Chapter 3

11.3K 294 11
                                    

"DAGDAGAN mo na lang ang pasensya mo at makulit talaga 'yan," wika ni Jackie sa kaibigan niyang si Mikee na pansamantalang humahawak sa ilang mga pasyente niya.

"May crush 'ata kasi ito sa 'yo ang lolo na 'to, eh," wika naman ni Mikee.


Tumatawang umayos si Jackie ng upo bago pumindot sa laptop. In-email kasi sa kanya ni Mikee ang lab results ng pasyente. Dahil mahina ang internet connection sa bahay nila, kinailangan niyang tumambay sa kaisa-isang coffeeshop sa San Joaquin na may free wifi.

"Maaalala ko pala," ani Mikee. "May balita ka na sa scholarship?"

Ang clinical training grant ang tinutukoy nito. "Wala pa nga, eh. Pero ganitong time last year may result na."

"I'm sure pasok ka do'n."

"Hindi ko muna iniisip. Nakakakaba," aniya. "So, paano, i-check ko muna 'tong mga pinadala mo then I'll get back to you?"

"Sige, later na lang," anito at pinutol na nito ang tawag.

Muli na sanang titingin si Jackie sa laptop niya nang mahagip ng tingin niya si Leslie. May hawak itong papercup at lilinga-linga.


She was obviously looking for an empty table. Pero imposibleng may maupuan ito. Puno ang coffeeshop.

Itinaas ni Jackie ang kamay niya. "Leslie!"

Napalingon naman agad sa direksyon niya si Leslie. Halatang nagulat ito nang makita siya.

Alam ni Jackie na naiilang si Leslie pagkatapos ng pagkakakilala nila kagabi. Pero isinenyas niya na puwede sa table niya.

Lumapit si Leslie. Alanganin ang naging pagngiti. "It's okay, Jackie. Baka makaistorbo ako. I'll just go drink this coffee elsewhere."

Umiling si Jackie. "I insist. May dala kang iPad, I'm sure makiki-wifi ka din 'gaya ko," aniya. Iginilid niya ang laptop niya. "There you go."

Ipinatong ni Leslie ang mga gamit nito sa lamesa. "Thanks," anito bago naupo. "Mahina kasi ang connection sa resort."

Ipinilig ni Jackie ang ulo niya. Buong akala niya kagabi ay sa bahay nina Yael ito tumutuloy. "Doon ka nagi-stay?"

Tumango si Leslie. "Oo, kasama ko ang friends ko. Pero umuwi na sila kanina. Iniwan na ako kasi nakahanap ako na project dito ngayon. 'Yong house nga ni Yael."

Ngumiti si Jackie. "That's nice. Nakahanap ng work habang nagbabakasyon."

"Kaya nga, eh," anito. Bahagyang ngumiti. Tumikhim."Jackie, 'yong kagabi pala..."

Iwinasiwas niya ang kamay niya. "Okay na 'yon. It's been nine years. Yael and I... we've moved on."

Because Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon