naiwasan

hindi ko alam kaya niyang mag laho‚ kung sa bagay isang heneral ang ama hindi nalalayo ang kaniyang dugo sa mga maharlika o hindi kaya isa siyang maharlika

agad kong isinantabi ang aking iniisip st agad na nilingon ang lalaking nasa aking likuran kita ko ang ngisi sa kaniyang mga labi‚ kung ganon

“tapos na ang laro‚ humanda kana dahil dito na ang bagsak mo anak ng heneral”

______________________________________________

ang gulo nito pero intindihin niyo nalang haha‚ sorry kung madaling araw kung ako’y mag ud ganoong oras ako ginaganahan eh

please vote& comment and do follow me here for more ud alijore

xDonde viven las historias. Descúbrelo ahora