A guy named Trent
"Eto nga kasi yung gusto ko." sabay dikit niya sakin ng isang fitted red tube dress na three inches above the knee "Oh diba? Bagay na bagay, ang galing ko talaga pumili kahit kailan!"
"Masyado namang maiksi at hapit 'to Val. Baka pagyuko ko neto makita na nila kung anong kulay ng panty ko!" Umikot naman kaagad ang kanyang mga mata "Alam mo kahit kailan ka talaga! Gustong gusto mo talaga magpa-virgin effect no?"
Pasmado talaga ang bunganga nito kahit kailan.
"Tumigil ka nga dyan! Ano naman ngayon eh virgin pa naman talaga ako?" Bunganga talaga nitong babaeng 'to tsk tsk. Bakit ba kasi may ganun akong damit sa closet ko?
"Haller? Party ang pupuntahan natin mamaya Meg! At ano naman ang gusto mong suotin? Maluwag at mahabang dress?" Nararamdaman ko na talaga ang irita ni Val sakin.
Ano namang masama kung ayaw ko sa ipinapasuot niya? Eh a hindi ako sanay ng mga sexy masyado. Marunong naman akong pumorma, ayoko lang talaga ng mga dress na mapang-akit.
"Ako tigilan mo ng mga kaartehan mo ha. Maya maya na yung party at hanggang ngayon hindi ka padin natatapos sa damit mo. Aba! Me-makeup-an pa kita"
NO! Not my face!
"A-ayoko! Sige na susuotin ko na 'to basta wag mo lang ako makeup-an. Alam mo namang hindi ako sanay ng may kolorete sa mukha!" Naiiling iling ko pang tutol sakanya.
"Napakadaming arte cous. Alam ko namang maganda ka na kahit walang make-up pero kailangan nating mang-akit ng boys tonight kaya wag ka ng umarte. Light lang promise!" May pa-taas taas pa ng kanang kamay ang bruha.
I sighed in defeat.
"Ngayong gabi lang ha! Ngayon lang. Kuuu! Pag ako nagmukhang bakla, kukurutin ko talaga yang singit mo! Tsaka wag mo kong idamay dyan sa kakirihan mo" Tila nagbago naman ang ekspresyon ng kanyang mukha at pumalakpak palakpak pa! May sayad talaga.
Kinuha niya na lahat ng kanyang kailangan sa bag niya at sinimulan niya na akong ayusan.
"Ayan ang ganda ganda mo na lalo. Sabi na nga ba talaga eh, i'm so magaling! Everyone should trust my taste talaga!" Sabi niya pagkatapos niya akong applyan ng make-up at lipgloss.
Mabuti naman at sinunod niya ang sinabi niyang hindi niya kakapalan. And I must say na gumanda nga ako ngayong gabi.
Inabot niya sakin ang isang silver na stiletto at silver na pouch. Siya na din ang pumili ng mga alahas na susuotin ko.
Lahat ng suot ko ngayon ay hindi ako ang pumili at bumili, malamang sa malamang galing to sa mga regalo ko nung kaarawan ko.
"Tara na dali! Dali! Inaantay na tayo doon ng mga kuya mo."
Bumaba na kami at sumakay sa sasakyan namin at nagpahatid na kami sa Rapture.
Birthday ni Kuya Kret ngayon, isa sa mga pinsan namin. At dahil lalaki, malamang sa bar ang celebration. Pero ang alam ko ay exclusive lang iyon for family, friends ang mga business partners ng family namin.
Pagkarating namin sa bar ay kitang kita mo kaagad ang dami ng tao kahit na pili lang ang pwedeng pumunta.
Dumiretso kami kaagad sa couch kung saan ang mga pinsan namin.
"Happy birthday Krety! Wag ka ng mangchi-chicks dahil gurang ka na!" Sabi ko sabay yakap sa kanya. "Thanks baby girl, pero sorry dahil hindi kita mapagbibigyan sa wish mo." Ginulo niya pa ang buhok ko. Napalayo tuloy ako sakanya at napa-irap. Boys will always be boys.
Tumabi nalang ako kay Kara sa couch. Siya ang nakababatang kapatid ni Kret. Ngayon ko lang din napansin na kumpleto kaming magpipinsan. Nakita ko kanina si Kuya Matt na may kausap na mga lalaki. Naka-business attire pa ito, siguro ay galing itong trabaho at dito na dumeretso.
BINABASA MO ANG
Starting Over Again
General FictionSalvatore Series 1: Megan Salvatore. Right person, wrong time. Is love enough? Is it worth fighting for? Are they really meant to be? Or still meant to be apart?