Zaphnie's POV
Friday na. Ang bilis nang araw. Naisipan kong magpahinga muna.. 'Yung bang, wala akong iniisip, walang problema.
Nandito ako ngayon sa Rocky Bay. Hindi po siya mabato, ganyan lang talaga ang pangalan niyan. Hehe.
Hayy..
Iniisip ko, paano kaya kung hindi ako ang prinsesa?
Magiging normal pa din kaya ang buhay ko katulad nang iba?
Mamumuhay kaya ako nang walang takot o pag-alala?
Tahimik na ba ang mundo ko kung hindi ako ang prinsesa?
Hindi ko na ba kailangang magtago sa isang kasinungalingan na sa akin mismo nakatakda?
Haisst..
Naisip ko nga rin minsan kung matatakasan ko pa kaya ang buhay na nakatakda na sa akin?
Paano kung umalis nalang kaya ako?
Tssk. Mali eh! Hindi naman ako duwag nu!
ISIP ISIP!!
****** Ortex ******
Third Person's POV
"Hindi niyo parin ba siya nakikita?" Tanong nang isang lalake sa taong kaharap niya.
"Hindi pa po Kamahalan, pasensya na po." Nakayuko si Primotivo sa harap ni Edwardo--ang nag-iisang Hari ng Kahariang Armenya at siya rin ang namumuno sa Ortex.
"Huwag kang humingi nang pasensya. Wala iyun. Basta't bago sumapit ang kaarawan ng aking anak dapat mahanap niyo na siya."
"Opo Kamahalan. Aalis na po ako, babalik na ako sa Mundo ng mga Tao."
"Mag-iingat ka."
Nang makaalis na si Primotivo, pumasok ang isang kawal na nagbabantay sa Oedex-- kung saan nakalagay ang Libro na naglalaman nang Propesiya - sa loob ng silid.
"Ano ang iyong sadya Tigor?"
Lumuhod at yumuko sa kanya ang kawal bago nagsalita.
"Bumukas po ulit ang libro na naglalaman ng propesiya, pero ngayon po may nakasulat na. Hindi ko po alam kung ano ang nakasaad dahil bilin niyo po na huwag akong lumapit."
"Paano mo nalaman na may nakusulat doon?"
"Abot po kasi hanggang sa pwesto ko na may nakasulat nga doon. Hindi lang po klaro kung ano."
"Tawagin mo ang Reyna! Magmadali ka."
"Opo"
Agad na tumayo ang kawal at pumunta sa silid ng Reyna.
Samantala, ang hari naman ay dumeretso sa Oedex.
Nakita nang hari na lumiliwanag ang libro.
"Totoo nga!" Biglang may nagsalita sa likod niya. Ang Reyna.
"Tingnan natin kung ano ang nakasaad aking Reyna."
Ngumiti ang Reyna at sabay sila na lumapit dito at binasa ang nakasaad .
" Bagong propesiya.
Ikaw ba ay handa na?
Maging alerto ang lahat sa bagong dadating
Prinsesa, ikaw ba ang nakahanda na rin?
Hanapin mo ang iyong kabiyak, Prinsesa.
Na tutulong sa lahat ng problema
Siya ang magpapalakas sa sayo,
Upang malabanan ang kahinaan mo.
Huwag maniwala sa katotohanan
Na siyang sisira sa isang labanan.
Harapin mo ang lahat ng kasinungalingan
Upang problema niyo ang matugunan
Bilisan niyo!
Magmadali kayo! "
---------
Nagbabasa pa po ba kayo? :((
| Luhan Baozi |
![](https://img.wattpad.com/cover/34237125-288-k793456.jpg)
BINABASA MO ANG
Princess of Lies
RandomIsang Babaeng Misteryoso. Walang kaalam-alam kung sino ba talaga siya o kung sino ang totoo niyang pamilya. Isang Matipunong Prinsipeng. Hinahanap ang nawawalang prinsesa. What if, ang hinahanap ng prinsipe ay isang hindi inaasahang tao? ------- T...